Nang makalayo ang sasakyan at unti-unti nang lumiliit sa mga paningin ni Maria ay saka palang siya nagkaroon ng lakas na humakbang. Sa dami ng taong naglalakad sa daan ay tila wala sa sarili si Maria na basta nalang umaabante papasok ng lobby. Hindi mawaglit sa kanyang isip ang ang mga sinabi ni Gregory na tila ba paulit-ulit nalang nagre-replay sa utak niya. Pagdating sa harapan ng pinto ay saka naman iyon bumukas. Nagtataka siya dahil hindi si Lyndel ang nasa loob kundi isang lalaki. Semi calbo, matangkad, matangos ang ilong at mestiso. Teka, nagkamali ba siya ng bahay na pinasukan? "S-sorry." Akmang tatalikod na siya ng biglang marinig niya ang boses ni Lyndel mula sa loob. "Umuwi ka na Adam!" sigurado siyang boses iyon ni Lyndel kaya napakunot ang kanyang noo at nagtatala kung b

