KINO ELIAS- It's totally unfair! Hindi niya alam kung anong pinagngingitngit at pinaglalaban niya. Kanina pa siya wala sa sarili dahil hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Maria kaninang umaga. Parang pelikulang paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang usapan nila kanina. She's not really attracted to me? Really!? Hindi niya matanggap o sadyang hindi lang siya sanay. He was used to women being so whipped with him even without him trying. Samantalang ang babaeng iyon ay harap-harapang sinabi sa kanya na hindi siya nito gusto. Like what the f**k is wrong with her? No, mas tama yatang sabihin ang mga katagang iyon sa kanya. Like why the hell did he felt like this? Ano ngayon kung hindi siya gusto ni Maria? He shouldn't really care at all. Pero heto siya ngayon sa loob ng

