Kumain, magmukmok at kaunting linis. Sa halos buong araw ay ganyan lang ang ginagawa ni Maria sa bahay ni Kino. Minsan ay napapatanong nalang siya kung ano ba talaga ang trabaho niya sa bahay ng kanyang amo? Bago ito umaalis ng umaga ay nakapagluto na ang lalaki ng pagkain nila. Sobrang aga nitong gumigising na daig pa yata ang mga taong bundok sa probinsya nila dahil nauunahan pa siya nito. Sa tanghalian naman ay bigla nalang may naghahatid ng pagkain para sa kanya. At ang pinagtataka niya ay may ibang maglilinis ng buong bahay na hindi niya alam kung saan nanggaling. Kaninang umaga kasi ay may babaeng dumating para maglinis ng bahay. Kahit anong pagtulong ang gawin niya ay hindi siya nito pinapayagan pero dahil matigas siya ay tumulong parin siya. Wala namang nagawa ang matangdang ta

