Sinalubong ko si Sherry at nag-usap kami sa sala. Kitang kita sa kanyang mga mata na nag-aalala siya sa akin dahil sa nangyari kanina. "Ok ka lang ba Jiane? Nag-alala ako sayo ng todo! Baka ano na ang mga pinagsasabi ni Sir Raikko sa'yo! Kinabahan ako ng todo nung nag talk back ka kay Sir! Baliw kaba hah? Alam mo ba kung ano mga pinaggagawa mo?" Tanong ni Sherry sa akin. "Grabe ka naman makatutok! Kulang nalang ay kutsilyo, at pwede mo na akong paslangin!" sabi ko na pabiro. "Wag kang mag-alala, sagot ko na yung kabaong!" "Sherry naman eh! Stop threatening me! Alam mo naman na your scary that way!" "Ano ka ba Jiane. Concern lang naman ako sa'yo. And, pagkatapos mong umalis, merong text message na receive si Sir. Ilang saglit lang ay lumabas din si Sir. May nangyari ba?" tanong ni Sherry.
"Oh yeah. Pinuntahan niya ako at pinapunta sa principal's office." "Hah? Nanaman? Girl, that's your 44th time going there!" "Kaya nga eh! Akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin. Pagdating namin sa office ay sinabihan lang naman kami ng principal na Sir Raikko will tutor me until my grades will improve." Sabi ko kay Sherry. Dumating bigla ang mga servants sa bahay at nagbigay ng mga snacks at maiinom. Umalis din sila pagkatapos. "Oh. It seems like parang palagi na kayong magsasama ni sir ah." Nakita ko sa mga mata ni Sherry na para siyang nabahala. Pero hindi ko nalang tinanong. "Ganun na nga. Nagulat ngarin ako na hindi siya tumutol. Knowing his attitude, malinaw naman na ayaw niya sa mga estudyante na kagaya ko. Kaya nga hindi ako makapaniwala." "...Well, at least ok ka lang. Sige na Jiane, aalis na ako. Hindi na ako magtatagal, baka mapagalitan ako ni Mommy. At meron pa akong pupuntahang iba." Parang umiba ang mood ni Sherry pagkatapos niyang nalaman ang tungkol sa pag tutor ni Sir Raikko sa akin. "Ayaw mong kumain muna? Favorite mo 'toh eh." sabi ko sa kanya. "Hindi na. Salamat nalang. Sige, see you tomorrow." Sabi niya papaalis. "Ingat ka."
Umalis na si Sherry at niligpit ko ang mga pagkain na hindi nagalaw. Kumuha ako ng konti at kumain. Pagkatapos ay bumalik na ako sa aking kwarto. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nangyari kanina. "Hindi kaya may gusto si Sherry kay Sir Raikko? Come to think of it, napapansin ko sa kanya na palagi niyang tinititigan si Sir." Humiga ako sa kama at tumutok sa ceiling. "Hay nako. Bahala na. It's none of my business after all." Ipinikit ko ang aking mga mata hangga't sa nakatulog na ako.
Raikko's POV
Pagdating ko sa bahay dumiretso ako sa opisina ni Dad. "Mabuti naman at dumating kana Raikko. Ba't ka ba natagalan? Usually mga 7 p.m ka uuwi. Ba't natagalan ka ngayon?" "My apologies. May inasikaso lang po ako sa eskwelahan, at meron pa akong isusubmit na mga papel at lesson plans." sagot ko kay Dad. "Is that so. Sige, hindi kita papakialaman d'yan. After all, ito ang pinag-usapan natin. Don't get too attached in that job of yours. Baka mahirapan pa ako na paalisin ka d'yan." "Ginagawa ko lang po ang trabaho ko." "Isa kang napakatalinong bata Raikko. We need to use it in a more suitable way. A job na bagay na bagay sa'yo." Tiningnan ko lang siya at nanatiling tahimik. "Raikko, I hope you did not forget our deal. Naging guro ka lang dahil sa ating pinag-usapan. In the first place hindi ka bagay sa isang klaseng trabaho na ganyan. You can do much more." Nagsimula na ang pag iba ng tono sa boses ni Dad. Mas naging seryoso na at tinititigan na niya ako at tinitigan ko rin siya. "I am aware of that." Sabi ko sa kanya. "At sana lang na aware ka din sa mangyayari sa buhay mo pagkatapos,Raikko. I'm not the type of person that will repeat myself, pero para sa'yo, I'll make an exception." And this time, tumayo na siya sa kanyang inuupuan at lumapit sa akin.
"Our deal was about you na makakagawa sa lahat ng gusto mo for 5 years. Pero after that, It will be me who will decide what will happen to your life after. Hindi ka makakapasok sa skwelahan na 'yon in the first place because you did not study as a teacher. I gave you files and asked the principal to accept you, and they did. Although your performance as a teacher in that school did well. But before you've become a teacher, you travelled everywhere. Nagpunta ka sa Europe,America,Africa, at marami pang iba. And of course, I did not stop you. You were free the whole 5 years. And now, malapit ng matapos ang contract mo. And so, ako naman ang manginginabang sa'yo. And let me tell you, hindi pa matatapos ang pasukan when our deal will end. So let me tell you, maghanda ka na ng excuse para makaalis ka na sa paaralan na iyon at para makapagsimula ka nang magtrabaho sa'kin." "Sure dad. Pero there's still someone na gusto kong tulungan. I'm her tutor for now. At hindi pa ako aalis kung hindi ko makikita na handa na siya. She needs my help." Sabi ko kay Dad in a serious tone. "And what if the contract will end and she's not yet the person you're expecting?" "Diba sinabi mo sa akin na I must always get the job done? Kaya yun ang gagawin ko. As a teacher, I must get the job well done. She needs to get good grades para sa kanyang future. She deserves something great." Dad just sighs. "Stubborn brat. Anyway, may ipapakilala ako sa'yo." Tumingin si Dad sa pintuan at meron siyang pinapasok. Pagbukas ng pinto ay merong isang babae na kilalang-kilala ko. "Gulat na gulat ka yata Raikko. Did you not expect this? Since ako na ang maghahandle sa'yo, that includes your relationship." "So sinasabi mo na she's my Fianceè now?" Hindi talaga ako makapaniwala dahil Hindi ko inakala na ganito kabilis siya ipapakilala ni Dad. "Hindi ko na yata kailangan ipakilala siya sa'yo dahil kilala niyo na ang isa't isa." Pagkatapos ay itinuloy namin ang gabi sa pag-uusap sa hapag-kainan kasama ang babae na pinapunta dito sa bahay ni Dad.