Chapter 3

1105 Words
Papaalis na Sana ako nung nakita ko si Rebecca na nagbubuhat ng mga papel Sa hallway. Something's telling me na gulo nanaman ang hanap neto. And for everyone's information, isa din siya sa mga matatalinong estudyante sa eskwelahan. Anak siya ng may-ari sa isang sikat na cosmetic business. "Ano, pinagsabihan ka na naman ba Jiane?" patawa niyang sinabi. "At ano naman 'yun sa'yo?" "Wala lang. Gusto ko lang matawa. Alam mo ba na kung sad ako ikaw lang ang iniisip ko? Just thinking about your whole existance is funny." "Wow naman. Nakaka flatter. Masaya ka kapag naalala ako. Pero sa tuwing maalala kita o makikita. Na bwibwiset ako." Tiningnan niya nalang ako at binangga. "Aray!" Hahabulin ko sana siya at komprontahin pero di ko nalang ginawa. Mapapagalitan nanaman ako. At obvious naman na they will take her side. She's smart,Rich, and this school needs someone like her. Hinayaan ko nalang 'yun at tumuloy na ako sa paglalakad, nung bigla nalang merong humila sa braso ko. "Aray! Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" Tumalikod ako at sasampalin ko na sana si Rebecca pero iba pala ang humila sa akin. "S-Sir Raikko?!" Buti nalang at napigilan ko sarili ko. I directly bowed. "Sorry po talaga! Akala ko po na ikaw si--" "I don't need your excuse. Mabuti nalang at napigilan mo ang sarili mo, dahil kung hindi malilintikan ka talaga sa akin." Hindi na ko nagsalita. "Come with me to the principal's office." Namulat ang mga mata ko sa narinig ko. "Nanaman?! Labas pasok na ako sa opisina na 'yan ah!" "Pupunta kaba o kakaladkarin kita papunta doon?" Syempre, di ako kumibo at tumitig lang sa kanya. Naiwan na siya ng walang choice kaya he took my arms at pinilit niya talaga ako papuntahin don. At ako naman, parang nag skating na sa sahig! Kahit anong pilit ko na patigilin ang pag drag sa akin, hindi ko magawa. Ang lakas niya! "Sir Raikko!! Sorry na po talaga! Hindi na talaga mauulet 'yun sir!" Kahit anong pilit at paki usap ko, wala lang talaga sa kanya. "Kung matalino kalang sana." At dahil sa kanyang sinabi, agad agad kong hinila ang braso ko at nabitawan na niya ako. "Ano ba sir?! Bakit ka ba ganyan sa akin hah?!" tumitig lang si Sir Raikko. "Bakit mo ba akong palagi pinapahiya sa harapan ng maraming tao?!" "Ano ba ang gusto mo? Isang guro na walang isasabi sa harapan mo pero pag nakatalikod ka na ay diyan ka pa niya sisiraan sa ibang tao?" "W-what's the difference?!" "Sa'kin harap-harapan. Nand'yan ka mismo, alam mo ang maririnig mo tungkol sa iyo. Mas mabuti nalang na sa'kin galing kesa sa iba mo pa marinig diba?" "Hindi pa rin tama yan!! Bakit ba palagi nalang mga insulto sir? Di ba pwede mga magagandang salita nanaman sir?" Sabi ko sa kanya."You want praise? You want me to compliment you? You want me to speak something good about you? Well then, why not show it to me that you're capable and worthy enough of my praise. Since you just said that there are never good things coming out of my mouth, then let them come out." "Challenge accepted 'Yan Sir!!" I said with a little bit of confidence. "Starting with your grades." Wala na akong nasabi dahil napahiya ako ng konti doon. At ngayon hinigpitan na niya ang paghawak sa akin papunta sa Principal's Office. Pagdating namin doon ay agad kaming pinatayo sa harapan ni Ma'am Celdrado. "Nandito na po siya. Makakaalis na po ba ako?" tanong ni Sir Raikko sa Principal. "Mamaya na. Pagkatapos na sa sasabihin ko kay Ms.Elizondo." "Ano po 'yun Ma'am? Usually tayo lang po ang nag-usap usap. Ba't ngayon kasali na si Sir?" "Dahil gusto ko marinig ninyo ang sasabihin ko." Sagot ni Ma'am Celdrado. "What is it?" Tanong ni Sir Kay Ma'am. "I know this seems clichè for you Raikko Mañiego, but I want you to tutor Ms.Elizondo here, whether you like it or not." Wala Sa amin ang nagsalita. "Mabuti naman at Hindi kayo nag wala. You're now dismi--" "Ma'am! Ba't siya? Marami namang guro diyan ah!" "Bakit Ms.Elizondo? May problema ba sa teaching skills ni Sir Mañiego?" Wala akong nasabi at tumingin nalang sa kanya. How unusual, hindi siya nagprotesta. "Sure." Tumingin tapos sa'kin si Sir Raikko, "Library, 5 pm, bukas." 'Yun lang ang sinabi niya sa akin at nagpaalam na sa principal. "Ganyan si Raikko mag handle, but he's not that bad." Sabi ng principal sa akin. "Ang harsh niya kaya po. Parang walang damdamin ang kanyang kinakausap." "He's just like that because of his past experience. But if you'll know him a little better, he's not as evil you think he is." "Siguro po." "But I am telling you Ms.Elizondo. You need to give us a higher mark this grading, kung ayaw mo maging repeater ng Gr.12!" "Opo." Sabi Ko Sa isang mahinang boses. "I hope na you will not just give us a line of 7. Kung ayaw mo na tutuksuhin ka ng mga ibang tao, ipakita mo sa kanila na magaling ka." "Sinusubukan ko po." "Mga sikat at magagaling ang mga magulang mo, Ms.Elizondo. Ang mga magulang mo ang may-ari sa sikat na restaurant sa buong Asia. Kilalang-kilala sila sa lahat ng tao kaya dapat you will not bring shame on them." Sinasabihan ako ng principal namin, at di nagtagal ay pinauwi na niya ako. Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako kaagad ng mga katulong namin at kinumusta nila ako. Sinabi ko naman na as usual, at hindi na nila ako tinanong pa, kaya Dumiretso ako sa kwarto ko. I tooked a bath, changed my clothes, at dumiretso sa kama. 7 pm palang pero gusto ko na matulog. Pagkatapos nang ilang oras ay merong kumatok sa pintuan ko. Tinanong ko kung sino, at si Rashgal pala yon. Si Rashgal ang Butler namin Sa bahay. Matagal na siya nagtatrabaho dito Sa household namin, and he's also quite old. Binuksan Ko ang pinto at kitang kita Sa katawan niya na pagod na siya. He's already 67 at puti na ang mga buhok niya. He needs to rest. "Kailangan niyo na magpahinga. Ano Ba kailangan Mo Sa akin? If this is about dinner, I don't wanna eat." "Nandito po kasi si Miss Sherry. Gusto ka niya po makita." Mahinahon niyang sinabi. Rashgal really does have an etiquette. "Ah kaya pala. Sige sige, pupuntahan ko na siya, at ako na ang bahala sa mga pagkain at iba pa. Magpahinga na po kayo." Sabi ko kay Rashgal. Ngumiti naman ito nagpasalamat sa akin. Pagkatapos ay bumaba na ako at pinuntahan ko na ang matalik kong kaibigan, na si Sherry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD