Shet! Wala na. Finish na. Nandito na siya! My Ghad!
'Yan ang sabi ko sa sarili ko habang tumayo na kami while greeting Sir Raikko.
"Pass your assignment." Sabi ni Sir in a scary tone.
"I am expecting 21 papers. Not only 20." sinabi niya 'yon habang nakatingin sa akin, bago siya tumingin sa iba at tinapos ang sentence niya. "...Or whatever."
Class pres. Collected the papers at nilagay niya ito sa lamesa ni sir at binilang niya ang mga ito.
"Why is this only 20? Did I not make myself clear awhile ago?" walang tumingin kay sir. Umupo nalang ako and i keep myself silent.
"Let me guess. The lacking paper is Ms.Elizondo's paper. Am I wrong?"
I closed my eyes and faced the other direction,hoping for him not to scold me infront of the class again.
"Ms.Jiane Elizondo. Stand up."
Katapusan ko na. Shet. Wala akong ibang magawa kaya tumayo ako at tumingin ako sa sahig.
"Alam mo Ms.Elizondo, Hindi naman ako nag expect na magpapasa ka ng assignment...But come to think of it, a little part of me did. Pero 1% lang. Pero ang 99% wala."
Ang sakit ng sinabi ni sir. Malapit na talaga ako maluha, pero of course pinipigilan ko sarili ko. Ayaw ko mapahiya sarili ko ng todo. Mabuti sana kung hanggang dun lang ang sinabi niya. Pero merong continuation pa pala.
"Palagi ko itong sinasabi sayo. Parang na habit ko na rin eh. Parang hindi yata ma kokompleto ang araw ko kung hindi ko ito masasabi. Nasanay na kasi ako. Alam mo yun, yung naging habit na." tumingin siya sakin tapos. "Ano nga yung mga ayaw ko sa mga estudyante?"
Heto nanaman tayo. Noon siya pa ang nagsasabi, at ngayon ako na ang kanyang pasasabihin. At that moment, hindi ako kumibo.
"If you can answer that Ms.Elizondo, Ilalagay ko sa class record na pasado ka sa assignment na ito kahit hindi ka nag pass. O ano, sasagutin mo ba o hindi? Dahil kung hindi, handang handa akong lumagay ng 73 nanaman sa card mo." he said with a smirk on his face.
"...Ang ayaw mo sa isang estudyante ay isang pasaway...walang kwenta....A nuisance, hindi on time, maliit ang marka, at..."
"At ano? "
"Mga bobo na estudyante."
"In short, ikaw. Hindi mo naman kailangan sabihin lahat ng 'yan. Pwede naman na diretsuhin at sabihin ang sarili mo." Emotionless niyang sinabi.
OMG... Maiiyak natalaga ako... Tulong!
Bigla nalang tumayo si Sherry, "Excuse me Sir Mañiego, pero mag-eexam pa po tayo."
Tumingin ako kay Sherry at sa loob looban ko, pinasasalamatan ko siya ng buong todo. Salamat at gumawa ka ng ibang topic para matapos na kami.
"Ah, oo nga pala. Umupo kana Ms.Elizondo."
"Um, Sir, pwede po ba akong pumunta sa banyo?"
"Mag seset ka ng kodigo dahil bagsak nanaman?"
"Sir--"
"Punta kana. Para makapagsimula na tayo."
Agad agad naman akong pumunta sa CR and locked the door. Habang nasa banyo ako ay bumuhos na ang lahat ng luha ko. Humarap ako sa salamin at tiningnan ko ang Nakakaawa kong sarili.
"Ano ba Jiane? Bakit ka ba umiiyak? Kasalanan mo naman eh. Bakit mo pa kasi kinalimutan hah?" I wiped my tears pero hindi tumigil ang luha ko sa pagbuhos. "Bakit ba kasi ang bobo ko hah? Bakit ako lang ang bobo sa eskuwelahan na ito? Bakit ba palagi nalang niya akong iniinsulto?" Kung ang iba dyan ay umiiyak dahil sa mga break break nayan, pwes, ang iniiyakan ko naman ay ang mga salita ni Sir Raikko para sa akin.
Pero siguro, it's for the best. Mabuti nalang at harap-harapan niya 'yun sinabi. At least diba, hindi siya backstabber. Totoo naman kasi lahat ng sinabi niya. I turned on the faucet and washed my face. Pinahid ko ang handky sa mukha ko and encouraged myself.
Bumalik na ako sa room after at nagsimula na kami sa aming exam.
"No erasures,10 points. Using Black ballpen 3 points, Cleanliness 10 points. So meron kayong plus 23 points. Get a 1 whole sheet of paper."
Merong Isa sa aming klasmeyt ang humingi ng papel and Sir Raikko noticed it.
"Walang manghihingi ng papel. Kung sino ang nanghingi, I will deduct it to his or her grades depending how much his or her mistakes are. Kung 5 ang mali niya, magiging 10 na ang mali niya. Sa nagbigay naman, kung ano ang presyo ng papel niya, iyon ang mababawas sa marka niya. But of course, depende kung ilang papel ang binigay niya."
Walang kumibo sa amin.
"Same when it comes to borrowing other things. Now, let's begin."
"Bi--bibili lang po ako ng papel sa tindahan." sabi ng estudyante na nanghingi kanina.
"Sure. Pero hindi kita hihintayin. Magsisimula na kami, kaya magmadali ka kung gusto mo pa makaabot."
"Opo!" nagmadali naman siyang lumabas, parang merong mga aswang ang humahabol sa kanya.
Paglabas niya, nagsimula na kami at wala pang 2 minutes ay nakabalik na siya.
"Nasa gubat ba ang tindahan? O di kaya'y, na kapag bakbakan kapa sa kalye?" sabi ng isa pang kaklase namin. Hindi na kasi ma explain ang itsura niya.
"Nagmamadali kase ako eh! Kayo Kaya Sa posisyon Ko ngayon!"
"Tama na ang satsat at umupo kana Mr.Guzman."
Oh my gosh... Sheyt. I did not study... Ahhh!!! Gaga Gaga Gaga!!! Wala na akong ibang maisip kundi kung pano nanaman ko kakausapin ang guro namin... So ayun nga, Sir Raikko continued his Exam. Naghahanap lang ako ng tiyempo para magtanong nalang sa kaklase ko sa mga sagot.
Nung nakita ko si Sir Raikko na nakatalikod, I seized the small moment at nagtanong sa katabi ko.
"Girl, Anu yung One?" tanong ko ng palihim. "Ano?" "Ang sabi ko, yung One." "Nasa One kapa? Girl, nasa number 27 na tayo ah." "Kahit nasa number 80 pa kayo." She sighed at tumingin sa number one niya. "one?" tanong ko ulit. Pasagot na sana siya nung bigla nalang nakita ko si Sir Raikko sa harapan ko. Oh ghad. Lord Jesus have mercy!!!
"Ano yung one na tinatanong mo sa katabi mo, Ms.Elizondo?" Tanong niya sakin with a piercing eyes.
"One.. One Peso po. May utang siya sakin na One Peso sakin Sir." OMG! Inaamin ko. Yun ang pinaka chaka na excuse ang nagawa ko sa buong buhay ko. Ghad! Lord have mercy!!
Akala ko na sesermonyahan niya nanaman ako. Mabuti nalang at umalis na siya at bumalik sa harapan. Hayys.. Wala na talaga.. Zero na ako.. Teyka, pati zero sinali niya.. Ok, wala ng numero ang marka ko dito---
O.. M.. G.. Baka ito mapalusutan ko.. Hmmm... Sana mag work ito. Sana hindi pa talaga sinirado ng diyos ang pintuan ng grado para sa akin...
Hintay hintay nalang ako hangga't natapos na ang exam. Whew. Grabe, the father the numbers get, the more anxious i've become. Hindi uso sa subject niya ang exchange with your seatmates. Siya mismo ang magwawasto nito.
At dahil nga malas ako, ang papel ko ang una niyang nakuha.
"Wow. Ms.Elizondo." pinakita niya ang papel ko sa aming lahat. Nakita nila na pangalan ko lang ang nakalagay. "Mas easy wastohan ang papel mo Ms.Elizondo. Kahit nakapikit pa ako ay kaya ko itong wastohan." natawa naman ang ibang kaklase ko. Edi natawa na sila. Pake ko. I'm used to this... "Ms.Elizondo, Zero over 101." tumayo ko at tiningnan siya. "Zero? Sorry sir, pero 10 po score ko."
Hindi naiintindihan ni Sir Raikko ang sinabi ko at pati narin ang iba kong mga kaklase. Nakita ko ang kaibigan ko na si Sherry na tumatawa ng palihim. Iba ka talaga Sherry. Na gets mo agad.
"Di mo ba naintindihan sir? What I meant was that one." tinuro ko ang kanyang sinulat sa pisara. Sinundan niya naman kung saan ako nakaturo."Cleanliness, 10 points." tumingin naman siya sakin pabalik.
"Kitang kita mo naman sa papel ko sir na Hundred percent CLEAN yan." naka gets na yung mga slow kong mga kaklase at tumawa na sila. Tumawa rin naman si sir. Although, ang tawa niya ay parang minamamaliit niya ako. "Ok. Sure. Pero tandaan mo. Over 101 ang exam. 10 lang ang score mo. 76 is the passing." "Kahit 100 pa ang passing sir. I don't care. That paper doesn't define my future! That's just a Sh*t...Of paper sir." tumingin lang si Sir sa akin. Of course natatakot na ako. First time ko to nagawa eh. Ever since sa unang araw na ininsulto niya ako, ngayon ko lang nagawa ko. For everyone's information, Half of the school year na. "Get out." Yun lang ang sinabi niya pero enough na yun para matakot ang isang estudyante. He said it sa isang kalmadong paraan pero makikita mo sa mga mata niya na he's pissed and ready to kill... Kinuha ko na bag ko at umalis na sa classroom. Mabuti nalang at last subject namin siya. Pwede na ako umuwi at humiga sa kama ko at ilabas lahat ng galit ko.