TEN: THE REVELATION (i) Nicklaus “What the hell happened to your face?” natatawang puna ni Aphrodite sa akin nang magkaharap kami. Nag-iwas lang ako ng tingin at hindi siya sinagot, dumiretso ako sa likod ng Bar counter. May secret door doon na papunta sa HQ. “Did something happen to you? Do you want me to ease the—” “Shut up, Aphrodite. I’m not in the mood to joke around,” singhal ko sa kanya. Ayoko sanang patulan ang pang-aasar niya ngunit parang wala siyang balak akong tantanan dahil sumunod siya hanggang sa elevator. Huminga ako ng malalim at diretso lang ang tingin ko. Ni isang kurap ay hindi ko ginawa kay Aphrodite dahil tiyak na pagtatawanan lang niya ako. Narinig ko siyang napabuntong hininga. “Poor baby, is he still missing something? Or perhaps, he wants more from her?” S

