ELEVEN: THE REVELATION (ii) Kuyom ang mga kamao ko at madilim ang anyo habang nasa harap ng laptop ko. Kanina ko pa paulit-ulit na binabasa ang mga ipinadalang mensahe ni Athena at sa unang pagkakataon ay ayaw ko sanang paniwalaan iyon. What the hell is the meaning of this! Tama nga ang kutob ko, may kinalaman si Freya sa pagkamatay ng mommy ko. Kasama sa files na binigay ni Athena ay ang ilang kuha ng litrato ni Freya na nakamanman kay mommy sa lahat ng puntahan niya. Nagring ang cellphone ko at nang sulyapan ko kung sino iyon ay mas lalong nagtiim ang bagang ko. It was Athena, I know why she’s calling me pero ng mga sandaling iyon ay ayoko sanang sagutin iyo at kompirmahin ang mga datos na binigay niya. ‘Yeah, as if I can do that,’ sarkastiko kong turan sa isip at mapait na ngumiti.

