TWELVE: BLINK OF AN EYE Pagkatapos naming mag-usap ni Athena ay umalis din ako ng Headquarters. I need to start my mission, gusto ko rin malaman ang buong katotohanan sa pagkamatay ng mommy ko. Maliban pa roon ay gusto ko ring malaman ang nangyari kay Freya. Why in the hell she ends working with that bastard? Ang Congressman ba na iyon ang dahilan kung bakit nawala bigla si Freya sa kampo? Bumalik ako sa XHaven, hindi para bantayan at hintayin si Freya, kundi ang umpisahan ang misyon ko. I have to do this, I need to set aside my promise to Freya, maiintindihan naman niya siguro ang dahilan kung bakit gagawin ko ‘to. Pagpasok ko pa lang sa Club ay isang magandang ngiti ang sumalubong sa akin. “Good evening, Sir,” masiglang bati niya sa akin. Isang tipid na tango’t ngiti lang ang isinu

