CHAPTER III
Tiim ang bagang ni Hades habang mahigpit na hawak ang isang papel na ibinigay sa kanya ni Athena. That was her next mission, and right at that moment he wanted to quit his job.
“Have you heard the news?” prenteng tanong sa kanya ni Athena. “Someone assasinate, Attorney Milan yesterday in the middle of the night. May mga bantay siyang ilang armado sa bahay niya dahil sa banta sa buhay niya ngunit kahit ni isa sa kanila ay hindi alam kung paano nakalusot ang salarin. Attorney Milan is a Public Defender who aims to bust all the higher officers that are corrupt and abusing their powers. Tatakbo sana siya sa nalalapit na election ngunit hindi pa man siya nakakapag-file ng kanyang COC ay pinatay na siya.”
Hindi siya umimik at hinayaan lang magsalita si Athena. Pinagmasdan niya ang bawat anggulo ng litratong nakadikit sa dokumentong iyon at tinitigan ang mga mata ng babaeng kaytagal na niyang hinahanap. Hindi naging hadlang sa kanya ang sinumpaan niyang tungkulin upang hanapin ang babaeng hanggang sa mga oras na iyon ay kanyang tinatangi. He still loves her and deep down in his heart, he was happy that he found her.
Pero may kailangan nga ba’ng ipagdiwang sa pagkakahanap niya sa babae? Dapat na ba siyang matuwa dahil sa wakas ay nakita niya na ang babaeng matagal niyang inaasam na matagpuan?
“He was killed with his wife beside him,” dagdag pa ni Athena.
Lalong dumilim ang anyo niya sa sinabi ni Athena, hindi niya akalain na kayang gumawa ni Freya ng ganoong bagay. Ano ba talagang nangyari dito at biglang naging gano’n kawalang puso ang babae? Malayong-malayo na ito sa babaeng kilala at minahal niya.
“Hades, are you with me?” tanong sa kanya ni Athena.
Tumingin siya rito at tumango. “What do I need to do?” walang emosyong tanong niya sa babae.
May inilabas pang isang file si Athena at inabot sa kanya. “That man is Senator Madrigal and he asked us to protect his family, nangangamba siyang siya na ang isusunod na ipapatay ni Congressman Hidalgo, the mastermind of all this killings. Freya Santibañez works for him and she’s the one behind all the killings.”
‘Then would it be best if I focus my goal on that Congressman?” aniya. “If he’s dead, the killings will be stop.”
Narinig niyang tumawa ng pagak si Athena. “And what? Freya will be free from all of this? Kahit magawa mong patayin ang Congressman, hindi pa rin ibig sabihin niyon na ligtas na si Freya at makakawala sa lahat ng ‘to. You will still need to stop her and surrender her to the authority to pay for his crimes.”
Muli siyang hindi nakaimik, sa loob-loob niya ay gusto na niyang umalis doon at puntahan si Freya at humingi ng paliwanag kung bakit bigla itong nagbago.
“Hades, you’re working with us and may I remind you about the oath that you made using your own blood,” mariin at seryosong wika ni Athena sa kanya.
Huminga siya ng malalim at tinapunan ng tingin ang pangalawang files na inabot sa kanya ni Athena. Dinampot niya iyon at hindi nag-abalang tingnan, inilagay niya iyon sa kulay itim niyang backpack kasama ang file ni Freya.
“Send all the details I need for this job, I got to go,” sabi niya at tumayo.
“It’ll be in your email in thirthy minutes. Do your job, Hades and step aside your feelings. You’re a professional Agent, don’t forget about that.”
Nang makalabas siya sa opisina ni Athena ay saka lang umigting ang kanyang panga, kuyom din ang kanyang mga kamao at ng mga oras na iyon ay gusto niyang manapak ng kahit na sinong makakasalubong niya. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang G upang tuluyang makaalis sa lugar na iyon.
Alas siyete na ng gabi at alam niyang bukas na ang Bar, kahit gusto niyang magpakalunod sa alak ngayon ay hindi puwede. Tiyak na aasarin siya ni Aphrodite at hindi titigilan kapag nakita siya doong umiinom, kaya naisipan niyang umuwi na lang at doon magpakalunod ng alak habang pinag-aaralan ang bago niyang misyon.
Nang huminto ang elevator ay unang bumungad sa kanya ang maamo at nakakaakit na mukha ni Aphrodite, nginitian siya nito at tango lang ang isinukli niya.
“Let me guess, did you receive your next mission?” nakangiting tanong nito sa kanya.
Tumango siya at nagpatuloy sa paglalakad, sumunod naman ito sa kanya tila wala siyang balak pang tigilan.
This is why I really hate coming here with her. Tch.
“Hmm, so how are you feeling right now?” malambing na tanong nito sa kanya at ikinawit ang mga kamay sa isa niyang braso.
Tumigil siya sa paglalakad at tinapunan ng tingin si Aphrodite. Alam niyang walang malisya ang ginagawa nito ngunit may pinangakuan siya isang babae na kailanman ay hinding-hindi siya magpapahawak o magpapalapit sa ibang babae.
‘I wonder if she still remember that promise we made for each other,’ mapait niyang turan sa kanyang isip.
“Can you take off your hands on me?” malumanay na tanong niya rito.
“Oopss! I’m sorry, allergic ka nga pala sa mga babae,” sabi nito at tumawa. Binitiwan siya nito at nagpatiuna nang maglakad palapit sa pinto kung saan ay ito lang at ang dalawang babae lang ang may access na buksan iyon.
Sa tinagal-tagal niya sa trabaho niya bilang Agent ay hindi pa niya nakakaharap si Hera, ang babaeng nasa likod ng lahat ng ‘to. Maliban sa boses na naririnig niya—which is auto-tuned at ginamitan ng voice changing device ay hindi niya matukoy ang totoong pagkatao ni Hera. Kung gaano sila kagaling tuklasin ang mga lihim ng bawat Agent nila ay gano’n din sila katinik itago ang mga identity nila sa mundo, kung paano nila nagagawa iyon? Tanging si Athena lamang ang makakasagot sa bagay na iyon.
Nang bumukas ang pinto ay nauna na siyang lumabas at pagkatapos niyang magpasalamat kay Aphrodite ay tuloy-tuloy na siyang umalis sa lugar na iyon. Sa backstage na siya dumaan dahil ayaw niyang makita ang mga bakla’t matrona na aliw na aliw sa ginagawang pang-aaliw ng mga kasamahan niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na hinahawakan at malagkit na tinitingnan ng mga gano’ng klaseng customer ng Bar, though it’s a part of their jobs.