FOUR: MISSION: Be a F*ck-Bud

1651 Words
FOUR: MISSION: Be a F*ck-Bud Niklaus Pagdating ko sa Condo ay itinapon ko ang dala kong backpack sa sofa at dumiretso ako sa bar upang magsalin ng alak sa isang baso. I need a drink to calm myself and think everything that Athena said a while ago. Sa pagkakataong iyon ay tanging alak lang ang makakatulong sa ‘kin na makapag-isip ng maayos, kasabay nang paghithit ng isang stick ng sigarilyo. Bumalik ako sa sala at pabagsak na naupo, pagkalapag ko ng baso ay inabot ko ang maliit na pack ng sigarilyong nasa ibabaw din mesa. Kumuha ako ng isa at mabilis na sinindihan iyon. Hindi ako heavy smoker, kapag ganitong may malalim lang akong iniisip ay saka lang ko lang ginagawa iyon. Kahit papaano kasi ay nakakatulong iyon para makapag-isip ako ng maayos. Tinapunan ko ng tingin ang backpack na dala ko, sa loob niyon ay ang files ni Freya, ilang beses kong sinubukang mangalap ng impormasyon tungkol sa kanya ngunit limitado lang din iyon dahil pakiramdam niya ay nagtatago ang babae at gumagamit ng ibang pangalan at nagdi-disguise. Well, tama nga ang hinala kong iyon. She’s disguising her self because of her job. Huminga ako ng marahas at sunod-sunod na humithit ng sigarilyo. Ilang taon na simula ng iwan niya ako at kahit isang sulat man lang o text ay hindi niya nagawa—o kahit ipaalam man lang sa akin na buhay pa siya, iyon lang talaga. Hindi ako magtatanong at hihingi ng kahit na ano’ng paliwanag kung ayaw niya, I only wanted to know she’s okay and everything’s fine. But I guess not. Muli akong nagbuga ng marahas na buntonghininga at nilagok ang lamang alak sa baso. Narinig ko na tumunog ang beepeer na nasa loob ng backpack. Alam kong galing kay Athena galing ang mensaheng iyon dahil wala namang ibang nakakaalam sa ganoong kumunikasyon namin. Tatlong babae lang ang laman ng contact list ko sa beeper at wala ng iba, imposible din naman iyong malaman ng iba dahil ang tanging meron lang niyon ay ang mga Agents ng organisasyon. Ang beeper ang nagsisilbing komunikasyon ng lahat ng Agent kay Athena, upgraded iyon at untraceable. Ang tanging makaka-trace lang sa amin ay si Athena, at kahit nasaan man kaming lupalop ng mundo ay kaya kaming mahanap ni Athena sa isang kurap lang ng mata nito. Isang genius si Athena sa maraming bagay kaya nga siguro sa kanya iniatang ni Hera ang ganitong trabaho—techonolgies and hacking system. Walang hindi kayang makuhang impormasyon si Athena, ibigay mo lang sa kanya ang pangalan at bigyan ng isang oras, ipepresinta na niya sa’yo ang lahat ng impormasyon ng taong pinapahanap mo. Kung hindi lang ako isa sa mga Agent ng organisasyon ay kukunin ko rin ang serbisyo nila para iahanap si Freya, dahil simula nang lumabas ako ng militar ay ilang beses ko nang sinubukang hanapin siya ngunit lagi akong bigo. Totoo nga talaga ang kasabihang ‘mahirap hanapin ang isang tao kung ayaw niya talagang magpahanap.’ Inginudngod ko ang sigarilyo sa ashtray at kinuha ang alcohol na katabi lang ng ashtray. Binuksan ko ang backpack at mabilis na kinuha ang beeper saka binuksan ang message ni Athena. The message was written in a code and we’re only the one who can read it, kasama iyon sa naging training namin para kahit saan man kami magpunta o mawala man ang beeper sa amin ay tanging kami lang ang makakabasa niyon. The files are sent in your email, it will be automatically deleted after a few minutes so download it and print, immediately. -A Sinunod ko ang sinabi niya, wala pa mang isang minuto ay hawak ko na ang dokumentong ipinadala ni Athena, may sarili rin kasi akong printer para sa mga ganitong bagay, o mas tamang ni-required sa aming mga Agents na magkaroon ng portable printer. Kung gaano ko kabilis nai-print iyon ay gano’n din kabilis nawala sa inbox ko ang email na iyon. Kung paano niya nagagawa iyon, ay siya lang alaga nakakaalam niyon. “She’s really a Goddess,” sabi ko habang napapailing. Minsan tumatakbo sa isip ko na kung sa gobyerno nagtatrabaho ang isang katulad ni Athena ay tiyak na uunlad ang bansa at walang kahit na sinong makakalusot na mga kriminal at mga kurakot dahil sa galing niya sa teknolohiya. Nagsimula akong basahin ang dokumentong hawak ko, may kalakip iyong larawan ng isang magandang babae na napag-alaman niyang anak ni Senator Madrigal. Layza Madrigal, a typical b*tch who loves to party and f*ck guys whenever she wants. Natawa ako sa caption ng litrato ni Layza Madrigal, this is why this documents are confidential and only for us. Kapag nakita ito ng kliyente namin ay tiyak na manggagalaiti dahil sa mga impormasyong naroon. Lahat ng kailangan naming malaman sa kliyente namin ay nakasulat sa report na pinapadala sa amin ni Athena, sa ganoong paraan ay mapag-aralan namin ng mabuti at i-handle ng maayos ang mga kliyente namin. Nagsalubong ang kilay ko nang nasa kalagitnaan na ako nang binabasa ko. Hindi ko napigilang mapasinghal sa kawalan, mabilis kong kinuha ang cellphone ko at idinayal ang tatlong numero na ginagamit din namin para kontakin si Athena. It was a customer service that the organization made straight from India, a headquarer made only for them. “Hello this is Ma-duk Services, how can I help you?” anang service sa kabilang linya. “Please, I want to speak to H.E.R,” sagot ko. “I’m sorry, I can’t get what you want? Can you repeat it, Sir?” muling turan ng nasa kabilang linya. “H.E.R—H. E. R. Hadesph07450804,” binigay ko na ang coordination ko. Ilang sandali akong naghintay, matiyaga akong naghintay dahil alam kong pina-process na nila ang pagkonekta ko kay athena. Ang mga letrang H, E, R, ay tumutukoy kay Athena at ibinigay ko din ang codename ko, kasabay ng location at eksakong oras at araw ng pagtawag ko. “You’re appointment is confirmed, please wait for awhile to reconnect you to H. E. R.” Hindi ako umimik at hinintay na lang na sagutin ni Athena ang telepono niya. Ilang minuto din ang nakalipas bago ko narinig ang malamyos niyang boses sa kabilang linya. “What do you want, Hades? I send all the information to you,” bungad niya sa ’kin. Huminga ako ng malalim. “Do I really need to be her f*ck bud?” direkta kong tanong sa kanya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya, nag-igting ang panga ko. I bet she’s making fun of me, right now. At kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay tiyak na matalim na naman ang tingin niya sa akin. “What? You called me just to ask me that stupid question?” “Athena, you know I can’t do that. I can strip all you want and dance infront of those gays and old pervs but being a f*ck bud, you know it’s—” “And what if, I told you that, it’s the only way you can see her from far away. Will it change your mind? Did you read all the information I sent to you?” Natigilan ako sa sinabi niya, mahabang sandali ang lumipas na wala akong masabi. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya, and she caugt me off-guard. “Are you still there, Hades? No need to thank me, this is just one of your incentives and I let you off this time but please bear in mind about your who you are and your duties as one of our agens. If you still have any question, come and visit me.” “Thank you, I hope you enjoy our service, please don’t hang up the phone and answer a few questions, this call is recorded and—” Hindi ko na tinapos pa ang sinasabi ng kabilang linya. Hindi naman iyon mahalaga dahil cover up lang iyon para sa naging pag-uusap namin ni Athena. Tinitigan ko ang hawak kong dokumento, hindi ko pa rin makuha kung ano’ng connection ng misyon ko ngayon sa muling pagkikita namin ni Freya pero may parte sa akin ang natutuwa at nagdidiwang dahil masisilayan ko na rin siya sa loob ng napakahabang panahon. Bumalik ako sa pagbabasa at hindi ko napigilang mapangiti nang matapos ko iyong mabasa. Kung nasa harap ko lang ngayon si Athena ay tiyak na mayayakap ko siya, pasasalamat sa binigay niyang impormasyon. Iba ang ugali ni Athena sa dalawang babaeng haligi ng organisyon—si Aphrodite ay mapang-akit at tuso na katulad ng isang fox habang si Artemis ay kasing tapang at walang kinatatakutan na katulad ng isang leon. Prangka naman si Athena at laging straight to the point, lahat ng sinasabi niya ay kailangan mo talagang pakinggan dahil hindi na niya iyon uulit pang banggitin. “So, I neet to be her f*ck buddy,” sabi ko habang tumatango-tango. Layza has a connection to Congressman Hidalgo and the report that Athena sent says that Layza pays Congressman Hidalgo to kill her own father to inherit his last will. Kapalit niyon ay iluklok nila si Congressman Hidalgo with the help of course of Layza. Napailing ako, hindi ko pa rin maatim na may mga anak na kayang paslangin ang mga magulang nila dahil lang sa kayamanang makukuha nila. Nakalagay naman ang rason kung bakit iyon gagawin ng anak ni Senator Madrigal pero para sa akin napakababaw pa ring dahilan niyon para masikmura niyang makipagkuntsabang patayin ang sariling ama niya. Kinuha ko ang lighter ko at sinimulang sunugin ang papel na iyon at itapon sa katabi kong metal na trash bin. Nakatatak na sa isipan ko kung paano ko makikita at matatagpuan si Layza sa mga oras na iyon. Iisipin ko na lang na ginagawa ko ‘to para kay Freya, at kung makakagawa man ako ng kasalanan ay saka na ako hihingi ng tawad, I’ll accept any punishments from her, later on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD