Nag uumapaw rin ang kasiyahan sa kaniyang puso, tignan mo nga naman nabansagang isa sa mga pinakamayaman at maipluwensiyang angkan sa buong pilipinas ang pamilya Fuentebella pero sino ang mag aakalang kahit sino at pinakamababang uri kaya nilang pakisalamuhaan. Hindi sila matapobre, mababait sila sa kanilang nasasakupan kaya kita at ramdam mo din ang pagmamahal nila sa kanilang pamilya. Tignan mo si Janna at Jacob, napakataas na tao pero mababa ang kanilang loob. Kaya nilang pakisamahan ang lahat dahil pinalaki sila ng mag asawa na maayos at may mabuting loob. May mahihiling pa ba siya? "Misis." untag ng binata. "Tignan mo yang anak mo." sabi niya habang kausap ang batang babae na anak ng isa sa mga katiwala nila sa Hacienda. "Ang guwapo talaga ng anak ko." puri nito. "Siyempre ang

