Pagpasok pa lang nila sa loob naabutan nilang nagriring ang cellphone ng binata at si Casey ang tumatawag. Nilingon siya nito at humihingi ng permiso na sagutin iyon. Napatango na lamang siya saka nagpasyang pumasok sa banyo. Ayaw niyang marinig kung ano man ang pag uusapan ng dalawa. Hindi man niya aminin pero biglang sumama ang kaniyang loob dito. "Hello hon, are you still mad at me?" maarteng boses iyon ni Casey. "Anong Kailangan mo?" Supladong tanong niya sa dalaga. "Hon, ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" mangiyak ngiyak na tanong nito sa kaniya. "Wala." "Hon!" "Ano tatawagan mo ako pagkaalis ng ex mo?ex nga ba o kayo na ulit?." "How did you know?" "I have my own ways." galit na sabi niya dito. "Hon!" "At alam ko rin na kauuwi niyo lang galing sinehan." "

