"Pa, ihahatid ko na kayo ni mama sa bahay." sabi niya sa kanyang ama. "Daanan na natin si Tricia baka nakauwi na siya." Sabi ng kaniyang ina. "Nasa labas pa siya ma, mag iinuman lang kami ni papa." "May problema ba kayo ni Tricia iho?" "Wala po." sagot niya sa ina saka sinulyapan ang ama bago pumasok ito sa loob ng kanyang kotse. Tinanguan naman siya nito. Makalipas ang isang oras Nakarating na sila sa kanilang bahay. Nasa kuwarto na ang kaniyang ina at si Cade nanonood ang dalawa tapos inihanda naman niya ang inumin nila ng kanyang ama sa may veranda. "Iho." ang papa nila. "Pa." Napa buntung hininga siya. "Makikinig ako." Mag sisinungaling pa ba siya sa ama? "Naiinis ako sa sarili ko dahil nakikita kong masaya siya kay Arvin." Simula niya. "Nagseselos ka ba?" "Hindi ko alam

