Nasundan na lamang niya ito ng tingin ng palabas na ito sa kanilang bahay. Hindi man niya aminin pero nasaktan siya sa iniasta nito. Hinayaan na lang niya ang binata. Sakto namang tumunog ang kaniyang cellphone at si France ang tumatawag. "France." "Sweetheart may problema ba?" "Halata ba?" "I'm on my way now, give me 2 minutes nandiyan na ako." "Seryoso ka?" "Yeah, paki handa na din ang mesa diyan ako magbi breakfast." at narinig niya ang malutong na tawa nito sa kabilang linya. Nahawa din siya dito. Mabuti na lang at nandiyan lagi si France para sa kaniya. After 2 minutes nakarinig siya ng pag beep ng sasakyan at si France na nga iyon. "France!." agad siya na yumakap sa kaibigan pagkapasok nito. "What happened sweetheart?" "Nakita niya kami ni Arvin na magka sama at si Cade

