"Let's go." yaya ng binata. Inalalayan pa siya hanggang sa makalabas siya ng kotse at binuhat naman nito si Cade at pumasok sila sa loob ng restaurant na iyon. Pagkaupo pa lang nila, lumapit na ang isang waitress sa kanila at kinuha ang kanilang order. "Na miss ko kayo." nakangiting sabi ng binata sa kanila ni Cade. "Kami din." sagot niya at gumanti ng ngiti dito. "Birthday ni Mama next week, pupunta ka ha, hindi pwedeng hindi magtatampo iyon." pagkuway sabi ng binata. "Makakatanggi pa ba ako?" nakatawang inirapan niya ito. "Saka sasama naman si France." "Oo na!." At dumating na ang kanilang order kaya nagsimula na silang kumain. "Masarap ba baby?" tanong ni Arvin kay Cade na sarap na sarap sa pagkain. "Yes po." Katatapos niyang kumain ng naagaw ng kanyang atensiyon ang dalawan

