"Dapat every weekend nandito kayo sa bahay." sabi ng Doña sa kanila. Naghahanda na sila noon pauwi sa kanilang bahay. Nauna ng umalis si Janna sa kanila kasi kailangan na siya sa Hospital. "Yes ma." "Dapat kasi hindi ka na bumili ng bagong bahay niyo, dito na lang sana kayo sa mansion. Napaka lawak ng bahay tapos kami lang ng mama niyo at mga kasama dito sa bahay ang nakatira dito." sabi ng Don sa anak. "Papa dito naman kami every weekend." Tinapik ni Jacob sa balikat ang ama. Mababakas sa mukha ng mga ito ang kalungkutan. "Parang ang layo naman ng uuwian namin eh 1hour nga lang dito hanggang sa bahay namin." nakatawang dagdag pa ng binata. Napatawa naman ang mag asawa. "Iba parin yung nandito tayo sa iisang bahay anak, naku! mamimiss namin itong si Cade." sabi ni Doña Karina. "P

