2:

2613 Words
TILA nabasa naman ng binata ang nasa isip ng apo ni Don Vladimir, hinubad kasi nito ang suot na shades. "Pasensya na, nakalimutan kong alisin." Hindi naiwasan ni Haya na mapanganga nang tumambad sa kaniya ang maganda palang mga mata ni Lautus… Wala sa loob na napakamot siya tuloy sa sarili niyang leeg. "A—Ahm, Grandpops, siya pala ang inirereto mo sa 'kin?" baling ng dalaga sa lolo niya. Mahirap na, baka sabihin ng 'mapapangasawa' niya ay nagulat siya sa amo ng mukha nito. Well, kahit iyon naman ang totoo. "Siya nga hija, mapapabuti ka riyan kay Lautus. Napakabait na bata niyan," pagbida agad ng lolo niya sa manok nito. Hindi naman niya malaman ang itutugon sa abuelo kaya taas noo na lang niyang binalingan ulit ang lalaki. "So, agree ka kamo na mag-try tayo na magsama sa iisang bahay first without the wedding?" "Yeah," simpleng sagot ni Lautus, nagkibit pa ng mga balikat. "Walang problema sa 'kin, basta pumayag ka lang din, Don Vladimir," baling nito sa don. "No problem with that, besides, si Hayanara naman ang naglatag. Alam mo naman na sobra kitang pinagkakatiwalaan hijo." Lihim na napataas ang kilay ni Haya sa ngitian ng lolo niya at ni Lautus. Bigla kasing parang naglaho siya sa silid at ang dalawa lang ang naroon o baka feeling niya lang? "Once na mag-succeed ang pagsasama namin, magkasundo kami and all, papayag akong pakasal sa kaniya," anunsyo niya, nilinga siya ng dalawang lalaki. "Kapag hindi naman kami nagkasundo, sorry na lang. Are you two in with that?" Nagkatinginan sina Don Vladimir at Lautus, saka kapwa tumango-tango nang pumaling na ulit ang tingin ng mga ito sa kaniya. ***** BILYONARYO, iyon ang isang salita na maipanlalarawan ni Haya sa lalaking kanina lang ay tila simpleng tao sa harap ng lolo niya. Palibasa ay hindi siya interesado sa fashion ng mga lalaki kaya late niya na napunang Dolce & Gabbana pala ang suot ni Lautus na sunnies. Ngayon niya lang naalala na limited edition ang ganoong sunnies, naalala niya iyon nang makatabi niya ito sa sasakyan nito na pagkahaba at nagsusumigaw sa rangya. "Ano ang family name mo?" naalalang itanong ni Haya sa binata. Tinaasan siya ng isang kilay nito. "Why?" balik na tanong sa kaniya ni Lautus, napasulyap sa cellphone na hawak ng dalaga. Kailangan ko lang na i-check," simpleng sagot niya, marahang iwinasiwas ang hawak niyang phone sa lalaki. The billionaire smirked. "Hindi mo na sana gagawin 'yan kung binasa mo lang ang contract namin ng lolo mo kanina." "Excuse me? E, hindi ko nga binasa, so, yeah, pakibanggit na lang ang family name mo please." "Traverson." Sasabihin din naman pala, 'dami pang arte! Sinimulan ng heredera na magtipa sa aparatong hawak. Ise-search niya siyempre kung anong klaseng lalaki itong nais ng lolo niya na kaniyang mapangasawa. "Wala kang mahahanap d'yan kundi ang mga negosyong naitatag ko lang nang mag-isa," ani Lautus. Pinaglapat ni Haya ang sariling mga labi bago siya magsalita. Mahirap na, kapag basta na lang niya ibinuka pa naman ang bibig niya ay kung ano na lang ang masabi niya. "Look, I just need to check your background, kung offended sa 'yo ang bagay na 'yon—" "Offended?" putol ng bilyonaryo sa sinasabi niya. "Malayo sa ganyan ang nais kong ipakahulugan sa 'yo. Gusto ko lang talagang sabihin na wala kang mahahanap d'yan dahil hindi naman kilala sa business world ang apelyido ko." "Hindi nga pamilyar sa 'kin." "See?" "Pero may result ang pag-search ko," sabi ni Haya, may ngiting nakapaskil sa labi. "Self-made billionaire ka pala. I see…" Sinulyapan ni Lautus ang dalaga. Busy na ito sa pag-scroll ng phone nito. Tumatango-tango at may ngiting hindi naglalaho sa mga labing napipintahan ng kulay maroon—'yon ang tingin niyang kulay ng bibig nito. "At the age of 26, bilyonaryo ka na," Haya Henson said while still looking at the screen of her phone and busy tapping, scrolling on it. Well, totoo naman ang nababasa ngayon ng apo ni Don Vladimir, at ang don na may malaking ambag sa yaman niya ngayon. Masasabi ni Lautus sa sarili na nagsikap naman siya, ginawa niyang araw ang gabi noon para maiangat ang sarili. Para hindi na muling magutom. At sa totoo lang, sa tulad niyang wala namang impluwensya ang apelido ay kailangan niya ng malupit na diskarte na siyang naging hagdan niya sa pag-angat. Sinuwerte lang din siya na nadikit sa lolo ng babaeng socialite na ngayon ay katabi niya sa sasakyan niyang bagay na bagay sa mga taong tulad nito. "Twenty eight na 'ko ngayon. Nine hundred dollars ang net worth ko na nakasulat d'yan, right?" pormal na aniya sa heredera ng Henson pagkuwan. "Uh—huh…" tugon ng dalaga, hindi man lang siya sinulyapan. "That's a lie. Sa ngayon kasi ay pumapatak na ang net worth ko sa higit pa sa nakasulat d'yan and it's all thanks to your grandfather." He's just telling the truth. Doon siya tinapunan ng tingin ng nag-iisang apo ni Don Vladimir. "Seryoso?" "As hell," simpleng tugon niya. Mayabang na siya sa kung mayabang, ganoon talaga siya kapag yaman na niya ang pinag-uusapan. "Grabe! Sobrang love talaga ako ni Grandpops!" Kumunot ang mga kilay ng bilyonaryo nang sumandal ang dalaga sa kinauupuan at nakangiting pumikit na tila nangangarap ito habang yakap ang cellphone na may palamuting glitters na bagay sa nasagap niyang personality nito. "Of course, apo ka niya. Nag-iisang apong babae pa, given nang mahal ka niya." "Yes, and that's great! I mean, kaya ko pa rin bumili ng mga designer bags, shoes, clothes, because of you. Puwede pa 'kong mag-travel ngayon kung kailan ko gustuhin, strict kasi si Grandpops." Ah, nangangarap na nga si Haya Henson, walang boses na sambit ni Lautus sa sarili. "That's… cool!" ani pa nito, mas kausap ang sarili at parang batang nangniningning ang mga mata sa kaniya. Parang bata na walang problema. Mapapa-sana lahat ka na lang talaga sa vibe ng isang 'to. Tumikhim siya. "Hindi ka nga talaga nagbasa ng kontrata namin ng lolo mo, 'no?" "Hindi ko na kailangan na basahin 'yon, alam ko naman na hindi mo 'ko gagalawin. Lagot ka kay Grandpops 'pag nagkataon." Dalawang kilay ang napataas kay Lautus. "H—Hindi kita gagalawin? Come again?" "Oo," dinuro siya ng dalagang brat ngang tunay. "Don't you dare, ni dulo ng daliri ko ay hindi mo puwedeng hawakan." Tinaasan niya ito ng isang kilay. "But, Missy, you will be my wife soon." Maano bang asarin niya ito, tutal ay nakakatuwa naman pagmasdan ang babae sa tuwing nalulukot ang magandang mukha nito. "And, nakalimutan mo yata na kinarga na nga kita kanina sa bar." "That is with my permission. Ibang usapan ang wala!" Nakairap na tugon sa kaniya ng bratinella. Obviously, hindi siya nakikilala ni Haya. Pero siya, mula noon at hanggang ngayon, hindi niya maaaring hindi ito makilala. Lalo at nasasaksihan niya na naman ang pagiging brat nito ngayon. "Ah, okay," kesa makipagtalo pa ay sadyang sinimplehan na lang ni Lautus ang tugon. Gusto niyang iparating dito na madali siyang kausap. "Saka hello, the 'soon' will only be possible kung magkakasundo tayo. 'Yon ang pact na sinang-ayunan niyo ni Grandpops, remember?" hirit pa nito. "Yeah, yeah, wala na 'kong sinabi." Tatango-tango niyang turan. "Good." "Also, wala rin naman vocabulary ko na mamilit ng babae. Kaya nga pumayag ako sa gusto mong mangyari," hirit pa rin niya rito. Naisip niyang ang boring naman kung wala siyang kausap—sige na, aaminin na niyang hindi niya gustong sa cellphone na naman nito mag-focus si Haya. "Hindi rin naman kita papatulan ano!" He chuckled. "Yeah, I know." Dahil binanggit niya ang sinagot niya rito with so much sarcasm, nakuha niya ang inaasahan niyang reaction sa kausap. Kandalukot na naman ang magandang mukha nito. "And what do you mean by that, mister?" Tumaas ang isang sulok ng labi ni Lautus. "Narinig kong napakarami mong manliligaw pero ni hindi ka nakipagrelasyon. Nakarating din sa 'kin ang balita na ang trabaho mo sa Henson Corp. ay pamumuno ng isang team na puro babae. Well, if you don't mind, are you a lesbian?" Malakas na suminghap ang dalaga. Saka napatingin sa suot nitong dress na buti na lang ay pinatungan nito ng bolero leather jacket dahil awtomatikong hinayon din ng mga mata niya ang kabuuan ng katawan nitong kanina pa nga niya talaga iniiwasan ng tingin, partikular sa medyo nakalitaw na mayaman nitong dibdib… "Sa suot kong ito, sasabihan mo 'ko na lesbian?!" Kinagat muna niya ang dila niya bago ito tugunin. Hindi niya gustong umalpas sa bibig niya ang pagpuna sa dibdib nito. Iyon kasi ang tinutukoy niyang 'malaman' kanina. "Why not? May mga lesbian na ganyan naman manamit, mostly 'yung tulad mo yata na ayaw ipaalam sa mundo ang gender preference." Mas lumakas ang singhap nito. "At seminarista ka sa lagay na 'yan? Seriously?" sa nanlalaki na mga mata ay bulalas nito. Pagak na natawa ang bilyonaryo. "Binabalak ko pa lang talaga, nang makilala kita ngayon ay mukhang aalisin ko na 'yon sa mga naiisip kong gawin sa buhay ko," aniya, siniguro niyang may nakapaskil na nakalalokong ngisi sa kaniyang labi. "I can't believe that this is really happening!" maarteng bulalas pa ng dalaga pagdaka. Maarte rin na itinirik nito ang mga mata sa itaas, maging ang mga braso. Pagkatapos ay nag-cross arms, sa bintana na ipinaling ang mukha. Napailing siya't tipid na nangiti. Tulad noon, ganoon pa rin si Haya sa tuwing ayaw nang makipag-usap at pikon na. "Alexa, kaya mo bang alamin kung ano ang gusto ni Hayanara Chevvy Henson sa isang lalaki?" tanong niya sa virtual assistant niya. Gaya ng kaniyang inaasahan, nilinga siya ng brat na kasama niya sa sasakyan. Patay-malisya lang naman niyang hinintay ang isasagot sa kaniya ni Alexa. "Hayanara Chevvy Henson, also known as Haya, only heiress of Henson Corporation once said sa past interviews niya na gusto niya ang katulad mong lalaki, Boss Lautus—tall, not too dark and handsome." "What the F?!" agad na harsh reaction ng babaeng kasalukuyang ibinubuko ng virtual assistant niyang si Alexa. Lautus chuckled. "Talaga? So, hindi pala siya lesbian?" "Of course not. Napakaganda at sexy ng modelo na si Haya Henson." He smirked. Saka niya nilingon ang babaeng nakanganga pa rin pala. "Sabagay ay tama ka, Alexa." Haya gritted her teeth. "Stop it! Tigilan mo ang kalokohan na 'yan, hindi ka nakakatuwa!" "Alexa, hindi ba 'ko nakakatuwa?" nang-iinis na tanong pa ni Lautus sa virtual assistant. "Mas madalas na hindi, boss." Hindi marunong magsinungaling si Alexa, 'yon ang nakakainis sa virtual assistant niya. "Alright, don't talk to me for now," kunwa'y nagtatampo niyang ani kay Alexa. "Shocks, ganyan na ba ka-boring ang buhay ng isang tulad mo? May pa-virtual assistant ka pa!" Naniningkit ang mga mata na asik sa kaniya ni Haya. "First of all, bakit ka galit? Wala namang sinabing hindi maganda si Alexa sa 'yo ah." "Ghad, hindi ko na mapaniwalaan 'to!" gigil na sambit ng dalaga sa sarili. "Well, siguro ay tama ka, hindi ko na kailangan si Alexa, narito ka na kasi. Yup, dahil siguro sa 'yo ay hindi na magiging boring ang buhay ko." Hindi makapaniwalang napanganga ang babae sa tinuran niya. Magsasalita pa sana ito kaso ay naudlot na iyon ng right hand man niya. "Nandito na tayo, Bossing," anunsyo ni Vio. Mabilis na tumayo siya. Mabilis din na dinukwang niya ang arm rest ng kinauupuan ng dalaga. Awtomatiko naman itong pabiglang napaatras. "I—I'm warning you, Lautus Traverson, 'wag na 'wag mo akong hahawakan," mahina ngunit matalim nitong banta sa kaniya kahit halata namang nagulat ito sa ginawa niya. Iyon naman ang gusto niya talaga rito, matapang talaga ito noon pa man. Ngumisi siya. Sinalubong niya ang nananatiling nanlilisik na mga mata nito. "We're here at my house in New Manila, saka na tayo mag-usap at mag-asaran, kailangan mo pang magpahinga at maaga pa tayo bukas. Pero isa lang ang gusto kong iwan na salita sa 'yo bago tayo maghiwalay ngayong gabi—be ready. Kung hindi mo ako gustong mapangasawa, gano'n din ako. 'Wag kang mag-alala." Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa ito, dumukwang ulit kasi siya upang tamnan ng isang mabining halik ang bumbunan nito. "Have a good night." He stood straight after. Tinalikuran na niya ang natigagal nang heredera ng Henson Corp. Well, totoo naman na hindi niya rin ito gustong mapangasawa pero wala siyang sinabing hindi niya ito gusto, in the truest meaning of that word. Tanga lang ang lalaking hindi maaakit sa babaeng bukod sa maganda ay may nangungusap na mga mata at labi. Tama talaga si Alexa, piping sang-ayon niya sa virtual assistant. Kahit nagmukha siyang may tama sa paningin ng heredera kanina habang kausap niya ito. Nailing na lang niya ang ulo sa sariling kalokohan na naglaro sa kaniyang isipan. SA pagkakaalam ni Haya ay antok na antok pa siya. Hindi niya alam kung bakit nagising na lang ang diwa niya bigla habang nananatiling nakapikit naman siya at nakasubsob padapa sa unan. Taliwas sa inaasahan niya ay nakatulog siya nang maayos sa bahay na iyon. Ni hindi siya namahay man lang. Siguro ay nakatulong din ang mga nainom niya sa himbing ng tulog niya kagabi sa bahay ni Lautus. "Tatlong beses nang pumapasok dito ang maid, wala ka bang balak talaga na bumangon?" Namilog ang mga mata niya. Kaya naman pala nagising na lang bigla ang diwa niya kahit nasa kasarapan pa siya ng tulog ay dahil may ibang tao palang naroon at nakatunghay sa kaniya! "What the hell are you doing here?!" maanghang na asik niya sa bilyonaryong hayun nga't naroon, naka-cross arms, naka-cross legs din sa may paanan niya, nakasandal sa cabinet na naka-display sa kuwarto pagpasok sa pintuan. "Bahay ko 'to, that's why," nang-iinis na namang tugon nito sa kaniya. Sa totoo lang, hindi niya akalain na ganito ang lalaking ito na kay bait naman sa harap ng lolo niya. Na-underestimate niya ang isang ito, that's it. Pero dahil siya si Haya Chevvy Henson, tuloy pa rin naman ang plano niyang gawing kasumpa-sumpa ang buhay nito habang naroon siya sa bahay nito. "Bahay mo nga 'to but don't you know the word—privacy?" Nakairap niyang sagot dito. Bumangon na rin siya sa kama. "Alam ko ang salitang 'yan kaya nga kung pupunahin mo ay ang layo ko sa 'yo ngayon." Hindi makapaniwalang tinapunan niya ito ng tingin. "Kahit pa. Hindi ka dapat na pumapasok sa kuwarto nang may kuwarto." "Bago naman ako pumasok dito ay inalam ko sa maid kung nakasuot ka lang ng panty gaya nang nakasanayan mo." Natigil sa pagpasok sa banyo si Haya sa sinabi ni Lautus. Nanlilisik na naman ang mga mata na tinapunan niya ito ng tingin. "O, easy," anito, nagtaas ng dalawang kamay na animo ay sumusuko. "Ang lolo mo ang nagsabi sa 'kin na hanggang sa pagtanda mo ay underwear lang ang suot mo sa pagtulog." "Hindi mo naman siguro inaasahan na kung ano ang nakagawian ko ay dadalhin ko sa bahay mo?" Paingos na sambit ng babaeng sabog-sabog ang buhok at wala pang hilamos pero kay ganda pa rin na pagmasdan sa umaga. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Wala akong inaasahan na kahit ano sa 'yo, 'yun ang mas akma." Inirapan niya lang ito. "Makakalabas ka na, gising na 'ko. Bigyan mo 'ko ng oras para makapag-ayos ng sarili at makapagbihis." "Ten minutes." Hindi makapaniwalang tinignan na naman siya ng dalaga. "What?!" "You have only ten minutes para makapag-ayos at gumayak." "At bakit mas marunong ka pa sa 'kin?" medyo tonong irita nang turan niya sa lalaki. "Missy, kailangan nating kumain muna bago umalis. For your information lang naman, sa mga oras na ito kasi ay nakahanda na ang chopper."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD