1:

2727 Words
Trigger warning for: -Premarital s€x -Annoying character -Bad language What to expect: -Hulsam -Sweet -Cliché -Fast read romcom -Happy ending ***** REAP and Sow… Kunot ang mga kilay at naniningkit ang mga mata na binasa ni Lautus ang nagniningning sa kadiliman ng gabi na pangalan ng bar na iyon. "'Yan ang bar, Bossing," untag sa kaniya ng right hand man niya na si Vio, na nakaupo sa front seat ng kotseng lulan nila. Sa naka-installed na speaker lang nagsalita ang tauhan niya dahil may improvised na division ang puwesto niya sa likod ng sasakyan niya at sa front seat kung saan ito naroon kasama ng driver. "Alexa, can you tell me more about Reap & Sow Bar?" tanong niya sa virtual assistant speaker niyang si Alexa. Nang magsimula nang magsalita ang virtual assistant, napatango-tango na lang siya. Isa siya sa mga taong nag-re-rely sa isang virtual assistant speaker dahil matagal na niyang nalaman ang pros and cons ng pag-iisa. Sa uri ng bar na iyon na ang owner pala ay ang mysterious at kilalang fashion designer, hindi na niya pagtatakhan na tambayan nga ng mga socialite na tulad ni Hayanara Henson ang lugar. Nabanggit din naman ng virtual assistant na ang seguridad sa bar ay sobrang higpit. Pagpunta raw ng mga tao sa bar ay nakalista na iyon, pati ang pag-alis at kung sino ang kasama. Automatically. Alright, he's quite impressed. Ngunit hindi sa natatanaw na niyang tatlong bodyguards ng Hensons. Nang makababa na kasi si Lautus sa kotse niya ay agad niyang natanaw ang nagkakatawanan at naninigarilyong mga unipormadong bodyguards ni Haya Henson. Madaling malalaman na bodyguards ang mga ito ng dalaga dahil sa mga suot na may letrang H sa bandang dibdib ng mga fitted shirts. "Did you see her?" untag sa kaniya ni Don Vladimir. Ito lang naman ang nag-iisang tao na automatic na sinasagot ng personal cellphone niya kaya without any warning or tone ay naririnig niya ang don sa airpods niya na parating nakasuot sa isang tainga niya exclusive para rin dito. "Not yet," simpleng tugon niya sa don. "Alright, keep me posted." Tango lang ang itinugon niya kahit pa hindi siya nakikita ng kausap. Saka malalaking hakbang na tinahak na niya ang papasok sa loob ng Reap & Sow Bar. Nakasunod ang sa likuran ang kaniyang tatlong tauhan. "Bossing, nasa taas siya," bulong kay Lautus ng right hand man niyang si Vio. Tinanguan niya ito bago siya tumingala. And there, pagkalipas ng maraming taon na hindi niya nakita ng personal ang nag-iisang apo ni Vladimir Henson ay naroon na ito ngayon, malinaw na nakikita ng kaniyang dalawang mga mata. Open pala ang interior ng bar. Matatanaw ang mga tao sa itaas. Sinadya rin siguro iyon para sa mga bouncers na nagkalat sa loob. Bukod sa binanggit ni Vio ang eksaktong spot kung nasaan ang sadya niya roon ay talaga naman napakadaling makita ng herederang si Haya Henson sa kabila ng dami ng mga taong naroon dahil gaya noon, nag-sta-standout pa rin ito sa karamihan. Kahit maputla ang ilaw sa loob ng bar at nakakahilo ang dancing lights ay malinaw niyang napagmamasdan ang maliit at kaakit-akit na mukha ng babae. It's been a while, brat playmate, ani Lautus sa sarili. "Maigi pa ay mauna na kaming umakyat," pukaw sa kaniya ni Vio, alerto kasi nitong nakita na sa kabila ng katotohanan na maraming tao ang kumukuha ng video kay Haya gamit ang mga camera phone nila ay may isang grupo ng mga kalalakihan ang nagsusumiksik patungo sa gitna kung saan naroon ang nagsasayaw na apo ni Don Vladimir. Sumasayaw ang dalaga. Swaying her hips while giggling. Na parang hindi nito alam kung gaano iyon nakakatakaw pansin sa mga lalaking katulad niya. "Sige," kaswal na sagot ni Lautus sa mga tauhan niya. Inayos niya ang itim na salamin na suot niya bago siya humakbang pasunod sa mga ito. Sadyang isinuot niya ang salamin sa mga mata na iyon para hindi siya masyadong ma-exposed sa loob ng bar. Hindi niya kasi gusto ang nakukuhang atensyon mula sa mga journalist ng business news noon pa man. Uh—oh… piping wika ni Lautus sa isipan nang pag-akyat niya ay nakita niya nang napalaban na sina Vio. MAY malapad na ngiti sa labi na nilingon ni Haya ang nagkakagulo nang grupo ng mga lalaki na bigla na lang sumulpot sa tabi niya habang nagsasayaw siya. Nagkakagulo ang mga ito at wala siyang pakialam sa rason. "Ikaw yata ang star of the night nila sis, iba ka!" Tatawa-tawang bulong sa kaniya ng kasama niyang si Venus. Isinama at inaya niya si Venus roon para iselebra nila ang pagbabalikan ng pinsan niyang si Red at ng girlfriend nitong Euna dahil sa plano nila nito. Yes, nag-bar na naman siya without his male cousins kahit `pinagbabawal na iyon sa kaniya ng lolo nila. "I don't care," aniya, saka niya inikot ang eyeballs niya. "Besides, hindi na 'yan bago Ven, ang mga lalaki naman ay lalapit sa 'yo basta nakita nila na maganda ka, period." Tumawa si Venus. "Loka, akala ko pa naman sasabihin mong besides ay nasa 'labas' naman ang mga bodyguards mo," sabi nito, diniinan ang salitang 'labas' para mas makarating sa kaniya na wala nga namang magtatanggol sa kaniya ngayon kung sakali. Pero wala pa rin naman siyang pakialam. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. In fact, sinisimulan na nga niyang hubarin ang suot niyang designer stiletto. "Oh my gosh," maarteng turan ni Venus nang mapuna nito ang mabilis na paghubad ng sapatos ni Haya. Iyon ang gusto ng isang Haya Henson na isinusuot dahil madaling hubarin. Lahat na nga ng stiletto ng paborito niyang expensive brand ay mayroon siya. "Kaya kung ako sa 'yo ay kakalma na 'ko," ani Haya kay Venus. Maarteng humagikgik lang ang huli. Pasimpleng dinampot niya ang hinubad na sapatos, pero bago pa siya makadiretso ng tayo ulit ay malinaw na napagmasdan niya ang kaguluhan ng mga tao dahil sa dalawang grupo ng kalalakihan na nagsimula na palang magsapakan. Napailing siya. "Haist, sayang naman," hinayang niya pang wika. "Sayang talaga. Napakatagal na nang huli kong makita kung paano mo gamitin ang takong ng stilleto mo sa paglaslas ng leeg ng lalaking bumastos sa 'yo no'n sa Alta Hotel." Nagtawanan sila sa sinabi na iyon ni Venus. Saka nila pinanood ang pagkakagulo ng anim na lalaki na nasa harap nila. Ilang saglit lang naman ay dumating na ang bouncers ng bar. Gayundin ang mga bodyguards niya, na tinaasan niya ng isang kilay at inismiran dahil obvious naman na daig pa ng mga ito ang mga pulis sa mga pelikula na late na kung dumating. "Halika na Ven, hindi na 'ko masaya rito," aya na lamang niya sa kaibigan. Hindi na niya sinuot ang stilleto, proteksyon niya kasi iyon sa kaniyang sarili. Hangga't hindi pa siya nakakabalik sa kotse niya ay magagamit niya pa iyon kung sakali na may magkamaling hawakan siya. Iyon ang motto niya sa buhay—puwede mong titigan si Haya Henson pero hindi mo maaaring hawakan. Iyon nga lang, napangiwi siya nang maalala niyang metal nga pala ang hagdan ng bar—malalamigan ang paa niya na siyang pinagbabawal pa naman ng taga foot massage niya! Ang pag-aalala ni Haya sa kaniyang mga paa ay naudlot nang maramdaman niyang umangat siya sa—ere?! "Mister, naku, put her down!" dinig niya sambit ni Venus sa kung sinong lalaking bumuhat lang naman sa kaniya! Dahil nakasuot siya ng bodycon dress ay hindi makapiglas si Haya. "Hey you—put me down, I'm warning you!" sa nanlilisik na mga mata ay mariin niyang banta sa lalaking kumarga sa kaniya, na nang tingalain niya ay nakasuot ng black eyeglasses…? Oo, sa kalagitnaan ng hatinggabi! "Mister, jusko," tarantang sambit ni Venus, hinahabol sila. "Kung ayaw mong masaktan ng isang 'yan ay ibaba mo na siya!" hiyaw pa nito. Napamulagat siya sa sinambit ni Venus, sa sinasabi kasi nito ay ginagawa na siya nitong bayolenteng tao! "Venus, tanga ka ba? Call the bodyguards!" gigil na sabi ni Haya kay Venus. May pagkatanga talaga ang kaibigan niya, imbes na tawagin ang mga bodyguards niya ay parang aso na sumunod-sunod lang sa kanila ng estranghero! She rolled her eyeballs. Then the stranger chuckled. "'Wag mo 'kong tawanan, mister. Pinapatawag ko ang mga bodyguards ko dahil uuwi na kami. Ibaba mo na ako kapag nakarating na tayo sa exit door ng bar." "That fast?" "Huh?" 'Pinagsasasabi nito? "Haya Henson, sa pagkakaalam ko ay walang puwedeng humawak sa 'yo, and yet, heto, karga pa nga kita." Napatda si Haya. "H—Ha? Ah…" Paano ba niya sasabihin dito na ayos lang na kinarga siya nito dahil kawawa naman ang nagse-service sa kaniyang taga masahe ng mga paa niya kung nagkataon na nagreklamo na naman siya roon? "O—Okay lang naman, tipsy na rin naman ako," katwiran niya, she bit her lower lip after. The stranger chuckled. "And here I am, umaasa pa naman ako na makikita ko na kung paanong lumaslas ng leeg ng isang lalaki ang babaeng Henson." Napasinghap si Haya. "Teka pala, kilala mo 'ko?" "Of course. Sino ba ang hindi makakakilala sa modelo ng mga pagkain na nakakataba kaya…" sinadyang ibinitin ng estranghero ang sinasabi, sa likod ng itim na salamin nito sa mga mata at sa puwesto nila nito, nakita niyang pinagmasdan ng lalaki ang katawan niya… "Kaya ano?" hamon ni Haya na sundan nito ang sinasabi. Ngumisi ang lalaki. Sigurado rin na siya na may playfulness siyang nababanaag sa mga mata nito kahit pa natatakpan iyon ng itim na salamin. "Kaya ka… malaman." Malakas na singhap sana ang pakakawalan niya ngunit naudlot na iyon nang ibaba siya ng lalaki—binaba siya nito sa pagkakakarga sa kaniya at nang makaayos siya ng tayo ay bumungad sa kaniya ang masungit na mukha ng lolo niya! "Grandpops!" "Hayanara, kahit kailan ka talaga," ani Don Vladimir sa apo. Parang bata na piningot nito ang tainga ng nag-iisang apo na babae. ***** "ME and Ven just celebrate, come on Grandpops, don't do that," nakikiusap na wika ni Haya sa lolo niya. Parang timang din na sinusundan niya ito sa kahit saan ito gumawi sa loob ng malaking bahay. Buti na nga lang ay pumasok na ang don sa library room na nagsisilbing office nito roon kaya pareho silang napirmi na. "Natawagan ko na ang owner ng Reap & Sow, wala ka nang magagawa, banned ka na sa bar na iyon or else, siya ang mawawalan ng negosyo." Pumalatak si Haya. Pinagkrus ang mga braso sa kaniyang dibdib. "Grabe naman 'yan. Hey, Blue," baling niya sa pinsan niyang si Blue nang pumasok ang huli sa kuwarto. "hindi mo ba 'ko ipagtatanggol sa lolo natin?" Blue smirked. "H, the last time I checked, ikaw itong malakas kay Grandpops." "Ows?" kunwa'y maang-maangan niya. Saka siya bumaling kay Don Vladimir. "Did you hear that, Grandpops?" ani Haya sa lolo niya. Exaggerated na naupo siya sa upuan na naroon sa tapat ng mesa nito, saka niya kinuha ang isang palad ng don. "Malakas daw ako sa 'yo. So, hindi mo naman siguro gugustuhin na may apo ka na banned sa isang lugar," saka nagpapaawa niyang sabi. She heard Blue chuckled. Inismiran niya ito. "Grandpops, ano 'yan?" pambobola pa ni Haya sa lolo niya, kunwa'y tinatanong niya kung ano ang inabot dito ng kaniyang pinsan na brown envelope. Tinapunan ng tingin ni Don Vladimir ang apong babae. "Ito ba?" "Yes." "Ito lang naman ang kasulatan na pinirmahan na ng mapapangasawa mo, Hayanara." Ano raw? Kaagad siyang inalisan ng tingin ng lolo niya kaya kay Blue siya lumingon, kaya lang ay palabas na ng kuwarto ang pinsan niyang CEO ng kumpanya nila kaya dapat lang na habulin niya ito! "Hayanara, stay," ang matigas na utos na iyon ni Don Vladimir ang nagpahinto sa mga paa niya. Nakita pa niyang sumaludo sa kaniya ang pinsan niyang si Blue bago ito tuluyan na umalis na. She gritted her teeth. Mamaya talaga sa kaniya ang pinsan niyang iyon. "I want you to stay here and absorb all that I'm about to say," anang lolo niya. She hold her tongue before she spoke, "Grandpops, ano ba 'yang sinasabi niyong mapapangasawa? I'm just twenty four…" "Twenty five ka na sa January." "Exactly. Apat na buwan pa bago ako mag-twenty five." "At sobrang linaw pa sa alaala ko na noong walong taon gulang ka pa lamang ay sinabi mong sa edad na twenty five ka mag-aasawa." She gasps. "Grandpops! Come on, 'wag mong sabihin sa 'kin ngayon na sineryoso mo 'yon, na seseryosohin natin 'yon ngayon," aniya sa don. Naupo na ulit siya sa upuan sa harap ng mesa nito, buong puso at kaluluwa na nakikiusap. Hindi niya mapapayagan ang kahit sino na kontrolin ang buhay niya pero ibang usapan kasi kung ang lolo nila ang maghahatol ng desisyon. Batas ang bawat salita ni Don Vladimir sa pamilya nila. "Hija, ito na siguro ang tamang oras para mag-asawa ka na. Nakalimutan mo na ba na kaya ka nga isang anak lang ng mommy mo, 'yon ay dahil late na siya nag-asawa." "Grandpops, hindi pa ako ready mag-asawa," Iyon lang naman ang puwede niyang sabihin dito. "Mas lalong hindi pa 'ko ready sa anak, please." Bumuntong-hininga ang don. "Haya…" "Oh, wait, sino ba ang masuwerteng lalaki na mapapangasawa ng apo mong 'to? Kilala ko ba?" Oo na, binobola na niya ang lolo niya. Tried and tested na niya kasi iyon. Effective iyon dito, ninety nine percent. Pagak na natawa si Don Vladimir. "What? Masuwerte?" Pabirong inirapan ni Haya ang lolo niya. "Masuwerte naman talaga siya. Ang ganda ko kaya, mabait, mabango, sexy, matalino—" "Average lang ang talino mo. No one is perfect, God created us, as it is," putol ni Don Vladimir sa sinasabi ng apo. "O. M. G! You mentioned God?!" Over na reaction ni Haya. Saka siya umikot sa mesa nito, naupo siya roon. Dalawang palad na ng don ang hawak at pisil niya. "Grandpops, tell me, may malalang sakit ka ba?" Isang malakas na tampal sa noo ni Haya ang itinugon dito ng matandang don. "Ouch!" daing ni Haya, sapo ang nasaktan na noo. "Ang violent mo na. Pina-ban mo na nga ako sa R&S Bar, sinapok mo pa 'ko. Nakakasakit ka na." Nakangusong reklamo ng heredera. "Wala akong sakit. Malakas pa ako." Ingos ni Don Vlad sa apo. "'Yon naman pala e, why you naman nagmamadali na magkaapo sa 'kin?" "Tigilan mo 'ko Hayanara Chevvy, dinadaan mo 'ko sa ganyan mo kanina pa." "Grandpops, paano na lang kung salbahe ang mapapangasawa ko? Kung nananakit? Maaatim mo ba na maging battered wife ako? Ako na nag-iisang apo mong babae?" Umiling-iling ang don habang nakamasid sa apong babae na panay ang paling ng ulo habang nakatingala, nakapikit pa nga na animo ay nasa isang movie ito na comedy drama. Palibahasa ay modelo. "Tigilan mo na 'yan. Hindi mo ako makukuha sa ganyan mo ngayon." Dumilat ang apo niya. "Grandpops naman…" Umiling ulit ang don. "Hayanara, hindi pa yata nagsi-sink in sa 'yo na ang lahat ng sinabi mo ay kabaligtaran. Ikaw pa ba ang papayag na maging battered wife? Ikaw pa ba sa lahat ng apo ko ang ipapahamak ko?" Nalukot ang mukha ni Haya. "Hay, grabe!" "Isa pa, napakabait na tao ng mapapangasawa mo. Nanghinayang nga ako kaya inawat ko sa pagse-serminaryo, kako ay baka magbago ang isip niya kung makikilala ka niya." Mas namilog ang mga mata ng heredera sa sinabi ng lolo nito. "Granpops, jusko naman! Magpapari na pala ay inawat mo pa! Isang kasalanan sa Diyos 'yan!" "Magtigil ka. Mas kasalanan sa Diyos kung hahayaan kitang ganyan, pa-bar-bar hopping, gastos dito, gastos do'n. 'Pag hindi nabigyan ng pangluho, magmumukmok!" "Sige, sige na nga," pagsuko niya, kinumpas ang sariling palad. "Papayag na 'ko. Pero please lang Granpops, 'wag mo muna akong ipakasal agad. Maraming relationship ngayon na kahit kasal pa ay naghihiwalay rin. And tutal naman magpapari pala siya na inawat mo, how about… we can give ourselves a trial muna bago ang kasal?" "Sang-ayon ako sa sinabi niya, Don Vladimir," anang bagong dating. Sabay na napalingon ang maglolo rito. "Siya nga pala si Lautus, siya ang sinasabi ko sa 'yo na gusto kong mapangasawa mo," wika ng lolo niya pagkakita nito sa lalaki. Napanganga si Haya— 'yon ang lalaking naka-shades kanina. Ang lalaking kumarga sa kaniya! Ang lalaking hanggang ngayon ay nakasuot pa rin ng sunnies! Que horror!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD