6:

1973 Words
NOTE: Please excuse po sa mga words na hindi ko na in-slant, 'will edit 'pag may free time :) HINDI malaman ni Haya kung matatawa siya o maiinis sa antics ni Lautus. Nevertheless, mas pinili na lamang niyang matawa at hindi rin naman niya gusto na mainis. Nitong mga nakaraan kasi ay panay inisan na ang namagitan sa kanila ng lalaki. "Gosh! 'Yan na ba 'yung salo-salo na pupuntahan natin?!" Sa excited na tono ay tanong ni Haya sa mga kasama niya. "Oo, Señorita," si Vio ang sumagot sa tanong niya. Masayang napagsalikop na lamang niya ang mga palad niya sa kaniyang labi. "Mahilig ka talaga sa mga party 'no?" pukaw ni Lautus sa kaniya. Nakangiting nilinga niya ito. Katabi niya ang bilyonaryo sa likod sa golf cart kung saan sila nakasakay na. Kahit anong bilis kasi nila ay inabot din sila ng kainitan sa daan, hindi na nila kakayanin na maglakad at tama nga ito na sobra ang init ng araw sa lugar na iyon. "Oo naman. Ang ibig sabihin kasi ng party ay pagsasaya." "Why?" Kunot noong tanong pa sa kaniya ni Lautus. "I mean, bakit kailangan mo pa ng kasiyahan e, sa tingin ko naman ay sobrang saya mo na nga sa buhay. Ni hindi ka nakatikim ng hirap. May lolo kang nag-pamper sa 'yo, mga pinsan na nang-spoiled sa 'yo. Nabibili at nakakain mo ang gustuhin mo." Pagak na natawa siya. Hindi naman iyon ang unang beses na marinig niya ang mga salitang iyon sa ibang tao pero nakakapagtaka lang na kahit idinaan niya sa tawa ngayon ang biglaan na kung anong humaplos sa puso niya sa pagkakaturan niyon ng bilyonaryo sa kaniya ay hindi nawala ang kung anong pakiramdam na iyon. 'Yung feeling na para siyang may nagawang mali kahit alam niya sa kaniyang sarili na wala naman. Life is unfair, that was the harsh truth. Lahat ng tao ay alam iyon. And heck, hindi niya iyon kasalanan. Hindi niya kasalanan na pinanganak itong walang katulad na yaman ng Henson. Mas lalong hindi niya kasalanan na self-made billionaire ito. But for a self-made billionaire, nakakainggit nga ito e. Hindi biro ang nagawa nitong glow up sa sarili. From pagtitinda ng tsinelas sa Marikina, paglalako ng taho ay heto, nakabili na ito ng isang isla at nilagak ang mga tao roon na nasalanta ng bagyo. So much for the kasabihan: Kung maiksi ang kumot ay mamaluktot at ang taong marunong lumingon sa pinanggalingan ay may paroroonan. "Ano ka ba," Tatawa-tawang sambit na lang ni Haya, "hindi naman porke't masaya ka na ay hindi ka na puwedeng mas magsaya pa. Life is short. A little party from time to time won't kill you." Tinitigan siya ng binatang bilyonaryo. Nanatili naman at sadyang sinalubong niya ang mga titig nitong iyon. "So, party means fun?" "Exactly, Mr. Self-made Billionaire." "E, pa'no ba 'yan, hindi ito Taguig. Malayo ang celebration dito sa nakasanayan mo sa Reap & Sow Bar." SOBRANG layo talaga ng party na nagaganap ngayon sa mga party na napuntahan na ni Haya. Tama nga si Lautus. But the fun and vibe? Pareho lang. Kaya naman sobrang saya niya ngayon habang nakikita niya ang lukot na mukha ng self-made billionaire. "Señorita, sa 'yo na ang kantang kasunod niyan," imporma sa kaniya ni Vio. "Woooh, sa wakas, makakakanta na rin!" hiyaw niya, nilagok niya ang hawak na alak. Tumawa sina Vio. Kahit siya naman ay natawa. Ilang kanta ang hinintay niya bago ang sa kaniya. Si Lautus naman ay napasimangot. "Umayos ka nga, sinabi ko na sa 'yo na hindi ito party ng mayayaman," pagalit nitong sabi sa kaniya. Humagikgik lang naman siya bilang sagot. "Ang sarap ng alak niyo rito Lautus. Ang galing magtimpla ni Mang Usteng," bagkus ay wika niya sa lalaki. Hindi pa naman siya lasing. Mataas ang alcohol tolerance niya pero 'yon yata ang vibe na bigay ng pinagsama-samang alak na si Mang Usteng, na siyang tatay pala ng may birthday ngayon, ang may gawa. Siyempre pa ay nakilala na niya ang mga tao roon. Lahat ay magiliw sa kaniya at dama niyang welcome talaga siya sa lugar. Ang inaasahan niyang pagka-boring nga sa isla ay mukhang hindi na mangyayari dahil ngayon pa nga lang ay enjoy na siya. "Mas masarap ang alak na 'yan kung ipapares mo sa tinapay." Kahit pasuplado ang tono ay sinagot siya ni Lautus. May mga tinapay nga sa mesa. Wala raw munang pa-foods talaga sa mga party roon, ganito lang daw ang nakagawian—kantahan at inuman na may tinapay bilang pulutan. Sa panghuli na raw ilalabas ang lechon at foods. Pang-finale kumbaga. At para kay Haya ay napakabago sa kaniya ng kaalaman na iyon kaya ang saya niya sobra tuloy. "Ano nga ang tawag sa tinapay na 'to?" "That's panderegla, Señorita Haya!" Napangiwi siya, sabi na nga ba ay something like that ang name ng tinapay na iyon na may red jam sa gitna, nasa dulo na kasi ng dila niya ang salitang iyon kanina. "And this one?" "Kili-kili power," seryosong ani Lautus naman. Kabaligtaran sa tawanan ng mga tauhan nito. "Ha?" Iyon ang tinapay na hindi niya talaga alam, seryoso. "Ano nga kasi?!" pamimilit niya sa bilyonaryo. Marahan pa niyang sinanggi ang balikat nito. Tinaasan siya nito ng kilay. "Kili-kili power nga. Putok." Mas lumakas ang tawanan sa mesa nila. Siya naman ay nagtataka lang na minasdan ang mga ito dahil wala siyang maunawaan sa pinag-uusapan nila "Paki-English please," hirit niya kay Lautus at baka sakaling sa wikang Ingles ay maunawaan niya ang sinasabi nito. Alam niya naman ang kili-kili but the power of it? Ano 'yon? "Body odor—o, pina-Ingles mo ha, baka magreklamo ka sa 'kin!" Malakas na nagtawanan na naman ang mga tauhan ng bilyonaryo. Siya naman ay napailing na lang. Medyo slow siya sa ganoong joke pero na-gets din naman niya eventually. Tahimik na sinubukan niya na lang na gawing pulutan ang mga tinapay na iyon. Hindi niya sana gusto, pero naituro sa kaniya ng lolo niya na kapag nasa ibang bahay o lugar sila, dapat nilang ipakita o iparamdam sa mga taong naroon na na-a-appreciate nila ang kultura, pagkain at pagkakaiba ng nakasanayan ng mga ito sa kanila. "Kakanta na ang artista!" "Señorita, ikaw na ang kakanta!" Habang nilalantakan niya na ang 'Kili-kili power' na bread ay nagkantyawan at nagkatuwaan na sa pag-iingay ang mga tao roon. inabot naman na sa kaniya ni Vio ang pinakahihintay niyang mikropono. Yes, this is it. Siya na nga ang kakanta! May kasabikan na dinampot na niya ang mikropono saka nakangiting tumango-tango pa siya bilang pasasalamat sa mga taong naroon. Pumalakpak na kasi ang mga ito, hindi pa man siya nagsisimulang kumanta. "Singer ka ba? Ang alam ko ay dancer ka?" bulong ni Lautus sa kaniya nang mag-intro na ang kantang napili niya. Nakakalokong nginitian niya lang ang bilyonaryo. Mula nang dumating siya roon ay napuna niyang sobrang halaga ng mga naninirahan doon kay Lautus. Hindi nito gustong maagrabyado ang mga iyon at halata rin naman na hindi gusto ng lalaki na mapahiya sa mga kapitbahay. Naalala niya tuloy ang plano niyang gagawin niyang kasumpa-sumpa ang buhay nito upang ito na mismo ang umayaw sa kasal na mangyayari sa kanila… "Labis na naiinip…" panimula ni Haya sa pagkanta, napangiti siya nang maghiyawan ang mga tao kaagad, wala pa nga siya sa gitna ng kanta. "nayayamot, sa bawat saglit…" KAPAG naalala ka, wala naman akong magawa… Oo, kahit anong pigil ni Lautus sa sarili na huwag sabayan sa isip niya ang pagkanta ni Haya ay hindi siya nagtagumpay. Hindi niya alam kung mapapangiti ba siya o ano dahil ang napiling kanta ng babaeng alam niyang napakaarte ay pangmasa. Hindi na mahirap sabihin na hindi niya iyon nahulaan man lang na mangyayari. Kung sinadya na nito iyon o ano, isa lang naman ang masasabi niya—kinagagalak niyang makita ang mga kasiyahan sa mga taong naroon na tinuring niya nang pamilya niya. At ang kasiyahan na iyon ay dulot ng 'cute na bear' na kumakanta ngayon ng uri ng kanta na hindi nababagay rito. Hindi nga bagay kay Haya Henson ang napili nitong kanta ngunit nakakapagtaka na kayang kantahin iyon ng dalaga. Akalain ba niyang may boses din pala ito bukod sa dancer na. "Umuwi ka na, baby, hindi na ako sanay na wala ka…" Malawak siya napangiti sa loob ng kaniyang mga daliri na sadyang itinakip niya sa labi niya habang pinagmamasdan niya ang ginagawang pagkanta ni Haya Henson. "Bossing," untag sa kaniya ni Vio. Sinagi siya sa balikat, may inginuso. "Umuwi na nga si Baby," anang kanang kamay niya pagkuwan. Napadiretso siya ng upo. Inayos pa niya ang collar ng shirt niya kahit wala naman iyong kuwelyo. Because there, si Baby nga ang nakita niya. Si Baby na ex girlfriend niya. Pitong taon lang naman ang itinagal ng relasyon nila ng babae bago ito nagpasyang iwan ang Isla Heredera para makipagsapalaran sa bansang Japan. Ah, bakit nga ba niya nakalimutang pamangkin si Baby ni Mang Usteng? MEDYO inis si Haya sa kabila nang hindi matatawaran na experience at saya niya sa Isla Heredera. Paano naman kasi, ang kantang napili niya ay para asarin sana si Lautus, ngunit wala namang talab! Tumayo lang ito kanina, hindi tinapos ang kanta niya at hanggang ngayon nga ay hindi pa bumabalik sa mesa nila. Mukhang mahihirapan pa siyang magawa ang gusto niya. Kung tutuusin ay kabaligtaran pa nga yata dahil kung inisan lang din, lamang na si Lautus sa kaniya simula pa lamang. But no, walang aayaw! Kaya niya ang bilyonaryo! Speaking of… "Vio, where's Lautus?" tanong niya rito pagkatapos na ilapag nito sa mesa ang foods na ito na ang kumuha para sa kaniya. "Nasa loob siguro, Señorita," simpleng sagot ni Vio. Pinagkibit na lamang niya iyon ng mga balikat. "Saan nga pala banda ang banyo nila Mang Usteng? Maaari kaya akong makigamit?" "Oo naman. Lakad ka lang sa gawing kanan, naroon ang banyo nila Mang Usteng sa likod." "Ah, sige, pagkatapos ko na lang kumain." Tatango-tangong aniya kay Vio. Nang matapos ngang kumain ay pinasya na ngani Haya na makigamit sa banyo. Nanghingi pa ng pasensya si Mang Usteng sa kaniya na maliit lang daw ang banyo ng mga ito pero bato naman daw. Tiles daw. Maselan daw kasi ang pamangkin nito sa banyo, na siyang nagpagawa raw niyon. Nakangiting tumango lamang siya. Maarte siya oo pero naniniwala naman siyang iba-iba naman ang lebel ang kaartehan. Kung ihing-ihi na siya, basta malinis ang banyo, go! "WALA kang karapatan na sumbatan ako ngayon na para bang napakalaking kasalanan ang talikuran ka, Lautus." Napatiim bagang si Lautus sa tinuran sa kaniya ni Baby. Kausap niya ito ngayon sa likod bahay nina Mang Usteng. Sinadya niyang sundan ito nang makakuha siya ng tiyempo. Bilang isang lalaki ay dapat lang na siya ang mag-reach out. Yeah, kung para lang sa ikatatahimik nilang dalawa ng babae, bakit hindi? "Pitong taon 'yon—" "Pitong taon na and yet, hindi ka pa rin ba makausad?" Ang alam ni Haya ay naiihi siya. Ngunit naudlot iyon nang maulinigan niyang tila may masinsinang nag-uusap sa bungad ng likod bahay kung saan matatagpuan ang iisang daan papunta sa banyong pakay niya. Si Lautus iyon kaya napatigil siya, na nang mga oras na iyon ay mariing kuyom ang mga kamao. Si Lautus at isang babaeng may kulay ang buhok, nakabihis ng sleeveless na top at maong pants. Sa pagkakatanda niya ay iyon ang babaeng galing daw sa Japan, pamangkin ni Mang Usteng. Maya-maya pa ay nandilat ang mga mata ni Haya sa mga narinig. Tinakpan niya ang bibig niya upang maiwasan niyang makagawa ng ingay. Mas pinakinggan niya pa ang naging takbo ng pag-uusap ng mga ito… At base sa mga naririnig niya ay unti-unti siyang nakabuo ng konklusyon… Ex girlfriend ni Lautus ang babae. Ex-girlfriend na iniwan si Lautus kapalit ng sagana na ibinigay sa pamilya ng pangingibang bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD