"PUT me down!"
"Aba'y bata ka, sino ang babaeng iniuwi mo rine?"
"Nana Pacing, pakihanda naman po ng banyo," utos na lang ni Lautus imbes na sagutin ang tanong ng may edad niyang katiwala sa isla.
Kaagad naman na kumilos si Nana Pacing. Sa pataranta pa ngang paraan. Patuloy naman sa pagpasag ang babaeng nananatiling karga niya. Ni hindi muna kumalma, hindi man lang yata narinig nito na nag-utos na siya na ayusin ang banyo para rito. Wala siyang balak na ikalat sa loob ng bahay niya ang putik na ginawa nito sa sarili.
Buti kung siya ang maglilinis. And that is impossible to happen. At least, hindi sa ngayon pero soon, isa sa mga araw na ito ay mapaglilinis din niya ng kahit banyo ang heredera ng Henson.
"Lowtus, hijo," tawag sa kaniya ni Nana Pacing sa nakasanayan na nitong pagbigkas sa pangalan niya. "ayos na ang banyo, hala madali! Kawawa naman ang batang 'yan. Kaputi ay naputikan sa bungad."
Kaagad namang humakbang patungo sa banyo si Lautus na karga pa rin sa balikat niya ang pumapasag na dalaga. Hindi niya gustong nang dahil sa ginawa ni Haya sa paa at binti nito ay maantala nila ang papauwi nang si Nana Pacing, tuwing alas kuwatro kasi ng hapon ang oras ng uwi nito.
"I said put me da—" naudlot na ang sinasabi ni Haya, basta na lang kasi siya inilapag ni Lautus, diretso ang pang-upo niya sa matigas at malamig na tiles ng banyo! "How dare you!"
"O? Sinunod ko lang ang gusto mo, put you down 'kamo," sabi sa kaniya ni Lautus, naka-cross arms na naman ito. Seryoso ang mukha na para ngang naiinis sa katangahan na nagawa niya. "Linisan mo na ang sarili mo, ang hirap kasi sa 'yo, susuot-suot ka ng kung ano-ano. Nagsabi naman ako sa 'yo na isla ang pupuntahan natin."
"Isla nga, pero ang akala ko ay mamamasyal lang tayo," asik ni Haya rito. "Wala kang sinabi na mag-i-stay tayo rito ng halos isang buwan!"
"Hindi ko ba sinabi? Ah, baka nakalimutan ko lang."
Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinasabi ng lalaking kahrap. "Look at my shoes now!"
Iningusan siya ni Lautus. "'Wag mong sabihin na mas iiyakan mo pa 'yan kesa sa legs mo na hayan, namumula na. Patuloy 'yang mamumula kung hindi mo pa 'yan lilinisan."
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Get out, wait for me, magtutuos pa tayo mamaya!" saka taboy niya sa lalaki.
"Magtutuos? Bakit naman?" maang-mangan na turan nito sa kaniya.
"Hindi ko pa nakakalimutan na hinawakan mo ang… ang…"
"Ang?"
Napapikit na lang si Haya nang masaksihan na naman ng dalawang mga mata niya kung paanong tumaas na naman ang isang sulok ng labi ni Lautus—iniinis na naman siya nito!
"Tse! D'yan ka na nga!" aniya rito sa tonong maipaparating niya kung gaano siya naiirita sa lalaki. Pinagsaraduhan niya ito ng pinto ng banyo pagkatapos.
Nang maiwan siya sa loob ng banyo ay malungkot na lang niyang tinignan ang binti niya at paa.
Nakakaiyak talaga na mukhang itatapon na niya ang sapatos niyang galing pa naman sa pinsan niyang si Blue. Ang sapatos na iyon ay premyo pa naman niya sa isa sa mga pustahan nilang magpipinsan.
Napangiti na lang si Lautus at iiling-iling, nang makatalikod kasi siya ay narinig niya ang matinis na tili ni Haya sa loob ng banyo.
AWTOMATIKO ang pagkunot ng mga kilay ni Lautus nang datnan niya ang nagkumpulan na mga tao sa tapat ng bahay niya. May mga hawak na cellphone ang mga ito, nagkakagulo at nagbubulungan habang si Nana Pacing at sina Vio ay sinasaway naman sila.
"Ano ang nangyayari?" Parang kakagaling lang niya sa banyo, pagbalik niya ay ganito na ang eksenang dinatnan niya roon.
"E, boss, nagkakagulo sila sa bisita mo," si Vio ang tumugon sa kaniya.
"Bisita?"
"Hijo, ang batang maganda na kasama mo ay isa palang modelo sa TV!" parang kinikilig pa na sambit naman ni Nana Pacing.
Mas nalukot ang mga kilay niya, napaingos siya. "Modelo nga po 'yon pero hindi 'yon magpapaunlak sa inyo panigurado."
"Sinabi ko na nga sa kanila na pagod si Señorita Haya," ani pa ni Vio.
Tinanguan niya ang kanang kamay niya. Saka niya ito pinatabi. Siya na ang kakausap sa nagkakagulo niyang mga tauhan.
"Magsikalma kayo, kung kukuhanan niyo siya ng litrato na lahat kayo, hindi niya tiyak kakayanin. Sobrang arte pa naman ng babae 'yon. Kakapasok lang din niya ng banyo dahil nalubog siya sa bungad. Kung lalabas man siya ro'n, paniguradong aabutin ng siyam-siyam sa kaartehan ba naman. Modelo nga e," anunsyo niya sa mga tao.
Nagsasabi lang naman siya ng totoo. May attitude si Haya Henson na hindi na mahirap sabihin na baka ma-sampolan ang mga tagaroon.
"Boss, kahit sa malayo lang ay makuhanan ng litrato sana. Paborito siya nitong si Raya," anang isa sa mga tauhan niya sa niyugan. Itinuro ang anak na kung hindi nagkakamali si Lautus ay nasa siyam na taong gulang lang.
Kung kahilingan na ng isang bata ang pag-uusapan ay wala na siyang masasabi. Tipid na ngumiti siya at niyuko ang batang babae.
"Talaga bang paborito mo si Haya Henson?"
"Opo, bossing," nakangiting tugon sa kaniya ng batang si Raya.
Kunwari ay kinontra niya ito. "Bakit mo paborito 'yon? Hindi naman siya artista. Alam mo bang modelo lang 'yon ng pagkain na negosyo nila, ibig sabihin, normal lang na mag-model siya niyon dahil pandagdag sa yaman nila ang gano'n."
"Opo, alam ko po. Minsan kasi niyang sinabi sa interview niya ang tungkol doon," sagot ng bata. "Siya rin naman ang magmo-model talaga niyon kasi po maganda siya. Maganda rin ang ngipin niya, maliit din ang labi niya."
Natawa siya. Ginulo niya ang buhok ng bata. Idolo nga nito ang brat na si Haya kung ganoon na pati ang interviews ng huli ay alam nito.
"Kahit isang picture lang po sana. Idol ko po talaga siya kasi ang bait niya po sa mga batang tinutulungan niya saka ang ganda niya po."
Maganda nga ang babaeng pinag-uusapan nila. Wala siyang tutol doon. Pero ang mabait, pag-iisipan niya pa. Kung alam lang sana kasi ng mga taong naroon na ang lahat naman ng ginagawa ng dalaga ay pakitang tao lang naman. Kumikita ito ng limpak sa ginagawang pagpapakitang tao, ganoon ang kalakaran sa mundo nito.
Kumikita ng limpak para ipangluho lang naman nito, panigurado.
"Naku, kaya pala magkatunog ang pangalan niyo," saad na lamang ni Lautus sa batang si Raya.
Humagikgik ito. "Pareho rin naman po kaming maganda."
"Oh my! Kilala niyo 'ko?" naputol ang pag-uusap nila ni Raya nang dumating ang nagsalitang iyon sa gawing likuran niya na si Haya Henson.
Himala, ang bilis sa banyo. Samantalang kanina ay inabot ng forty minutes ang ten minutes na binigay niyang palugit dito.
Tumayo siya at hinarap ito. Diskumpyado siya sa ugali ng heredera. Baka manuplada ito. Oo, iyon ay kahit na nakikita niyang tila nagningning ang mga mata nito sa nakitang mga fans sa tapat ng bahay niya.
Kaagad niya itong nilapitan at hinawakan sa braso. Siyempre, pumasag agad ito. Hindi nga lang niya ito hinayaan na makapagsalita.
"Umayos ka, Haya. 'Wag mong pakitaan ng hindi maganda ang mga tao rito. Ang batang kausap ko ay gustong magpa-picture sa 'yo dahil idol ka raw, inuutusan kita na unahin siyang i-accomodate," sabi niya rito sa tonong nagmamando.
Tinapunan siya ng masamang tingin ng dalaga, na parang sinasabi sa kaniya na wala itong pakialam sa mga pinagsasasabi niya. Inalis din nito ang sariling braso mula sa pagkakahawak niya. Saka walang salita na nilawakan ang ngiti sa kumpulan ng mga tao.
"Magandang hapon po sa inyo," ani Haya sa mga taong naroon upang makapagpa-picture rito. "Kaninong phone ang gagamitin natin? Hindi kakayanin na isa-isahin, mag-groupie na tayo!" masiglang sambit pa nito, daig pa ang artista.
Hindi nakahuma si Lautus nang lapitan na nito ang mga tao roon at nagsimula na nga itong magpa-picture—sa lahat. Again, hindi naman artista ang brat na babae kaya nagugulat talaga siya sa inaakto nito ngayon.
Mas nagulat siya nang yukuin nito si Raya at solo itong nagpa-picture sa bata gaya sa inutos niya. Well, buong akala niya ay magmamatigas ito sa tonong palautos na siyang ginamit niya kanina rito.
"Akala ko ba suplada at maarte?" untag sa kaniya ni Nana Pacing.
Tumikhim siya, hindi niya alam ang isasagot.
"Kawawa naman, namula ang binti. Siguro ay ngayon lang kasi nasuot sa dumi ang batang 'yan. Buong buhay yata ay malinis lang palagi ang napupuntahan," pabulong pang komento ng katiwala niya habang nakatingin sa binti ni Haya.
Nang mapunta rin doon ang tingin niya ay nagulat siya na tunay ngang namumula ang binti at paa ni Haya! Kaya siguro madali lang itong nagbanyo, baka dahil doon. Kaya lang ay naudlot naman ang talagang gagawin nito dahil sa mga taong naroon.
"Nana Pacing, pakihanap po ako ng gamot sa allergy."
"Ha? Allergy na ba ang ganyan?" takang tanong naman nito sa kaniya.
"Opo, namumula na at nagpapantal. Tama ho kayo, sa tingin ko rin ay ngayon lang siya nasuot sa putik pero ang insektong nasa putik ang nakapagpa-allergy sa kaniya panigurado."
"HELP me please? Get me outta' here as soon as you guys hear this," maarteng ani Haya sa mga pinsan through voice message. Hindi kasi sinasagot ng mga ito ang phone.
Pero ayos lang, ang malaman niyang may signal naman sa lugar na iyon ay nakakapagkalma na sa kaniya kahit paano.
May signal at may internet. Puwede pa talaga siyang kumalma.
Ngunit ang pagkalma ay tila kay hirap na gawain para sa kaniya ngayon. Kumakabog kasi ang dibdib niya. Ngayon lang niya naranasan iyon. Pati ang paa at binti niya ay nagsimula nang mamula, mamantal at mangati.
"Oh, god," anas niya sa sarili.
Pabalik-balik siyang naglakad sa sala ng bahay. Nang matapos siya kanina sa pag-assist sa mga tagaroon ay nalaman niyang siya na lang mag-isa ang nasa sala ng bahay, nakahiyaan na lang niyang hanapin sina Vio. Mas nag-focus na kasi siya sa iritableng nadarama niya na kung hindi siya nagkakamali ay allergy. Ganoon kasi ang magka-allergy ang pinsan niyang si Blue kaya alam niya.
Umuwi siya sa single seater sofa, saka siya nagtipa ulit sa cellphone. "Grandpops, hey, listen, nagka-allergy ako. Please help me." Sa lolo naman niya siya nag-iwan ng voice message. Hindi rin kasi ito sumasagot sa tawag niya.
"Kahit ilang beses ka pang mag-iwan ng mensahe sa mga pinsan mo at kay Don Vlad, wala rin naman silang mabilis na magagawa para aksyunan ang allergy mo. O, gamot." Inilapag ni Lautus sa coffee table na nasa harap niya ang gamot para sa allergy.
"Heto ang tubig, hija." Naglapag din sa mesa ng isang basong tubig ang may edad nang katiwala.
"Salamat po, Nana Pacing," pasasalamat niya naman. Narinig niya kanina kay Lautus na iyon ang pangalan nito.
"Walang anuman. Inumin mo na 'yan nang makagaan na sa 'yo."
Tipid na nginitian niya ito. Sinunod niya na rin ang sinabi dahil nangangati naman na talaga ang mga pantal niya. Nakakatakot din na baka kumalat ang pantal sa buong katawan niya.
"Iniisip ko kung may allergy ka sa pagkain."
Matalim niyang tinapunan ng tingin ang bilyonaryo. "Wala."
"Good. Overtime na kasi si Nana Pacing ngayon, papauwiin ko na siya kung wala ka naman palang allergy sa pagkain."
"Puwede ko pa naman kayong ipagluto ng hapunan," ani Nana Pacing sa amo nito.
Umiling naman si Lautus. "Hindi na ho, kaya na namin ni Haya 'to."
Nagkunwari siyang nasamid. Sabay tuloy siyang nilingon ng dalawa. "Sorry, nagulat lang ako sa 'kaya na namin' na sinabi mo."
"Huh? Ano naman ang nakakagulat do'n?" ganting sabi sa kaniya ni Lautus.
Ngumit si Haya, labas lahat ng mapuputi at pantay na mga ngipin. "Well, nakakagulat kasi ipagluluto mo pala ako tonight ng dinner. Puwede bang mag-request ng Picadillo?"
"AKALA ko ba, Picadillo ang nais mong ulam?"
Lihim na napangiwi si Haya sa tanong ni Lautus. Habang nagpiprito siya ng itlog, dumating ito sa kitchen para kumuha ng inumin siguro. Dumaan kasi ito sa likod niya papunta sa gawi ng fridge.
"Kumpleto naman ang mga sangkap sa pagluluto, nabanggit din ni Nana Pacing sa 'yo na kaya pa naman makaluto ng request mong ulam," dagdag pa nito.
Dinig niyang uminom nga ito. Tapos na sigurong kumain. Nauna kasi itong kumain kasabay nina Vio, de lata ang inulam nila. Yes, para sa isang bilyonaryo, de lata nga mismo ang kinain ni Lautus.
"Nah, okay na 'ko sa dalawang egg," tipid niyang sagot.
Pagak itong tumawa. "Sabagay, hindi ka naman marunong magluto."
"And who told you?" Hindi naman talaga siya marunong magluto, pero ewan niya ba kung bakit inis siya bigla sa kaalaman na iyon.
Lautus shrugged his shoulders. "Hula ko lang. Ikaw pa ba ang paglulutuin sa inyo? Maraming katulong panigurado sa mansion ni Don Vladimir."
Iningusan niya ito. "E, ano pala ang tawag mo rito sa paglulutong ginagawa ko ngayon?"
"Hmn, fried?" ani Lautus, may nakakainsulto na namang ngisi sa labi. Dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya nang maibalik ang ininuman sa loob ng fridge. "Fried na fried to be exact."
Napasinghap siya. Pagkasabi kasi ni Lautus niyon ay nakaamoy na siya ng fried na fried na ngang egg sa kawali niya!
"Oh, gosh!" bulalas niya. Tarantang kumuha siya ng basahan at inalis niya ang kawali sa kalan. Pero dahil natataranta nga siya, hindi naman niya malaman kung saan iyon ilalapag.
"Tsk, Haya, inuna mo sanang i-off ito, hindi mo na sana pinroblema kung saan ilalapag 'yan."
Yeah, pinihit nga pa-off ni Lautus ang kalan.
"Sh`t," aniya sa itlog na sunog. Pagod na pinagmasdan na lang niya iyon. Hirap na hirap siya kasing iprito iyon kanina. Gusto niya pa naman sana ay sunny side up.
"Kawawa naman ang dalawang itlog," sambit ni Lautus sa nang-aasar na tono. Nakisipat ito sa itlog na nasa kawali.
Nagkasalubong ang mga mata nila ng lalaki nang mag-angat siya ng tingin. "Ikaw ang sumira nito!" paninisi ni Haya rito pagkuwan.
"Ha? Why me? E, ikaw 'tong nasa harap ng kalan."
"Kung hindi mo 'ko ginulo at inistorbo, hindi sana sila na-over sa prito!"
Inaasahan na ni Haya na magkakasalpukan na naman sila ng salita ni Lautus ngayong desidido siyang sisihin ito sa nangyari sa eggs. Kaya nagtaka siya nang hindi ito nagreklamo sa paninisi niya.
Napaatras na naman siya nang ilapit na naman ni Lautus ang sariling mukha sa kaniya. Ikatlong beses na nitong ginagawa iyon ngunit nananatili siyang nakadilat pa rin at walang balak na pumikit man lang.
Kahit na ngayon na nag-angat ito ng palad upang walang permiso na hawiin ang munting hibla ng buhok niya na tumabon na sa kaniyang mukha.
"Alam ko kung bakit 'yan nasunog, missy," anito pagdaka.
Hindi siya sumagot. Alam naman kasi niyang may kasunod pa ang sinasabi nito. Saka, hindi naman siya makakasagot dahil abala na ang utak niya na pakinggan ang pagdagundong ng puso niya sa hindi niya malaman na dahilan. . .
"Nagulat kasi sila nang makita ka."
"A—Ano?" naguluhan na sambit ni Haya.
Nagkibit ng mga balikat ang lalaki at dumiretso ng tayo. "Nag-hello ang isang itlog sa 'yo dahil first time ka niyang makita. Nang magsalita naman siya ay nagulat ang isa pang itlog. Sino ba ang hindi magugulat sa isang itlog na nakakapagsalita? Kaya lang, nakita ka na rin ng other egg, mas nagulat siya. Nataranta silang dalawa, hanggang sa masunog na nga sila. Poor eggs." Iiling-iling pang turan sa kaniya ng hambog talagang bilyonaryo.
Naipaglapat na lang ni Haya ang kaniyang labi sa inis! Nagkuwento pa ito, isa lang naman ang pinatunguhan niyon—first time niyang magluto kaya nasunog ang eggs!
Nang makaupo siya ay asar na naihilamos na lang niya ang sariling palad sa kaniyang mukha!