LANCE
Hawak ko ang kopya ng annulment papers na ipinadala n'ya. Hindi lang 'yon, pirmado pa ang dokumento na hawak ko. I know, I have been a lousy husband but there are things I need to do first at ngayon na maayos na ang lahat — I'm ready to reveal myself to her. Kung kailan naman ako handa na ay saka n'ya naisipang makipaghiwalay.
"Is everything okay, Señor?" tanong ni Manuel. S'ya ang aking personal assistant at matalik na kaibigan.
Umiling ako. "Ang asawa ko ay gusto ng makipaghiwalay. Nainip na yata sa paghihintay," napahilamos ako sa aking mukha. Si Manuel naman ay napatawa at napailing. "What is so funny?" iritableng tanong ko sa kanya.
Sanay na s'ya sa akin at hindi ako pinapatulan.
"Ikaw."
Kumunot ang noo ko. "At bakit?"
"Nagtataka ka pa? Natural lang na makipaghiwalay na s'ya sa iyo. It's been five years, Lance. Malapit na s'yang mawala sa kalendaryo," paalala n'ya sa akin.
Lalong lumalim ang gatla sa noo ko. "Anong connection ng sinasabi mo sa papel na hawak ko?"
Napabuga s'ya ng hangin. "Minsan hindi ko alam kung sa sobrang talino mo ay hindi mo na maintindihan ang mga simpleng bagay."
"This better be a good one, Manuel. I don't have time for non-sense. She wants our marriage dissolved for f*ck's sake."
"Lance, listen to me — she is how old now? Twenty seven?"
"Twenty eight," pagtatama ko sa kanya.
"Por Dios, Lorenzo. Twenty-eight na ang asawa mo. Natural, gusto na n'yang magkaanak. At dahil hindi pa naman kayo nagkikita ay normal lang na isipin n'yang mag-asawa lang kayo sa papel," paliwanag n'ya sa akin.
Ang dahilan ng pakikipaghiwalay n'ya ay dahil gusto n'yang magkaanak? Ang labo naman ng dahilan a 'yon. Kung gusto n'yang magkaanak, all she had to do is ask. Kaya ko namang ibigay ang hinihingi n'ya, kahit ilan pa 'yan.
"Gusto n'yang magkaanak kaya s'ya nakikipaghiwalay? That doesn't make sense, Manuel," iiling-iling na sagot ko sa kanya.
Nagkibit balikat si Manuel. "Believe me, anak ang gusto n'ya."
"Kaya kong —" Naputol ang pagsasalita ko ng marinig ang pag-ring ng aking telepono. Sinagot ko 'yon ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Hello?"
"Lorenzo." It's my father in law.
"Dad."
Nang sambitin ko ang tawag ko sa kanya ay nagkatinginan kami ng kaibigan ko. Napailing ito at lumabas ng silid para makausap ko ng pribado ang Senador.
"Have you heard the news? Naipadala na ni Lamanzares ang kopya," sabi n'ya sa akin.
Napapikit ako. How can I forget? Hawak hawak ko pa ang ipinadala ng kanyang anak. "Do you know why she is doing this?" tanong ko sa aking b'yenan.
"Well, I'm afraid masyado mong pinatagal ang paghihintay n'ya. She wants to have a child with or without you," sabi ng b'yenan ko kasunod ng isang pagbuntong-hininga.
With or without me? Paano s'ya magkakaanak ng mag-isa? Dye must be insane. Wait, or has she found someone else na makakapagbigay ng anak na gusto n'ya?
"It's not what you think. Wala s'yang nakilalang ibang lalake. However, I know their high school is having a reunion this year. Who knows kung sino ang makakadaupang palad n'ya sa party na 'yon. My daughter is a very beautiful woman at sa sandaling bitawan mo s'ya ay maraming magkukumahog na makuha s'ya," napapalatak na sabi nito.
Like I'm going to let that happen! Sa akin lang ang asawa ko. I'm willing to do everything in my power to have our marriage intact. At kung anak din ang ang gusto n'ya, wala namang problema sa akin. Hindi normal ang pagpapakasal namin at kung hindi dahil sa -- nevermind.
Wala ng punto na pag-usapan ang dahilan kung bakit kami nakasal. I am not going to lie -- I've had my share of women before our marriage. A lot of beautiful women are willing to warm my bed pero ako na ang kusang tumatanggi. No one knew we got married but our fathers, our two lawyers at ang kaibigan kong si Manuel.
"Hindi ko hahayaan na mabansagan na hiwalay sa asawa ang anak ko, Lorenzo," may diin ang pagsasalita n'ya.
"Dad, I am not letting her go. Just so we are clear on that."
"Where the hell are you anyway?" iritableng tanong n'ya sa akin.
"In New York. Kararating ko lang galing ng Russia at bago 'yon ay galing ako sa Canada. May ilang gusot sa transactions at inaayos ko pa," paliwanag ko sa kanya.
"Okay. But you need to go see your wife as soon as possible. I can't deal with this annulment that she wants. Hindi ko s'ya pinalaki para suwayin lang ako." Halata ang tampo sa kanyang boses.
Dye is her only child... legal child. Narinig ko ang pag-uusap nila ng aking ama noong isang beses na umuwi ako sa bahay. It was our semestral break at nasa huling taon na ako ng business sa Harvard.
xxx
Ten years ago...
"Kumusta ang mga anak mo?" tanong ng Papa ko.
"Maayos naman sila. Nilalagyan ko ng pera ang mga bank account nila. Ang nakakapagtaka ay walang nababawas kahit isang sentimo. Maayos naman ang naging usapan namin ng mga ina nila pero kung bakit ganoon ay hindi ko maintindihan," frustrated na sabi nito.
"Nagkausap na ba kayo ni Esmeralda?"
"Ayaw n'ya akong kausapin. Palaging busy sa hospital at kahit doon noong minsan na nagawi ako ay parang hindi n'ya ako kilala. Nilampas-lampasan n'ya lang ako. Can you believe that woman?"
Napatawa naman ang aking ama. "Emerald must be in high school by now. Ilang taon na s'ya?"
"Katorse. Dye just turned eighteen," sagot nito.
"How about the other two?"
"Rosanna got married to some Greek. Ruby is now thirteen and lives with them. Mukhang maayos naman ang lagay nila dahil disente ang bagong asawa ni Rose. Sapphire is twelve at magtatapos pa lang ng elementarya. Sonia is still managing her little restaurant at nagmamatigas na hindi n'ya kailangan ng tulong ko. None of them wants my help. Ang inaalala ko lang naman ay ang welfare ng mga anak ko. Masama ba 'yon?"
"Walang masama doon. But it is their right to refuse your help. Wala sila sa poder mo. At hindi ka naman nagkulang sa suporta sa kanila. Your daughters will come around. I just hope Dye would accept her sisters when the time comes. Alam na ba n'ya?"
"No. I haven't told her about them yet. Naghahanap pa ako ng tamang tyempo."
"Huwag mong masyadong patagalin. Mentras na patagalin mo, baka lalo n'yang hindi matanggap ang mga kapatid n'ya."