Chapter 1
DYE
Five years ago, I married someone. Ni isang hibla ng buhok n'ya o kahit litrato, wala akong nakita sa kanya. Dumating lang ang lawyer na dala ang marriage contract namin sa aming bahay at pinapirma ako. Buong buhay ko, wala akong ginawa kung hindi sundin ang aking ama. Kapag sinabi n'yang ito ang gawin, agad akong sumusunod.
Katulad na lang ng kursong Business Management, pinag-aralan ko sa Oxford kahit ang gusto ko ay maging flight attendant. I could have taken a Tourism course but -- ang pasayahin si Daddy ang priority ko. Lahat ng sabihin n'ya hanggang pagpapakasal sa isang lalakeng hindi ko pa nakikilala ay sinunod ko ng walang reklamo. Ni hindi ko alam kung pangit ba s'ya, pandak, mabaho o kung ano ang katangian n'ya. If it's true though, that's going to suck -- big time.
Bakit nga ba? Iisa n'ya akong anak eh. Hangad ko na mapasaya s'ya lalo na kapag akala n'ya walang nakakakita sa pag-iyak n'ya yakap ang litrato ng aking ina. You see, my mother died giving birth to me. Ang sabi ni Daddy, nahawakan naman ako ni Mommy at nayakap bago s'ya pumanaw.
Nagkaroon ng complications ang panganganak n'ya sa akin. Matagal na palang may sakit sa puso ang aking ina at hindi lang sinabi sa asawa n'ya. Risky na ang pagbubuntis n'ya sa akin pero isinugal pa rin n'ya ang pagluwal sa akin ng normal. Kasi daw, kapag nagcaesarian section s'ya -- baka hindi na s'ya magising at hindi na n'ya ako masilayan. She got her wish. Natalia Mosqueda carried me for nine months, gave birth to me naturally, held me, kiss me and twenty fours later -- her heart stopped and she never woke up.
Naputol ang pagbabalik tanaw ko nang biglang bumakas ang pinto ng opisina at iluwa ang aking ama. Sa edad na singkwenta y otso, matikas pa rin si Maximo, ang nangungunang senador ng bansa.
"Leave us and don't interrupt," matigas na wika nito sa alalay at tatlong bodyguard n'ya. Hindi nagawang tumutol ng mga kasama at isinara na lamang ang pinto pagkalabas.
As the CEO and President of Hidden Gems Industries, my father is fortunate to see me here. Madalas ay nasa labas ako ng bansa at pinupuntahan ang iba't ibang branches namin.
"Dad, what can I do for you?" Although alam ko na ang ipinunta n'ya ay sinikap ko pa rin na maging kalma sa kanyang presensya. Hindi pa n'ya ako kinagalitan kahit kailan pero nakita ko na s'yang magalit sa iba at nakakapanginig ng tuhod kapag ikaw ang sentro ng kanyang galit.
"Dye, ano itong narinig ko na tungkol sa kasal n'yo ni Lorenzo?" madiin na tanong n'ya sa akin.
Huminga ako ng malalim. Tama nga ako. Narinig na n'ya ang tungkol sa plano ko. Dapat kasi hindi na lang si Atty. Lamanzares ang kinuha kong lawyer. Sinabi ko ng huwag ipaalam kahit kanino... pero kilala ko rin ang aking ama pagdating sa persuasion. Kahit ayaw mo, mapapatuga ka n'ya.
"Dad, it's been five years. Hindi na siguro masama kung maghiwalay na kami. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit mo ako ipinakasal sa kanya? At kung ayaw mong sabihin sa akin, hindi kita pipilitin. But I want to do something and I want him out of my life," mahinahon na sabi ko sa aking ama.
"Anak, he is your husband. There is no room for annulment between the two of you. Hindi ako makakapayag na mabansagan kang hiwalay sa asawa. Que horror!" Napahilamos na sa mukha si Daddy at tingin ko ay pinatanda ko s'ya ng sampung taon. Now I feel bad, but I really need to be free.
"Dad, please understand. Hindi ko s'ya kilala. I don't even know what he looks like. All I know is his name. Malay ko ba kung pangit s'ya at maitim." I meant no offense and I just blurted that out dahil sa frustration. "Huwag na 'yon at pisikal na katangian lang pero Daddy, paano kung masama ang ugali n'ya? Malay ko kung sadista s'ya or --"
"Dye, I'm your father. Do you think I will let you marry a monster?" Lumambong ang kanyang mga mata.
Laglag ang balikat ko. Tumayo ako at umupo sa silya na katapat ng inuupuan n'ya.
"Dad, I'm sorry. It's just -- I'm twenty-eight. I want to have a child. At hindi ako makakapagpa-IVF kung kasal pa rin ako sa kanya," katwiran ko sa akin ama.
There, I've finally told him my plans. Napangiwi ako ng makita ang pagkadismaya sa mukha ng aking ama. Kulang na lang ay alugin n'ya ako para magising sa kabaliwan ko.
"That's it?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya. "That's your reason for wanting to annul your marriage with him? Por Dios, Dye! He is not impotent and definitely not gay. Lorenzo can give you a child and more. You can be a family," sabi n'ya sa akin na mukhang nabuhayan ng loob. Kung para saan ay hindi ko matukoy.
"Daddy, I want out. Whatever is your reason for asking me to marry him, I believe I have served that purpose. I need to be free. Ayaw kong mag-asawa. I just want a child to call my own. I have nothing against adopting but I want to carry my own child. And I can do that without -- you know, doing the deed. Moderno na ang teknolohiya and IVF is the way to go," pangungumbinsi ko sa kanya.
Umiling ito at tumayo. "No. I can't let you do that. Nangako ako sa Mommy mo na bibigyan kita ng marangyang buhay. I am not failing her."
Bago pa ako makasagot sa kanya ay napihit na n'ya ang pinto at lumabas na ng opisina ko. Napasapo ako sa aking noo. I hate disappointing my father, but I hate disappointing myself further. Umayaw man si Daddy ay wala na s'yang magagawa. Napirmahan ko na ang annulment papers at sa mga oras na ito ay hawak na ng asawa ko ang kopya nito. I want my freedom back and he is going to give it to me or I'll die trying.
A few minutes later, my phone rang. Hindi ang desk phone kung hindi ang cellphone ko. Only a few people know this number. Hindi rin naman ako mahilig magtext o magtelebabad. I am too old for that.
"Diamond, are you ready to meet me?"
"Who the f*ck is this?" Sorry for the word but I had enough already for today.
"You can call me Lance. I'm your husband."