CHAPTER 1

278 Words
My Grumpy Boss Si Xander Laurent ay half France at half Filipino. Mataas ang kanyang tindig, may matang tila nakakabasa ng isip, at may tinig na sapat na para manginig ang sinumang makarinig. Siya ang pinakabatang punong ehekutibo sa buong lungsod — mayaman, makapangyarihan, at kinatatakutan ng halos lahat. Walang sinuman ang nangangahas na sumalungat sa kanya. At ako si Ziel Marquez — dalawanpu't dalawang taong gulang, simpleng babae, at ang kanyang sekretarya. Araw-araw ay ganoon lamang ang aming buhay sa opisina. Mula pa lamang pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito ay puno ng kanyang mga utos at masasungit na salita. "Masyado kang mabagal, Ziel!" sigaw niya habang ibinabagsak ang makapal na talaan sa ibabaw ng aking mesa. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na dapat ay nasa mesa ko na ito bago mag-alas nuweve? Halos bawat araw ay may mali sa iyong ginagawa. Hindi ba talaga sapat ang aking mga paliwanag?" Nakayuko lamang ako habang pinipigilan ang luhang nais tumulo. "Pasensya na po, Sir Laurent. Aayusin ko na agad ito at ibabalik sa inyo bago ang itinakdang oras." "Gawin mo na ngayon mismo. Ayoko na ng anumang palusot!" tumalikod siya at pumasok sa kanyang silid, isinara ang pinto nang may lakas. Ang ibang kasamahan ko sa trabaho ay madalas na lumalapit upang aliwin ako. Nagtatanong sila kung paano ko nakakayanan ang kanyang ugali. Sinasabi nilang tila ako ang pinakaayaw niyang makita sa buong mundo. Ngunit wala silang alam sa totoo. Hindi ko maipagmalaki at hindi ko maipaliwanag — may malalim na dahilan ang lahat ng ito. Bago pa ako tanggapin bilang kanyang sekretarya ay mayroon na kaming pinagsamahan na itinatago namin sa lahat ng tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD