NAIINIS siya sa sarili niya. Hindi talaga niya napansin ang wet floor sign kanina dahil sa kakatingin niya kay Cloudy. Pakiramdam niya ay nagmukha siyang tanga sa harap nito kanina. 'Bwisit! ' sa loob-loob niya bago napasulyap sa rearview mirror. Nasa sasakyan na sila nang mga sandaling iyon at pauwi sa mansion. Nakaupo siya sa tabi ng kaniyang unipormadong driver na si Grego habang si Cloudy ay nasa backseat naman. Tinitigan niya ito sa pamamagitan ng rearview mirror. Nakatanaw ito sa labas ng sasakyan at para bang noon lang naranasang sumakay. Nasa ganoong ayos siya nang bigla itong tumingin sa rearview mirror at nahuli siyang nakatitig dito kahit pa nga nagawa naman niya agad na mag-iwas ng tingin. Kusang gumalaw ang mga mata niya upang tingnan ito muli sa rearview mirror

