NAPAMATA si Cloudy nang makabalik siya sa opisina ni Alexander Chase. Katatapos lang niyang magpalit ng tubig sa pool enclosure at napapagod pa siya pero heto at napakaraming kalat sa opisina nito. Nakakalat sa sahig ang mga nilamukos na bond papers. "Masyado kang mabagal kumilos," pormal na sabi nito na hindi man lang nag-abalang tingnan siya. "Pasensiya na po," maiksing sabi lang niya sa malamig na tono. Kumilos siya at kinuha ang rubbish bin saka sinimulang pulutin ang mga kalat sa sahig. "Diligin mo ang mga plants because their leaves seem to be drying up, at umiinit ang ulo ko kapag ganoon." Narinig niyang utos nito hindi pa man siya nakakatapos sa ginagawa. "Yes po, Mr. Chairman," wika na lang niya habang patuloy sa pagpulot ng mga ikinalat nito sa sahig. "Get the bo

