IMINULAT ni Alexander Chase ang mga mata. Ramdam niya ang panginginig at panlalata ng kaniyang katawan. Tumihaya siya ng higa at inilatag ang katawan sa marbled floor. Napapikit siya habang sapo ang kaniyang noo. "A scared s**t out of me!" Pinunas niya ng palad ang pawisan niyang mukha. Nanaginip siya, isang masamang panaginip. Nag-ingay ang cellphone sa bulsa ng slacks pants niya. Agad niya iyong kinuha at sinagot ang tawag. "Hello?" kaagad niyang sabi. "Hello?" patanong na sabi ng boses lalaki sa kabilang linya. Nailayo niya agad ang cellphone sa kaniyang tainga at noon lang niya napansin na hindi iyon sa kaniya. Nakalimutan niyang makipagpalit ng cellphone kay Cloudy, cellphone iyon ng dalaga. Muli niyang itinapat sa kaniyang tainga ang cellphone. "Hello?" ulit ng n

