PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ni Hazel kanina ay nagtungo siya sa pool enclosure para i-relax ang sarili pero kahit anong gawin niya ay inuusig siya ng konsensiya dahil sa ginawa niya kay Hazel. Minahal naman niya ito, aminado siya roon. Pero hindi niya maintindihan kung bakit naging ganoon lang kadaling nawala ang feelings niya para rito. Dahil ba kay Cloudy? Isa lang namang simple at magandang babae na lalaking pumorma si Cloudy na mayroong ordinaryong pamumuhay. Hindi gaya ni Hazel. Pero bakit ganoon? Habang inaangkin niya si Cloudy ay halos mabaliw siya sa labis-labis na kaligayahan, parang dinala siya nito lampas pa sa tinatawag na langit. Dito lang niya iyon naramdaman, at hindi na siya sigurado. Isa pa ba iyon sa depinasyon ng kalibugan? O depinasyon na ito ng tunay na pag-i

