"SORRY Cloudy kung masyado akong madaldal. Sa totoo lang, sinisisi ko rin ang aking sarili kaya umabot si Tita Lhea rito," sinserong sabi ni Bethany sa kaniya. Naroon sila sa ospital at binabantayan ang kaniyang ina. "Sa totoo lang din, Beth, medyo nainis ako sa'yo dahil sa kadaldalan mo. Pero hindi mo kasalanan kung bakit nandito ngayon si Mama sa ospital," pagtatama niya sa kaibigan. Tiningnan niya ang ina na noon ay himbing na natutulog. Nasa recovery room na ito ngayon kaya kahit papaano ay nakahinga na siya ng maluwag. "Sana maging okay na nang tuluyan si Tita," sabi nito. "Sana nga, Beth." Nasa ganoong pag-uusap sila nang marinig niya ang ingay ng cellphone ni Alexander Chase. Kinuha niya iyon at napatitig pa roon nang makita kung sinong caller. "Sosyal, kailan ka pa

