bc

BILLIONAIRE'S FIRST LOVE(DEL FUEGO SERIES 1)

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
second chance
boss
drama
sweet
bxg
serious
campus
secrets
like
intro-logo
Blurb

What if bumalik siya?What if muling pinagtagpo ang landas niyo ng first love mo na never naman nalaman ang nararamdaman mo?What if muling tumibok ang puso mo para sa kaniya pero hawak kana ng iba?Ang galing makipaglaro ng tadhana ano?That's what happened to Marcus Archer Dellos. He never had a chance to tell his first love how much she loves her. The moment he's ready to confess he feels for her, she's nowhere to be found. Archer was left alone with his feelings for her. Yet after twelve years, their path crossed again, but this time they had a huge challenge for them. Archer was already in a relationship with someone who stuck with him through ups and downs while Charie, she's now a woman who has been searching for her past. It was then Archer realized that the moment Charie was gone, it was also the time she lost her memory and never came back. Pero paano kaya kung magbalik ang memorya niya dahil kay Archer? And soon she realizes that the man who made her remember everything was none other than Archer, a man she secretly loved in her past? Will fate give them a second chance? Or did destiny bring them back together only to finally let go of the love that never was?

chap-preview
Free preview
Prologue
ON THE SIXTEENTH DAY OF JULY By greyaceblate (2020-Present) Marcus Archer Pedraza Dellos x North Charie Del Mar Garcia Del Fuego | Escuela De Población 2012 Prologue 2025. His sweats are dripping down his naked body as he keeps running on the cold treadmill. He lost count of how many times he tried everything inside the gym just to get away from the thoughts about that woman in his dreams from last night. Nang tumigil ang machine, habol ni Archer ang sariling paghinga. His knuckle became white from gripping the arm of the treadmill. When he reached for his water bottle, a memory of his dream last night surged through him. Tila nabalewala ang mahigit isa’t kahalating oras niyang pananatili sa gym para makaiwas sa pag-iisip sa isang iglap pa lamang. It’s like no matter how he tried to forget what just happened, his dream of that woman was like a ghost, hunting him down wherever he goes. For the past twelve years, he has been dreaming of the same woman. At paulit-ulit lang naman ang panaginip niya, hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang nangyayari. Tila may kasalanan siya sa babae at ayaw siya nito patahimikan. But his conscience is clear. He never done anything wrong to any woman before. He’s aware of being a naughty boy when he was in high school, but never in his life he messed with someone, not at least with a woman. But he couldn’t understand having the same dream about the same woman. Ni ang pangalan nga ng babaeng ’yon ay hindi na niya naririnig na binabanggit ng kahit sino sa paligid niya, pero hindi niya ito magawang makalimutan. “f**k!” Hiyaw ni Archer matapos ibuhos sa ulo ang natitirang tubig sa tumbler na dala. Hindi mawala sa utak niya ang babaeng iyon at lalo na ang isang bagay na hindi niya malimutan. Sa mga nakaraang taon, palagi niyang napapanaginipan ang babae na ‘yon mula sa probinsya nila, pero kagabi ay may nadagdag sa panaginip na ‘yon. He always saw her crying while hugging something, and after that, a sound of a gunshot woke him up. But last night was different from his usual dream about her. He didn’t wake up after a gunshot, but she saw her in the light, crying and asking who she was. And when he tried to close the distance between them, a deep, dark cliff appeared, stopping him from getting close to her. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya malapitan ang babae sa panaginip niya. Gulong-gulo na siya. Wala lang naman para sa kaniya ang babaeng ‘yon, pero palaging siya ang laman ng panaginip niya. Alas-diyes na ng umaga at may pasok pa siya sa opisina, kaya naman nagdesisyon si Archer na magpalit na ng damit matapos mamahinga sandali. Nang lumabas siya ng gym ay nakasuot na siya ng damit pang-opisina, hawak ang gym bag niya at tahimik na sumakay ng kaniyang kotse na nakaparada sa ground floor ng building. Kabubukas pa lamang niya ng engine ng kaniyang BMW nang bigla namang tumunog ang cellphone niya. Hudyat na may tumatawag. Nang tiningnan niya ang cellphone, nakita niya ang pangalan ng girlfriend sa screen, kaya mabilis niya itong sinagot. “Hey,” bati niya habang tinitingnan ang sarili sa rearview mirror para ayusin ang buhok. “Nasa taping ka ba ngayon?” dagdag pa niya. “Yeah, I just called to say ‘hi’ and ask you if you’re free later?” Malambing na sagot ng girlfriend niya sa kabilang linya na ikinangiti niya. Minsan lang magkaroon ng oras si Lacey dahil sikat na modelo ito kaya naman kahit may meeting siya mamaya ay handa niyang kanselahin ‘yon para lang makasama ang dalaga. “Of course, will you ask me out, my lady?” Biro niya na alam niyang pandidirihan ni Lacey. “What’s gotten into you? So, cringe, huh?” Natawa siya sa sagot ng dalaga. Hindi niya naiwasang isipin ang pag-irap pa ni Lacey habang sinasabi ‘yon. “Anyway, if you’re free, how about we go to La Union later? Can you drive? May shoot kasi kami ro’n later 2 pm onwards and by 6 siguro tapos na kami.” Imporma ng babae. “So, what do you think?” Naghihintay na tanong ni Lacey na ikinangiti niya lalo. “Sige, I’ll be there. Do you want me to buy you something on my way there?” Tanong niya bago simulan ang pagmamaneho nang dahan-dahan para makalabas na talaga ng parking lot ng building. “Nah, don’t bother! Just present yourself on time. Oh no, that’s my cue!” Tarantang sagot ni Lacey nang marinig ang tawag ng direktor. Napangiti na lang si Archer sa pagiging hard-working ng girlfriend niya. “Bye, I love you!” Paalam niya na hindi na nasagot ng dalaga dahil naputol na agad ang tawag. Hindi naman ‘yon pinansin ni Archer, sanay na kasi siya, lalo pa’t hindi talaga gano’n ka-showy ang girlfriend niya pagdating sa nararamdaman nito. Ilang minuto lang ang naging byahe niya at nakarating agad siya sa kumpanya na kaniyang pagmamay-ari. Iyon ang bunga ng ilang taon niyang paghihirap sa ibang bansa at pagpokus sa pagpapayaman. Bago pa lamang siyang umaangat. Nakuha niya ang kasaganahan noong makagraduate siya sa kolehiyo. Nagkaroon ng trabaho sa ibang bansa at naging katiwala ng isang mayamang negosyante sa Thailand. At nang maglaon, binigyan siya nito ng shares sa kompanya at kasabay nun ay pagtatayo rin ni Archer ng sariling business na sinuportahan ng isang Thai business group. Nasa import at export ng agricultural products ang kompanya na tinayo niya. Sa nakaraang dalawang taon niya sa pagnenegosyo, nagkaroon agad ng tatlong branch si Archer. Kaya talagang masasabi niyang sobrang saya ng buhay niya ngayon, malayo sa buhay niya noon na talaga namang hindi alam kung patapon ba o wala lang. Pumasok si Archer na taas ang noo. Bawat empleyado niya ay sinasalubong siya ng may ngiti at pagbati na tinatanggap niya lamang naman. Nang makarating siya sa huling palapag ng kaniyang kompanya ay agad na sumalubong sa kaniya ang kaniyang sekretarya pagkalabas pa lamang niya ng elevator. “Good morning, Sir, your friends are waiting for you in your office!” Imporma ng babaeng may suot na makapal na salamin, nagpasalamat lang si Archer at walang ideya kung anong dahilan ng biglaang pagpapakita ng sinuman sa kaibigan niya. Pagkapasok niya ng kaniyang opisina ay naroon nga ang tatlo niyang kaibigan. At talaga namang agad na pumorma ang ngiti sa labi niya nang mapagtanto na ang matatalik na kaibigan niya ‘yon. “Hey!” bati ni Luke, na isang police officer na business partner niya rin sa katatayo lamang na resto bar sa Makati. Ngumiti si Archer nang malawak at nakipag-fist bump pa sa lalaki pati na sa katabi nito na si Ian, best friend niya rin. Hindi nga niya naiwasang magulat dahil nagkaroon ng oras si Ian na dalawin siya. Alam niya kasing busy sa hospital ang kaibigan kaya hindi niya talaga inaasahan na makita ito ngayon. “Naks, nandito ka, MVP!” Hiyaw ni Archer sa lalaking matangkad na may hawak ng isang baso na may lamang alak. Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya saglit. “Kailan ka pa umuwi?” “Ngayon lang, sinundo ako nitong dalawa!” Turo ni Jarred sa dalawa pang kaibigan na nakangiti rin. “Nagkayayaan na dumiretso rito e! Ano…party kaya tayo sa Heavens mamaya?” Napailing na lang si Archer sa tanong agad ng kaibigan. Sa kanilang apat si Jarred ang pinakamahilig sa party at pag-iinom. Nadamay lang talaga sila noon. Maganda ang social life ni Jarred, kaya nga sikat na sikat ito ngayon. Bukod pa ron, sikat na itong model at basketball player kaya bibihira na rin nila makita. Palagi kasing nasa ibang bansa. “Will you stop for a while, bro? Kauuwi mo lang alak agad ‘yang hawak mo! Believe me, kapag binawian ka ng katawan mo, ewan ko na lang talaga sa’yo!” Iiling-iling na sabat ni Ian na tinawanan lang ni Jarred. “Ito na naman si Dok!” Biro na bato ni Jarred na ikinatawa ng lahat. “Alam mo, kausapin mo ‘yang kaibigan natin, Archer! Palibhasa nasa hospital lagi kaya ‘yan, ’di pa ako nakakadaan ng tunay na check-up, may diagnosis agad ako!” Tumawa pa lalo sila sa biro ni Jarred, si Archer naman ay agad na nagsalin ng alak sa baso habang kinukumusta ang mga kaibigan na dumalaw. Nalaman niyang mawawala si Ian nang tatlong buwan dahil may medical mission daw ito sa Davao. Si Luke naman ay abala sa kasong pinahawak sa kaniya ng CO niya, kaya baka bihira na lang daw ulit makakadalaw. Si Jarred naman, sinabi niyang two months lang ang bakasiyon nito at pahinga, pagkatapos nung ay babalik sa Alaska para sa training nito. Habang nakikinig sa kuwento ng mga kaibigan niya ay hindi naiwasang mapaisip si Archer. Mga dakila silang gag* noong high school, pero ngayon ay sobrang iba na. Hindi nila inaasahan na lahat sila ay magtatagumpay sa iba’t ibang larangan. Kung dati sila ang nagdadala ng init sa ulo ng mga teachers nila, ngayon ay ibang-iba na. Lihim na lang na napangiti si Archer, pero agad nawala ’yon nang maalala niya noong high school ang isang taong dahilan din kung bakit siya nangarap ng mataas. Ang taong dahilan ng gabi-gabi niyang pagkapuyat dahil sa pananaginip dito. Ang babaeng hindi naman niya nakamabutihang loob, pero para bang nag-iwan ng kakaibang marka sa buhay at pagkatao niya. Kilala ang babaeng iyon ng mga kaibigan niya at hindi sila boto sa babaeng iyon. Dahil lamang naman sa isang dahilan. Walang kahit anong namagitan sa pagitan ni Archer at ng babaeng ’yon mula sa nakaraan, pero nang biglang maglaho na lang ang babaeng ‘yon nang walang kahit anong pasabi o impormasyon kung saan siya nagpunta, mas lalong nasira ang buhay ni Archer. Nakita ’yon ng mga kaibigan niya, kaya naman sa tuwing mababanggit niya ang pangalan ng babaeng ‘yon ay nagagalit ang mga kaibigan niya. Kaya ngayong napanaginipan niya na naman ang babae ay hindi niya magawang sabihin sa mga kaibigan. Alam niya kasing sesermonan lamang siya dahil nga para sa mga kaibigan niya, walang magandang dulot ang babaeng ‘yon sa buhay ni Archer. Pero ‘yon ang alam ng lahat, ‘yon ang nakita ng lahat. Ang totoo, ang babaeng ‘yon ang dahilan kung bakit may nag-iba sa paraan ni Archer sa pagtingin sa kahulugan ng buhay. Hindi lang talaga sila nabigyan ng pagkakataon para sa kanilang dalawa lamang noon. Halos mag-iisang oras na silang nagkukuwentuhan. Ngayon ay inaalala ni Jarred ang childhood memories nila na puro kapilyuhan. Samantala patawa-tawa lamang si Archer, habang iniisip ang babaeng nakaukit na yata sa kaniyang isip. Nagtataka pa rin siya sa panaginip niya hanggang sa may mga tanong na biglang lumitaw sa kaniyang isipan habang inaalala ang babaeng ‘yon. Where are you now? Bakit hindi pa rin kita makalimutan? Bakit nasa isip pa rin kita? Bakit? Bakit, Charie?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook