CHAPTER 8

1274 Words
TWO DAYS muna akong namalagi sa bahay bago bumalik sa trabaho, agad na akong nag ayos at nagbihis. Paniguradong magtataka sila dahil sa buhok ko, hays-- sino ba namang hindi e sa 3 years silang nasanay na straight ang buhok ko at never kong pinusod. Pinark ko na agad ang kotse ko at naglakad na papunta sa entrance. "Hi kuya kumusta po?" bati ko kay manong guard pero salubong lang ang kilay nito na nakatingin sakin. Isinawalang bahala ko nalamang iyon dahil baka wala siya sa mood gawa narin ng puyat sa trabaho. Nagpatuloy na ako sa paglalakad, pinusod ko ang buhok ko dahil baka mapansin nila ang pag babago ng buhok ko, at isipin na nagfile lang ako ng sickleave para magpa make over. "Wooow! nandito na pala si Ma'am Enriquez!" may halong insulto na pagkasabi ni Lea. Ano nanamang problema ng babaeng to?! Napatingin ako sakaniya at napansin ko ang bulungan ng iba, sinamaan ko lang sila ng tingin-- pero di tulad dati na tatahimik sila ngayon ay mas lalo pa silang nagbulungan at nagtawanan pa ang iba kaya naman labis ang pagtataka ko. Nagulat ako ng higitin ako ni Trisha palayo at dinala sa pwesto niya. "Gaga bat ka nandito?" tanong ni Trisha na labis kong pinagtaka. "Malamang magtatrabaho, sabog ka ba?!" saad ko sakaniya "Myghad! tanggal ka na sa work mo, and that's because of Lea.." nakacrossarm na sabi nito. Natulala ako sa sinabi niya, bat naman ako matatanggal e nagpaalam naman ako-- tsaka anong ginawa ni Lea? "Ikaw naman kasi! nagfile ka ng sick leave tapos bigla ka nakang mapapadpad dito, may kasama ka pang jowa! ikaw ha-- di mo ako ininform, tampo na ako!" inis na sabi ni Trisha kanina na nagpataas sa kilay ko. "Wait, ano bang sinasabi mo?" iritable ko ng tanong. Enlightened me! "Hala ka, nabaliw ka na ba? nung una akala ko talaga kamukha mo lang, pinagtanggol kita kaya nag away kami ni Lea sa loob ng office ni Mr. Santos. Pinagpipilitan kong hindi ikaw yun. Pano ba naman kasi ang kapal ng make ups tapos kulot ang buhok-- pero ngayong nandito ka at nakita ko yang transformation ng hair mo... 100 percent ikaw nga yung pumunta dito nun at may kasama kang lalakin" mahabang litanya ni Trisha. Natulala ako sa kuwento niya, iniisip ko palang yung gusto pumasok sa isip ko ay mababaliw na ako. Imposible naman kase na mapadpad ako dito e halos ilang araw kaming nasa beach ni Dom. Ayokong isipin na si Amber yun, dahil naniniwala ako na nasa Itaky siya. Hindi ko pwedeng paghinalaan ng di maganda ang kambal ko. "P-pwede ba nating i review yung gabing nakita nyo ako?" agad kong tanong kay Trisha . Agad niyang ni review ang footage nung gabing yun, nag init bigla ang mata ko at nanayo ang mga balahibo ko, sobrang nanginginig ako ngayon sa galit at pagkadismaya. "Be bat ka umiiyak?" Tarantang tanong ni Trisha, napaupo nalang ako sa sahig at pinilit. na ikalma ang sarili ko pero di ko kaya, sobrang naninikip na ang dibdib ko. "H-hindi ako yan." bulong ko. Napansin ki ang titig ni Trisha sakin. "H-ha???" tanong niya, pansin ko ang tingin niya na naghihinala. "H-hindi ako yan, si Amber yan-- My twin sister.." malamya kong saad kay Trisha, napahawak naman siya sa dibdib niya at nag enhale-exhale. "We-we-wait! di ko keri to dzai! may kambal ka?! wait sure ka?!" di makapaniwalang saad ni Trisha. Tumango tango ako na siya namang ikinatakip ng bibig ni Trisha gamit ang palad nito."Omg mare! bakit naman now mo lang chinika?! halika samahan kita kay Mr. santos, magpaliwanag tayo." pag aaya niya, hinawakan niya ang kamay ko akma na sana niya akong hihilain pero binawi ko ang kamay ko. "Hayaan mo na, paniguradong hindi ko na rin mabibigay ang time ko sa pagwwork dahil sa pinapagawanl sakin ng kapatid ko. " nakayuko kong sabi, nagtaas naman ng kilay si Trisha at nag crossarm pa ito. "So ganon ganon nalang? sasayangin mo nalang yung 3 years?" mataray niyang tanong, agad akong tumango na siya namang ikinailing niya. "Okay wait mo ako, pupuntahan ko lang si Mr. Santos, sasamagan kita ngayon." hindi pa man ako nakakasagot ay agad na siyang lumabas. Ilang minuto rin akong naghintay, habang hinihintay ko si Trisha ay kumuha ako ng copy sa CCTV footage nung gabing nagpunta dito si Amber. Ang di ki lang talaga mamukaan is yung lalaking kasama niya. Deretsyo lamg ang lakad namin ni Trisha, hindi ko na pinansin ang mga tingin at bulungan ng mga madadaanan namin. Nang makarating kami sa bahay ay agad humilata si Trisha sa couch habang ako nama'y dumaretsyo sa kusina pars kumuha ng maiinom at miryenda. "Grabe, magkwento kapa" ani Trish, habang nialalapag ko ang mga chips at juice sa center table. May mga nakwento narin kasi ako kay Trisha tungkol saamin. "So ibig sabihin di talaga kayo magkasundo, kaya ginawa mo nalang yung gusto niyang ipagawa para magkasundo kayo-- ganon ba?" Tango lamg ang naisagot ko sa tanong ni Trisha. "Pero-- nakakaloka kayong magkapatid lalo na yung kambal mo.. imagine pinagpapanggap ka niyang siya sa boyfriend niya tapos malalaman mo na lumalandi lang pala siya sa iba. hanep! bat di ka nalang kaya magsumbong dun sa Dominic?" napailing iling ako sa huling sinabi ni Trisha, hindi naman kasi pwede yun.. edi mas lalong hindi na kami magkakasundo ni Amber. "Hindi pwede hahayaan king si Amber na mismo ang magsabi kay Dom." nakayuko kong saad. "Hala teh! nagiisip ka ba? e kahit sinong tanga di aamin sa kalokohang ginagawa nila e." inis na sabi ni Trisha kaya napakamot nalang ako sa ulo ko. "Grabe.. pero wait-- gwapo naman ba itong Dominic?" mapanukso pa nitong sabi Tumango naman ako bilang sagot at kurot sa tagiliran ang natanggap ko. sakit ah!! "Ikaw ha? pero... What if.. kayo pala talaga ang para sa isa't isa?" naginit bigla ang pisngi ko kaya naman di ko sadyang nahampas siya sa braso niya. "Timang ka ba? boyfriend ng kambal ko yun!" irap ko sakaniya. "Na jowa mo ngayon? hahahah pero wait?--" alam ko na ang mga tinginan niya kaya alam ko kung ano ang iniisip niya ngayon. "Kung binabalak mong itanong kung may nangyari na samin, pwes-- wala! as in wala!" putol ko sakanya. "O bat in denial ka?! wala pa naman e hahaha" panunukso ni Trisha. "Alam ko na takbo ng utak mo Trisha, iniisip mo palang alam ko na lalabas sa bibig mo!" irap ko rito. Ngumiti siya at nagulat ako ng yakapin nya ang braso ko at sumiksik sakin. "Pero.... nag kiss na kayo?" may hiya pa sa tanong niya. Tuluyan na akong namula, kaya umiwas na ako ng tingin sakaniya. "Hahahahaha! huli ka! umamin ka nga-- type mo ba?" kinikilig pang sabi nito. Di ko na napigilan ang sarili ko kaya sinabunutan ko na siya, kanina pa ako ginigisa e. "H-hindi no!" sigaw ko sakaniya at uminom ng juice. "eee.. bat ka nauutal?? baaat namumula? hahhaha!" pang aasar pa nito Tinignan ko nalang siya ng masama àt di na nagsalita dahilan para humagalpak siya ng tawa. Ilang oras pa mag stay si Trisha at wala kaming ibang ginawa kundi magkwentuhan lang. Para pa siyang teenager na kinikilig sa bawat kwento ko. Halos mamantal na rin ang braso ko kakahampas niya. Magdidilim narin ng magpaalam siya, sobrang thankful ko kasi i have her. Pumasok ako sa kuwarto ko at nahiga sa kama ko, pinagmasdan ko lang ang kisame hanggang sa nagung emosyonal na ako. Naglandas ang mga luha ka sa gilid ng mata ko, Hindi ako makapaniwalang gagamitin lang ako ni Amber hindi para sa pangarap niya, kundi sa kalokohang ginagawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD