Nagising ako ng maramdaman kong wala na akong katabi, minulat ko ang mata ko at wala nga si Dom sa tabi ko.
Tumayo ako at nilibot ang villa nang hindi ko siya makita ay lumabas na ako at humapas saakin ang naoakapreskong hangin.
Naglakad lakad ako hanggang sa maaninagan ko si Dom na nakaupo sa dalampasigan, naglakad ako papalapit at ng makalapit ako at umupo ako sa tabi niya.
"Ang sarap ng hangin no?" tanong ko. malayo ang tingin.
"K-kanina ka pa ba jan?" tanong ni Dom sakin. "Kadarating ko lang, ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong ko.
"H-hindi naman... May naalala lang ako." sagot niya humarap siya saakin at ngumiti.
Napatitig ako bigla sakaniya, Ang guwapo pala talaga ni Dom, yung morning face niya mas guwapo siya tignan lalo na sa magulo niyang buhok.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilain, ng narating namin ang usang bangka ay nakaramdam ako bigla ng kaba..
T-takot ako sa dagat.. sa ilog.. b-basta sa malalalim na tubig...
Nagawang nagsagwan ni Dom, nanlalamig ang mga kamay ko di dahil sa malamig dito kundi dahil sa takot at kaba, halo halo na ang pumapasok sa isip ko, paano kung lumubog kami? paano kung masira yung bangka? paano kung hindi na kami makabalik?!
Medyo malayo na kami sa dalampasigan, alam kong nasa malalim na parte narin kami ng dagat kaya naman ramdam ko ang pamamawis ng mga palad ko.
Lalong tumindi ang kaba ko ng bigla akong buhatin ni Dom, anong balak niyang gawin?! anong naiisip niya ngayon?
"Let's do this again?" saad niya, nagkunot ako ng noo dahil hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.
Nanunuyo na ang lalamunan ko sa kaba, nakatingin lang ako sa tubig at sa tansya ko ay talagang nasa kalalimang bahagi na kami ng dagat.
"Grant the wish of the winner okay?" nakangiti niyang sabi.. Ano bang ibig niyang sabihin?
Bago pa man ako makapagsalita ay malakas na ibinagsak ako ni Dom sa dagat.
Hindi ako marunong lumangoy!
lumubog ako at sinubukan kong ipadyak ang mga paa ko peri diko magawa.
Nafufrustrate na ako, hindi ko na kaya.. sasabog na ako!
Kahit anong paspas ko sa paa at kamay ko ay tila lalo lang akong lumulubog, sobrang kinakabahan na ako! hindi ba ako kukunin ni Dom?!!
Tuluyan na akong nakaramdam ng takot, nag uumpisa ng manikip ang dibdib ko. Pilit kong iniwawaksi sa isipan ko ang ala ala na iyon, hindi ko na kaya! hindi ko na kaya!
Tulong!
Dom tulungan mo ako!
Dom....
--
DOMINIC'S POV.
Tuwang tuwa pa ako ng inihagis ko si Amber sa tubig, halos isang minuto na ang lumipas pero hindi parin umaahon si Amber kaya nakaramdam ako bigla ng kaba.
"Amber?" tawag ko sakaniya, lalo pa akong kinabahan ng napansin kong hindi parin siya umaahon. Imposibleng malunod siya?! magaling siyang lumangoy!
"AMBER! DON'T PLAY A TRICKS HINDI NA NAKAKATUWA!" sigaw ko pero ramdam ko na ang kaba. hanggang sa napagtanto ko ng tumalon at lumangoy palalim.
Nakita ko si Amber na unti unti ng lumulubog, wala na siyang malay... dali dali na akong sumidid pailalim upang makuha siya..
Natagpuan ko ang sarili kong nirirevive si Amber dito sa dalampasigan, ilang beses ko na siyang na CPR pero walang response from her, nanginginig na ako sa takot. Inulit ko ang pag CPR sakaniya pero wala talagang nangyayari! napasambunot nalang ako sa buhok ko at di ko na napigilang umiyak.
Hinawakan ko ang pisngi niya at tinapik tapik grabe ang putla na niya! anong gagawin ko!
"Amber please wake up!" yugtog ko sakaniya. marami na ang nakiisyoso kaya sumigaw na ako na tumawag sila ng ambulance.
"Wag na kayong tumawag!" sigaw ng isang matandang babae, lumapit ito kay Amber at nagulat ako ng bigla niyang suntukin ng dalawang beses ang dibdib ni Amber.
Maya maya pa ay umubo na si Amber, nagmulat siya ng mata.
"D-dom..." bulong nito pero nawalan rin siya ulit ng malay.
"Wag ka ng mag alala hijo, maayos na siya.. Dalhin mo na siya sa silid nyo at pagpahingahin mo na siya." anang matanda.
Akma na itong aalis pero pinigilan ko siya. "Maraming salamat sa tulong nyo!" saad ko at hinawakan ang kamay ng matanda.
Patuloy parin ako sa pagpapasakamat sa matanda hanggang sa sabuhan na niya akong pagpahingain na si Amber.
Agad kong binuhat si Amber upang dalhin kung saan kami nakastay na villa. Pag pasok ay agad ko na siyang binihisan at pagtapos ay pinabayaan ko na muna siyang magpahinga.
---
AMYTHIST'S POV.
"Tulong!!"
"Tulungan nyo ko!" paulit ulit kong sigaw, halos hindi ko na maipaspas pa ang napakaikli kong binti para makaahon.
babe?
Babe!
"Babe?!" Mabilis na tumibok ang puso ko na sinabayan ng sintido ko ng marinig ang boses ni Dom.
"Kanina pa kita ginigising.. Nananaginip ka.." bakas sa mukha niya ang pag aalala pero tinitigan ko lang siya.
"Mukhang napanaginipan mo pa ang nangyari sayo.. sorry babe dahil sakin muntik ka ng mawala..." pansin ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya kaya naman agad ko siyang nginitian.
" it's okay, im sorry kung pinag alala kita ... " saad ko, sinamaan naman niya ako ng tingin na ipinagtaka ko.
"Anong sorry?! ako nga dapat ang magsorry sayo . kung wala lang siguro yung matandang babae kanina hindi ko na alam ang gagawin ko at baka masiraan pa ako ng bait." ani Dom.
Matandang babe?
Napansin ata ni Dom na nagtataka ako sa katanungan ko sa isip ko.. Kaya naman nagulat ako ng magsalita siya bigla.
"Sya yung gumising sayo-- i mean siya talaga ang nagligtas sa buhay mo. pagsagip lang naman ang nagawa ko. " dismayadong sabi ni Dom.
Napangiti ako at hinaplos ko ang pisngi niya kasabay non ay ang paghalik ko sakaniyang labi.
"Im okay now, okay? i love you." para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanti ko ang sinabi at nagawa ko.
Anong ginagawa mo Amy?! bat may pa i love you? bat may pa haplos? BAKIT MAY PAHALIK?!!!!
Napasampal ako sa sarili ko ng matauhan ako, kaya naman si Dom ay halata sa mukha niya ang labis na pagtataka, marahil ang nasa isip niya ay nababaliw na ako.
"What's wrong? may problema ba? may masakit ba sayo?" magkasunod na tanong ni Dom.
Pasimple kong kinamot ang pisngi ko tinapik tapik ulit. "P-pasensya na... n-nangangati kasi mukha ko." palusot ko sakaniya.
Nag stay pa kami ni Dominic dito sa resort ng ilang araw. Kampante naman ako dahil tumawag ako kat Trisha na magsickleave ako, tuwang tuwa naman ako dahil pumayag ang boss at ang general manager sa hotel....
Inaya ako ni Dom na kumain, at sumama naman ako dahil hindi ko narin kaya ang gutom.
"Magpakabusog ka ha?" nakangiting sabi ni Dom
"Ahmm, i-ikaw din." saad ko.
Natahimik kami ni Dom, nakatitig lang ito sakin na animo'y may gustong ibigay.
Tumikhim ako at tinitigan siya. "Ehem...may sasabihin ka ba?" Napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya pero binawi naman yun ng matamis na ngiti.
"Hmm, pag nakauwi tayo... i mean after this, 2 weeks akong mawawala may pinapaasikaso kasi si Dad. Don't worry i will always call you naman. " Ani Dom. tumango naman ako at agad na nginitian siya to assure him na okay lang saakin.
Bakit ganon? bakit parang mabigat sa feeling na aalis siya parang ayaw ko siyang payagan.
Sa bagay mas okay narin siguro na 2 weeks siyang mawawala, napapabayaan ko na kasi ang work ko.
Sana lang ay di ako paginitan ni Lea.