Madilim na ng makarating kami sa usang beach resort. Namangha ako sa ganda ng lugar, napakapayapa ng bawat alon sa dagat, ang sarap rin ng malamig na hangin na hahampas talaga sa balat mo.
"Woah, ang ganda." mangha kong saad habang naglalakad sa dalampasigan.
"Nagustuhan mo ba?" saad ni Dom at niyakap ako mula sa likod.
Tumango tango lang ako bilang sagot. Nagulat ako ng mamalayan kong napahawak na pala ako sa kamay ni Dom na nakapalupot sa bewang ko.
"I love you Amber." bulong niya at hinalikan ako sa balikat. Hindi ko alam pero... parang nakaramdam ako ng kirot? bat ang sakit?
Kumakas si Dom sa pagkakayakap sakin mula sa likuran ko at hinawakn ang kamay ko.
"Maglakad lakad tayo. " pag aaya nito. Ngumiti ako sakaniya at tumango kaya naman naglakad na kami.
May napansin akong liwanag sa di kalayuan, madilim na kasi dahil gabi na pero ang ganda nung nakikita ko ngayon.
Naglakad pa kami ni Dom, habang papalpit kami ay nakaramdam ako bigla ng kakaibang kaba. Nang tuluyan na kaming makalapit ay namangha ako sa ganda nito.
Tila may mag didinner date ngayon dito ah?
"Ang swerte nama ng babaeng udedate jan." nakangiti kong sabi at talaga namang nangingislap ang mga mata ko.
Nabigla naman ako ng biglang pisilin ni Dom ang pisngi ko. "So you mean... You're lucky to have me?" saad nito na ikinagulat ko.
"So you mean-- para sakin to?" galak kong tanong.
"Tanga Amy! para kay Amber yan wag kang shunga!" saad ko sa isip ko.
Totoo naman kasi-- para naman talaga to kay Amber in the first place, ang alam ni Dom si Amber ang kasama niya ngayon at wala siyang kamalay malay na ako ang kasama niya.
"Oo para sayo to. Bago palang tayo umalis ay kinausap ko na si Manong kaloy na ayusin dito dahil may napakagandang bisita ang resort. nagustuhan mo ba?" tanong ni Dom. Kita ko ang labis na saya sa mga mata niya.
Nakaramdam tuloy ako bigla ng lungkot.
"O-oo naman! T-thankyou babe! i love you!" napakagat ako sa lower lips ko matapos kong mabitiwab ang napakasagradong salita na para lang sa magkasintahan.
"I love you too babe." tugon niya at hinalikan ako sa noo.
Inalalayan na niya akong umupo matapos non ay umupo narin siya sa harapan ko at naglagay ng red wine sa wine glass.
"Ohh, by the way. Next month na ang Anniversary natin.. Wala ka na bang ibang gustong gift?" Tanong ni Dom. Inilapag ko ang hawak kong utensils, at uminom ng tubig muka sa baso.
"H-ha?" utal kong saad. syempre kunwari hindi ko narinig, kayo rin naman minan aminin nyo na!
"Ang sabi ko, yung Car lang ba ang gusto mong i gift ko sayo?" laglag panga akong tumitig kay Dom, grabe kotse talaga? Ano bang pumapasok sa utak ni Amber? ano si Dom ATM?
"A-ano... A- ayos na sakin kahit wag na ung kotse.." sagot ko, grabe nakakahiya yung kambal ko! T.T
"Seryoso ka? cinancel mo na ung nauna mong request na gusto mong magsingapore tayo tapos ngayon biglang ayaw mo na ng kotse." taka niyang sabi sakin.
"H-hindi naman sa ayaw ko.... ano kasi--" hindi na ako natapos sa sasabihin ko ng biglang dumampi ang daliri ni Dom sa labi ko.
"Shhh, okay na. I respect your decision. Basta if you need anything, tell me okay?" Malambing niyang saad. Medyo nakaramdam nanaman ako ng guilty, Sobrang bait ni Dom para lang lokohin.
Napansin ko ang bahagya niyang pag yuko, nang magangat siya ng tingin ay bigla nalang itong may inabot saakin na box. Parihaba ito kaya alam kong kwintas ang laman ng silver box na to.
Pag bukas ko sa box ay parang luluwa ng kusa ang mga mata ko dahil sa ganta ng kwintas, parang ang rare ng mga diamonds niya, ito yung nakita ko sa isang magazine na hundred thousands ang halaga. Paano ko susuotin ang ganito kamahan na kwintas?
"Nung makita ko yan, agad kong inorder.. Alam ko kasing makikita mo rin yan panigurado, nag iisa lang yan at wala pang replica kaya kinuha ko na. Nagustuhan mo ba?" kita sa mga mata ni Dom na masaya siya, masaya siya dahil alam niyang magiging masaya ang babaeng mahal niya.. At si Amber yun.
Tumayo siya at lumapit sakin, maya maya pa ay kinuha niya ang kwintas at isinuot ito saakin. Matapos niyang maikabit ang kwintas ay inayos niya ang buhok ko at bumalik na sa upuan niya.
"Woah-- Lalo kang gumanda." Mangha nitong saad. Tinitigan niya lang ako kaya naman nakaramdam ako bigla ng hiya. Matapios naming kumain ay nagkwentuhan lang kami at kulitan.
Naglakad lakad rin kami sa dalampasigan hanggang sa mag aya na si Dom na pumasok.
Nagulat nama ako ng bigla akong buhatin ni Dom na para kaming bagong kasal, napapikit akong napakapit sakaniya, isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya dahil feeling ko ay pulang pula na ang mukha ko ngayon.
Nang marating namin ang isang villa ay pumason na kami at dinala ako ni Dom sa kuwarto, medyo nakaramdam pa ako ng kaba habang binababa niya ako sa kama dahil halo halo ang pumapasok sa isip ko. Maisusuko ko na ba talaga sakaniya ang perlas ng silanganan?
Nang maibaba ako ni Dom ay tumabi na siya sakin, hinaplos nito ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. "Matulog na tayo, good night babe." saad nito at hinalikan ako sa labi.
Unti unti narin ako nakaramdam ng antok kaya naman hindi ko na napigilan ang pagpikit ng mata ko hanggang sa makatulog na ako.