CHAPTER 5

1389 Words
AMYTHIST POV. Maaga akong gumising para maaga ako makapag asikaso, maaga kasi ang pasok ko ngayon lalo na at hindi ako nakapasok kahapon. Matapos kong magasikaso ay lumabas na ako at dumeretsyo sa garahe at sumakay sa kotse ko. Papaandarin ko na sana ng bigla kong makita si Dom sa labas. Dali dali akong lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng bahay. Dumaretsyo ako sa kuwarto ni Amber para makapagpalit, halos manuyo na ang lalamunan ko dahil sa sobrang kaba. Hayys, bat ba siya nandito?? Binuksan ko ang cabinet ni Amber para makapili ng damit, hindi ako makapili dahil halos lahat ata ng damit niya ay napakarevealing. Nang makapili ako ay agad na akong lumabas at hinarap si Dom. Nasa bungad palang ako ng gate ay namumuo na agad ang mga pawis ko. "B-babe a-anong ginagawa mo dito? a-i- mean ang aga mo naman ata??" Kabadong tanong ko kay Dom. Napansin ko na kumunot ang noo niya kaya naman naglakas loob akong halikan siya sa pisngi. "I miss you already, I'm sorry for what i did to you last night." nakangusong sabi ni Dom. Actually ako dapat ang magsosorry pero bat si Dom ang nagsosorry ngayon? "Hindi mo naman kasi sinabi na may dalaw ka pala, kaya.. im sorry..." Halos magsilabasan ang mga ugat ko sa sintido dahil sa narinig ko, napakamot nalang ako sa ulo at ngumiti ng peke sakaniya. Pinagsasabi nito? Pinaupo ko si Dom sa couch pagpasok namin at dumeretsyo naman ako sa kitchen para ipagluto siya ng breakfast. Habang naghihiwa ako ay bigla nalang nag ring ang phone ko. "Hello?" malakas kong sagot sa tumawag. "Ano ba yan Amy?! bat di ka nagrereply sa mga messages ko?" bose ni Amber sa kabilang linya. Tinignan ko naman si Dom at busy lang ito sa panunuod. agad akong pumasok sa banyo para di marinig ni Dom na magkausap kami ni Amber ngayon. "Nandito ngayon si Dom... Mamaya ka nalang tumawag " pabulong kong sabi sa phone ko. "This is important! myghad Amy! why did you do that to Dom?!" galit ang boses ni Amber, inis na inis ito dahil pasigaw na siya kung magsalita. "What?" nagtataka kong tanong, e ano ba kasing ginawa ko? "Tinulak ko daw siya kagabi?! he said na gusto niya sana makipagkemerut ang kaso tinulak ko daw siya, bakit ko naman nagawa yun?!" Galit na sabi ni Amber. Yung pagtulak alam ko yun, pero yung sinabi niya hindi ko maintindihan ano ba yun? "Makipagkemirut?" taka kong tanong kay Amber. "Makipag s*x! myghad Amy bat mo naman ginawa yun?! hindi ko tuloy alam kung anong ipapalusot ko... kaya sinabi ko na lang na nagkaroon ako! nakalimutan mo na ba? you need to prentend! ikaw na ngayon ako-- you are Amber now! so please! act how i act! isantabe mo muna yang kaartehan mo!" Sigaw ni Amber. Kahit wala siya sa harapan ko, alam kong pulang pula nanaman ang mukha niya sa galit. "Wait lang Amber, hindi naman pwedeng isuko ko ang bataan ng ganon ganon lang sa boyfriend mo!" medyo napalakas naman ang boses ko kaya napatakip ako bigla sa bibig ko, baka marinig ako ni Dom. "Huy! s*x lang yun?! wait-- don't tell me virgin ka pa?" halata mo sa boses ni Amber ang hindi pagkapaniwala. "Of course! kailan mo ba ako nakitang may inuwing lalaki dito sa bahay?!" sarkastiko kong sabi. "M-malay ko ba, baka sa hotel ka nakikipagjugjugan! pero seriously.. virgin ka pa talaga?!" pang uusisa niya. " Oo nga.. tsaka teka nga.. pano mo nasasabing s*x lang naman e boyfriend mo ata pinaguusapan natin dito." mapanginsulto kong sabi "I already told you naman na okay lang sakin na mag s*x kayo no!" sagot nito. Minsan talaga napapaisip ako kung nasa tamang katinuan pa tong babaeng to e. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Amber?" pag aalalang tanong ko. "Hays, sige ganito nalang.. Sa ilalim ng kama ko, may box doon buksan mo at may makiitang kang extra simcard un na muna ang gamitin mo.. Doon ako nakocontact ni Dom kapag di ako nag message sakaniya tru socmed. okay?!" paliwanag nito. "P-pero hindi parin ako makikipag-s-s*x sakaniya!" matigas kong pagtutol sa gusto niyang mangyari. "Hey! kailangan mong makipagsex sakaniya because we always do that everyime na magkasama kami! remember, tou are Amberlyn Enriquez now!!" sigaw ni Amber sakin. Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga dahil di ko talaga kinakaya nasa utak nitong babaeng to. "Okay but Am--" halos mabitawab ko ang phone ko ng marinig ang katok sa labas ng pinto. "Baby, kanina ka pa jan sa loob may problema ba?" dinig kong boses ni Dom. Agad na akong nagayos at nakangiting lumabas. "Sorry sumakit kasi bigla tiyan ko." pagsisinungaling ko. minus 1 nanam ako sa langit nito. "Si Amy ba ang kausap mo?" halos maistatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa tanong niyang iyon. "Ahh, oo binilin niya kasi yung kotse niya... May out of town meeting daw kasi sila." sagot ko, tumango namna siya at inakbayan ako. "Ako na ang nagluto sa lulutuin mo sana, haha. Nabusy ka sa cr e." nakangiting saad ni Dom at Bahagyang natawa. Matapos naming kumain ay sinabihan ako ni Dom na magbihis dahil may pupuntahan daw kami kaya naman nagbihis ako agad at nag ayos. Paglabas ko ng kuwarto ay nagulat naman ako sa naging reaksyon ni Dom ng makita ako. Naka Mintgreen ako na dress na above the knee ang haba at sleeveless wala kasi akong ibang makita na dress sa kabinet ni Amber na papatok sa style ko, puro revealing talaga as in yung tipong konting tuwad mo lang kita na pati kakuluwa mo hanggang kanu-nu-nu-nu-an mo. Nagmake up lang ako ng simple lang light lang ganon, bumagay naman siya sa kulay ng suot ko di ko kasi talaga hilig mag make up ng kasingkapal ng kay Amber. Sa heels naman ay sakto lang ang taas 2 inches lang, pero si Amber grabe maka heels kahit gagala lang nama sila ni Dom akala mo e rarampa sa 6inches na high heels niya Hahahah. "You look glamorous with your simple look, you're so pretty babe." puri sakin ni Dom, sakin talaga kasi eto yung ayos ko e. "Bagay naman pala sayo ang light makeup lang, simple lang. Kung straight lang ang buhok mo mapagkakamakan kitang si Amythist e." Namintig bigla ang tainga ko sa sinabi ni Dom, feeling ko maiiihi ako sa kaba "K-kahit na magkamukha kami ni Amy mas maganda naman ako sakaniya no!" pagsusungit ko. Ganito kasi si Amber sa tuwing may magkukumpara saming dalawa. Kung wala lang daw differences saming dalawa e talaga namang magkakalituhan ang lahat. Medyo matangkad saakin si Amber , Ako naman e mas maputi ng kaunti sakaniya. May pagkakulot or wavy ang hair niya habang ang buhok ko naman ay straight, pero pagdating sa hugis ng katawan ay pareho lang kami. "Sabi ko na nga ba't ganyan ang sasabihin mo e HAHHAAH" Saad ni Dom. Gaano ba ako kadalas banggitin ni Dom sa tuwing magkasama sila ni Amber? "Bakit mas maganda naman talaga ako kesa kay Amy ah?!" mapagkunwaring sabi ko. Ngumiti naman si Dom na nakapaningkit ng mata niya. "Oo na oo na. Hali ka na nga" saad niya sakin at humawak sa bewang ko upang umalakay lang.. PAKA GENTLE MAN! "Saan pala tayo pupunta?" tanong ko kay Dom. "Gagala saan mo ba gustong pumunta?" Balik niya sa tanong ko. Napakamot ako sa ulo ko dahil wala akong alam na galaan dahil taong trabaho bahay lang naman ako! kung alam ko lang na hahantong ako sa ganitong sitwasyon e nilibot ko na tong buong pampanga para lang malman kung saan maganda mamasyal bukod sa SM, skyranch or whatsoever. OMG! Speaking of work! hindi nanaman ako nakapasok!! "Nga pala-- ilang araw palang hindi makakuwi si Amy?" Di ko alam kung dapat ko bang bigyan ng malisya yung tanong niya, bat ba kasi kailangang itanong? "H-ha? b-bakit mo baman natanong?" tanong kk sakaniya. "Para sainyo muna ako, sasamagan kita... Habang wala pa ang kapatid mo " Sagot niya. Medyo naginhawaan ako na ewan, feeling ko kasi yung sinasabi niyang sasamagan muna niya ako e may ibang meaning.. O baka masyado lang akong nag oover think? "H-hindi ko pa alam e.. baka matagalan " sagot ko at napakagat ako sa dulo ng dila ko. Waaah! tanggapin pa kaya ako sa langit nito? dami ko ng minus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD