CHAPTER 4

1514 Words
Nagising si Amy sa masamang panaginip. Kahit malamig sa kuwarto niya ay namumuo ang mga pawis niya sa noo at tila ba gusto niting maiyak. "H-hindi... malabong mangyari yun" bulong ni Any sa sarili niy. Kinuha niya ang phone niya para icheck ang oras pero laking gulat niya ng makitang mag aalasotso na ng umaga. Bumalikwas siya ng tayo at nagtungo agad sa kuwarto ng kambal. Pag pihit sa seradura ng pinto ay hindi ito nakalock kaya deretsyo na itong pumasok sa loob. Bumungad sakaniya ang tahimik na silid at wala na doon ang kaptid. "Hindi man lang siya nagpaalam." buntong hininga ni Amy. Palabas na sana ng kuwarto si Amy pero laking gulat nita dahil pagbukas niya sa pinto ay bumangga ang noo niya sa matigas na bagay.. Hinimas niya ang kaniyang noo at laking gulat niya ng may makitang puting rubber shoes sa harapan ng paanan niya, nag angat siya ng tingin at hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. "Goodmorning Babe." bati ni Dom kay Amy. Akma na sanang hahalikan ni Dom si Amy pero umatras ang dalaga. Walang kaalam alam si Dom na hindi si Amber ang kaharap niya kundi si Amy. "W-why? may problema ba?" tanong ng binata, tulala lang si Amy at ramdam niya ang pagiinit ng pisngi niya kaya bigla nala mang itong napayuko. "Hey... i-is anything wrong? are you okay?" Pag aalala ni Dom kay Amy. Napaatras si Amy dahilan ng pagbagsak niya sa kama, Napansin niya ang pag ngisi ni Dom kaya bulta-bultaheng kuryente ang nagpakaba sakaniya ngayon. "Hindi pala kiss ang gusto mo ha" Saad nito habang papalapit sa nakahigang si Amy. Sa sobrang kaba nito ay naitulak niya ang binata palayo, bigkang nagsalubong ang kilay ni Dom dahil nagtataka siya ngayon sa inaasta ng akala niyang Girlfriend niyang si Amber. "S-s-sandali-- ano kase... m-maghihilamos lang ako..o-oo o-okay??" tarantang sabi ni Amy at agad na kumaripas ng takbo papunta sa banyo at agad niyang nilock iyon. Kitang kita ngayon ni Amy ang pamumula ng pisngi niya sa harap ng salamin, tinapik tapik niya pa ang pisngi niya para lang mawala ang pag iinit ng pisngi niya. "Bat ang aga niya?" wika niya sa isip niya. "Anong gagawin ko?!!" inis na sabi nito sa sarili sinabunutan niya ang sarili dahil parang hindi niya kakayaning humarap ngayon sa boyfriend ng kapatid niya at magpanggap. Nang mapansin ni Amy na medyo nagtatagal na siya sa banyo ay nag enhale-exhale ito upang ikalma ang sarili bago lumabas ng banyo. "By the way i have something for you.." laking gulat ni Amy ng bumungad sa harap niya si Dom. Napaisip tuloy siya kung kanina pa ba naghihintay ang lalaki sa labas ng banyo. "Ano yun?" tanong ni Amy. Hinawakan ni Dom kamay ni Amy at dinala ito sa kitchen. "May nadaanan kasi akong Coffee shop jan sa labas ng subdivision, mukhang kakaopen lang kaya binilhan kita ng favorite mong coffee and cupcakes. " malambing na sabi ni Dom habang inihahanda ang pinamili nito. Napakagat si Amy sa lower lips niya, hindi kasi talaga siya mahilig sa cupcakes at kung sa kape naman ay magkaibang magkaiba sila ng taste ng kambal niyang si Amber. "Ahhh, e a-anong flavor ng coffee... b-babe??" tanong ni Amy, bigla namag nangunot ang noo ni Dom. Nagtataka siya kakasabi lang niya na favorite flavor nito ang dala niya. "Caramel Apple Macchiato.. favorite mo yan diba?" Sagot ni Dom na may halong pagtataka. Bigla nalang napalunok si Amy matapos marinig ang sinabi ni Dom. "Wtf-- ano bang lasa non? basta ako kahit yung tig treseng kape lang okay na ako... hayst! ano ba tong pinasok ko!" Wika ni Amy sa isip niya. Kinuha ni Amy ang Coffee na para daw sakaniya which is para talaga kay Amber, habang iniinom ang kape ay parang isusuka niya ito pabalik dahil sa hindi niya type ang lasa. "P-parang may something-- hindi siya kalasa nung madalas kong inumin." Palusot ni Amy pero hindi na talaga niya kayang tiisin na inumin ang kapeng iyon. "Talaga?-- hmm... i-ito gusto mo ba to? palit nalang tayo?" sagot ni Dom. "A-anong flavor niyan?" tanong ni Amy. "Caramel Rocksalt Mocha" sagot ni Dom. Nangislap naman ang mata ni Amy sa narinig dahil ito ang madalas niyang inumin sa office niya. Agad niyang kinuha ang kape na inaabot ni Dom at pinaningkitan ito ng mata. Si Dom naman ay takang taka ngayon habang nakatitig kay Amy na sarap na sarap sa kapeng iniinom nito. "Last time na matikman niya yan halos masuka siya-- ts, di ko talaga maintindihan minsan tong si Amber." Wika ni Dom sa isip niya. Napailing iling nalang ito at pinagmasdan ang dalaga mula ulo hanggang paa, ngayon niya lang napansin na naka pajama ang nobya niya. "Kailan ka pa nagsimulang magpajama pag natutulog? all i know palagi kang naka lingerie?" Tanong ni Dom kay Amy. Napahinto naman si Amy sa pag inom sa kape at yumuko. "N-nilamig kasi ako kagabi k-kaya ano... nanghiram ako ng pajama kay A-amy..." palusot ni Amy, totoo kasing hindi naman mahilig sa pajama si Amber. Tumango tango lang si Dom habang tinitignan si Amy. "Well... it's suits to you, by the way.. buti okay na kayo ni Amy? a-and where's Amy?" Bumilis ang t***k ng pusok ni Amy sa kaba dahil sa tanong ni Dom. Namawis ng husto ang batok nito at ramdam rin niya ang namumuong pawis sa noo. "A-hh okay na kami ni.. ni Amy, maaga siyang umalis.. alam mo naman si Amy masyadong workaholic..." Sagot ni Amy. Nakatitig lang si Dom sakaniya na animo'y naghihintay pa ito sa susunod na sasabihin ng nobya. "E.. ikaw? kumusta yung inapplyan mong modeling agency sa italy... natanggap ka ba?" Namintig bigla ang tainga ni Amy sa narinig, sa pagkakatanda kasi niya sa kwento ni Amber ay hindi alam ni Dom ang patungkol sa modeling agency sa Italy. "Sabihin mo pag natanggap ka ha? para naman masamahan kita." Nanayo bigla ang balahibo ni Amy at parang maluluha na ha ang tulala lang sa binata na busy sa pagkain ng cupcakes. "Nasan ka ba talaga Amber?" Tanong ni Amy sa sarili. Ngayon lang niya napagtanto na nagsinungaling sakaniya si Amber. Nagkuyom siya ng kamay at halos bumain na ang kuko niya sa kaniyang palad dahil sa pagkadismaya. "Cinancel ko." Tipid na sagot ni Amy. Napahinto naman sa pagsubo si Dom sa kinakain at tinitigan ang dalaga. "What? i mean.. why? diba pangarap mo yun?" dismayadong saad ng binata. Hindi na sinagot pa ni Amy ang patungkol sa modeling agency sa italy, hindi niya kasi alam kung ano ang idadahilan niya. Mabilis na lumipas ang oras at hapon na. Hindi siya nakapasok ngayong araw buti nalang at nakapagtext siya kanina sa General manager ng hotel kaya pumayag naman ito. Nanunuod lang ang dalawa kaya laking pagtataka na ni Dom sa inaasta ng akala niyang nobya niya. Simula dumating sita ay hindi niya pa nahahalikan ang dalaga na labis niyang pinagtataka. Sa tuwing darating kasi ito ay halik ang salubong ni Amber sakaniya pero ibang iba ang kaharap niya ngayon. Palihim na inakbayan ni Dom si Amy, napansin niyang hindi ito umiwas kaya naman agad niya itong hinila palapit sakaniya. "May problema ka ba? parang wala ka sa mood" nakangusong tanong ni Dom kay Amy. Nag angat naman ng tingin si Amy at ngumiti kay Dom. "Wala naman.. bakit?" nakangiti niyang sagot sa binata. Nakakuha ng tiempo si Dom kaya hinawakan nito ang baba ng dalaga at mariin itong hinalikan. Namilog ang mga mata ni Amy dahil sa ginawa ni Dom, iiwas pa sana siya ng biglang hawakan ni Dom ang batok niya dahilan upang madiin lalo ang labi nila sa isa't isa. Unti unting ibinuka ni Amy ang bibig at nakipagsagutan sa mga halik ni Dom, hindi siya bihasa sa pakikipaghalikan lalo na't first time nya ito. Nag umpisa ng maglakbay ng kamay ni Dom sa katawan ni Amy , nagsimula sa balakang hanggang sa dibdib nito. Gusto man kumawala ni Amy pero tila hindi sumasangayon ang katawan niya. Binuhat ni Dom si Amy at dinala sa kuwarto ni Amber, ihiniga niya ng dahan dahan ang dalaga ng hindi kumakawala sa halikan nilang dalawa. Agad na pumatong si Dom kay Amy, gusto ng tumigil ni Amy sa pagsagot samga halik ni Dom pero tila ayaw makisama ng katawan niya. Nakaramdam na si Amy ng kakaibang pagiinit ng katawan, ang gusto lang niya ay magtuloy tuloy ang ginagawa nila ni Dom. Naramdaman ni Amy ang palad ng binata sa maselang parte nito, para siyang nakaramdam ng napakalas na kuryente kaya bigla nalamang niyang naitulak si Dom. MALALIM na ang gabi pero di parin makalimutan ni Amy ang mga nangyari kanina sakanila ni Dom, Hindi niya lubos maisip na sa unang araw na nakapagpretend siya ay agad rin makukuha ni Dom ang first kiss niya. Nakahiga si Amy sa kama at nakatitig sa kisame, matapos kasi ng pagtulak niya kanina kay Dom ay nainis ang binata at padabog na umalis. Mukhang sa unang araw palang ng pagpapanggap niya ay sablay na siya, what more pa sa loob ng 2 months?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD