THORN AND ROSE

2510 Words
TEARS fell in her hopeless eyes, she was begging her lord to have mercy on her, to be one of his beloved, and to let her die as an obedient slave of him. Hindi mabura sa isipan niya ang nakitang tagpo kanina sa loob ng club. Her virgin eyes just saw a sensitive scenario, grabehan pala sa club. Nang dahil sa nakita niyang hindi ka aya ayang tingnan, mga naglalaplapan. Nang mag cr siya ay may naabutan pa siyang gumagawa ng milagro sa loob. Pakiramdam niya ay nagkasala siya nang lubos. Sumama siya sa kaibaigan niyang si Mira Hope dahil ka arawan ng pinsan nito, at doon daw naisipang mag saya. "Forgive me, my lord, for even the smallest peccadilloes I've committed in every second of my life." She uttered the word "Ameen" when her alarm clock rang. She hurriedly put on her pajamas and jumped to bed "I love you, mama, papa." Hinalikan niya muna ang litrato ng magulang sa bedside table niya bago ipinikit ang mga mata. Maaga siya matulog dahil maaga siya sa trabaho niya. KINAUMAGAHAN nakangiti si Siezen na nag inat inat ng katawan. She did her morning routine: Cleanse her face with Y.O.U cleanser, put a moisturizer and sunscreen. Isinuot niya ang thin purple dress at pinarisan ito ng white sandals. Ang mahaba niyang buhok ay hinayaan niyang nakalugay. For the final touch, she puts on her nude lipstick. Now she's ready to go, she looks at herself in the mirror. "You are loved, from the heavens above." She smiled, she felt so vintage! She always reminds herself to look forward to tomorrow, to savor every moment of her life, because memories are easy to hold onto, but hard to relive. Nang matapos ay bumaba na siya para mag almusal habang kinakanta ang kanta ni Cinderella. "Who told me so, dili dili, who told me so, 'twas my heart dili- dili who told me so," "If you love me dili dili, I will love you" After she finished her hearty breakfast, she booked a cab. Nang dumating ang kotse ay nagpahatid na siya sa flowershop niya. "Good morning customers!" Nakangiti siya ng maluwag sa mga paparating nilang customer. Today was a particularly busy day, with a steady stream of customers coming in for bouquets and arrangements. She's in her element, surrounded by the vibrant colors and intoxicating fragrances of her late grandmother's flower shop. Nandoon na din ang mga helpers niya, pero mas gusto niyang mag laan ng oras. She effortlessly arranged a dozen vibrant flowers for a gorgeous man who ordered a bouquet of Gerbera Daisies. Nag craft din siya ng corsage para sa blushing prom-goer. "Gerbera daisies-perfect for someone bright and cheerful, sir," sambit niya habang iniaabot ang bouquet. "Indeed, cheerful like these." Napakunot-noo siya, namumukhaan ang customer. "Wait... aren't you...?" Tumigil siya, namumukhaan niya ang lalaki! "Axis Balzimon? Yung lead guitarist ng Black Phantom Abode?" Ngumiti ito nang bahagya, parang sanay na sa ganitong reaksyon. "Caught me." He winked at her before he left. Nang maka alis ang customer ay napa buntong hininga siya, may mga tao talagang ang suwerte suwerte sa love life. Siya kaya kailan? wala naman kase siyang nararamdamang special sa mga manliligaw niya. Wala siyang mapagbigyan ng matamis na Oo, dahil ilang weeks lang tumitigil na ang mga ito, hula niya ay hindi totoong pagmamahal ang habol sa kanya. May mga lalaki talagang ganoon, sa una lang magpapakita ng kagandahang loob pero sa huli iba pala ang motibo. Ipinilig niya ang ulo, ayaw niya muna mag isip ng love life na iyan. Right person will come at the right time, or even at the wrong time, in the right place or not. Fate will surely find its way. Ilang minuto siyang nagpahinga sa mini office niya bago bumalik sa trabaho. Pinag break niya din ang tatlo niyang workers, nagpunta ang mga ito sa coffee shop sa malapitan kaya mag isa muna siya. Habang iniaayos niya ang bouquet ng sunflowers, tumunog ang wind chime sa pinto. Tumigil ang mga kamay niya sa ginagawa at napalingon siya sa bagong dating. Agad niyang naamoy ang pabangong sumingaw sa hangin-lalaking-lalaki, may halong cedar at sandalwood. Parang biglang lumiit ang shop niya sa presensya nito, bawat hakbang ay puno ng kumpiyansa. He walked-confident, deliberate, as if the room adjusted to accommodate him. He has a tousled black hair, green eyed, and a perfect nose with a small ring. The small silver nose ring only added to his magnetic aura. Ang tikas ng tindig nito, kaya ang kaninang mala Disney niyang pakiramdam ay napalitan ng kakaiba. After he scanned the shelves, his gaze settled on her. Inayos niya ang buhok at ni ready ang ngiti niya ng itaas nito ang kanang kamay. Para bang sinasabi sa kanya na huwag niyang ituloy ang pag ngiti? "Cut it, don't." His voice alarmed her, nagtaka siya sa sinabi nito. Ano ang problema ng lalaking ito? Hanggang sa makalapit ito sa kanya ay hindi na natuloy ang pagngiti niya. "Do you have any hydrangeas and peonies?" Kahit ang boses ay naghahatid sa kanya ng ibang pakiramdam! Nakatingin ito sa mga mata niya, at hindi siya makasagot dahil para siyang nahihipnotismo. A face like adonis! grabe talaga ang lahi ng mga foreigners ano? bakit wala siyang makitang kapintasan sa mukha ng lalaking ito? Nagugwapuhan siya dito! Marami naman siyang nakikitang gwapo, may mga manliligaw din siyang guwapo at aaminin niya madali siya magka crush sa mga guwapo. Sino ba ang aayaw sa gwapo? Pero ang lalaking ito sobra pa sa gwapo! Pero syempre yung may magandang panloob pa din ang panalo. Pahabol ng thoughts niya. Nakatitig siya dito ng matagal, kung hindi pa nito pinagpantay ang mukha nila ay hindi pa siya matatauhan. Napakurap siya ng ilang beses. Uh..." Napakagat siya ng labi, pilit kinakalma ang sarili. "W-we have peonies, sir. Pero..." Kumurap siya. Bakit siya ganito? "Whattabout hydrangeas?" "Wala kami pa non," nakagat niya ang pang ibabang labi. Bakit baliktad?! "I meant, wala kami non...ah wala pa kami non," she smiles shyly, inayos ayos ang buhok, natatangahan sa sarili. Magsasalita sana siya ulit para sabihin iyon sa wikang English, baka hindi ito nakaka intindi ng tagalog! "Wala? Isn't this a flower shop?" Sa sagot nito ay muntik ng magusot ang mukha niya. Sounds rude, pero hindi niya pinahalata sa binata na nainis siya sa sinabi nito. Kanina lang guwapong gwupo siya dito. "Our flowers vary depending on the season, sir." She said in a low manner. He nodded repeatedly in agreement with her answer. "Mabango ba mga flowers dito?" Tumingin tingin ulit ito sa mga shelves na naroon, napapangiwi pa minsan minsan na para bang may sakit sa katawan na iniinda. "Oo naman! Kahit po amuyin mo lahat ang flowers ko dito, sir." Sa sinabi ay ibinalik nito ang paningin sa kanya. "Puwede?" "Oo..." "Flowers mo?" His right eyebrow arched, there's a mischievous smile on his face, parang may ibang kahulugan ang sinabi na hindi niya ma gets kung ano. Itinuro niya ang malaking pangalan ng flower shop niya sa malinis na ding ding sa hulihan niya, para ipakita na siya ang nag mamay-ari ng shop na iyon. "There's the name, SIEZEN'S FLOWER SHOP, yup mine, my late grandma named this flower shop after me." Hindi ata tiningan ang shops name niya sa labas bago ito pumasok. "Beautiful" Was his response. Sinilip niya ang mukha nito. "Come again, sir?" Nalilituhan siya sa wika ng binata. "Beautiful ." Ngumiti ang binata na hindi abot sa tenga. B-beautiful? Siya ba or yung name niya? "Ahh yes, true ka diyan." nasabi niya na lang, bat parang ang awkward na? "Cute name." "Oh Thank you sir, bibili pa po ba kayo ng peonies o gusto mong simulan ng amuyin ang mga flowers ko dito para makapili ka na ng gusto mo?" "Sadly, ibang flower ang gusto kong amuyin" sambit nito, parang tunog sadboy. Is it just her? or there's a hint of amusement in his eyes? "Ah sa ibang flower shop ata baka meron" wika niya. "I'll get the peonies, a dozen" May kinuha ito sa pitaka nito at inabot sa kanya ang isang card. "Sure, what kind of arrangement were you thinking of? I can show you the different varieties, and explain their unique qualities and fragrances." Iginiya niya ito sa peonies display. "I dunno, I'm just looking for something special... yung kapag binigay ko sa kanya matutuwa siya." Napa ahh na lang siya sa sagot nito. Taken pala. Naol! "And 'bout the unique qualities of peonies it is often associated with romance and prosperity" Nag thumbs up siya dito. "Exactly, sir!" Tumaas ang sulok ng labi nito pagkasagot niya. She carefully arranged the peonies in a bouquet, nang matapos ay inabot na niya sa binata kasama ang card nito matapos niyang e-swipe. Pagka abot nito ng bulaklak ay inamoy nito iyon, hindi inaalis ang titig sa kanya. Nanliit ang mata niya sa ginawa nito. Bakit parang ang weird ng lalaking ito? On the other hand she's expecting him to leave, but he hands her the bouquet of peonies flowers. Nagtataka siyang inabot ulit iyon. Bakit? Hindi ba nito na nagustuhan ang pagkaka arrange niya? "For you, Siezen..." he sryly smiles after handing her the flowers. "Para sakin?" Nagkatinginan sila, at hindi niya mabasa ang ngiti nitong parang may ibig sabihin pero hindi sinasabi. "It's lovely meeting you," dagdag nito, at bago pa siya makapagtanong, tumalikod na ito at lumabas ng shop. Naiwan siyang nakatayo, nagtataka. "Wait, ano 'yun?!" ................. "WHAT!" Natakpan niya ang magkabilang tenga dahil sa lakas ng boses ng kaibaigan. Pagka uwi niya kanina ay naabutan niya ang kaibigan sa bahay. May pinag awayan ito at ng jowa kaya magtatago daw muna sakanya. Dahil maypagka chismosa silang dalawa ay kinuwento niya ang nangyari kanina sa flowershop. "Yes..." Napasimsim siya sa apple juice niya. "Ano, nalaman mo ba ang pangalan?" Mas lalong lumapit sa kanya ang kaibigan habang yakap yakap ang unan niyang minion style, kilig na kilig ito. Umiling siya. "Naku, sayang!" "Bakit naman sayang? Malay mo dare lang iyon o trip niya lang" sambit niya, possible kaya iyon, lalo na at maraming mga blogger at influencer ngayon ang gumagawa ng mga challenge para maka gain ng views at followers. "Ay truth..." sang ayon nito sa kanya, kinuha ang pancake at saka sumubo. "Pero, of all people? Bakit ikaw? Ateko! May meaning iyan!" Nanlaki ang mata ni Mira Hope, nag titili, na para bang totoo ang na-realized nito. Ngumuso lang siya at hindi ito pinansin, tumayo siya at pinulot ang snacks, doon siya kakain sa loob ng kwarto niya. Ayaw niya na marinig ang delulung si Mira Hope. Lakas maka positive sa iba pero sa sariling relasyon ang gulo gulo. "May meaning iyon, pisot ka! dito ka muna samasamahan mo pa akong mag emote!" "Maya kana mag emote, magluto kana ng ulam natin at hugasan mo iyang mga pinggan," sabi niya bago ito iniwan. Natamaan pa siya sa likod ng unan na binato sakanya ng kaibigan bago umakyat. MIDNIGHT came and she's wide awake, hindi siya makatulog ng maayos dahil naghihilik sa tabi ang kaibigan. Kaya ang ginawa niya ay nagbasa siya ng poetry ni Edgar Allan Poe. "Daig mo pa ang kabayo matulog, ang likot mo!" Tinakpan niya ang mukha nito gamit ang kumot, ayaw matulog ng kaibigan niya sa kabilang kwarto kaya wala siyang nagawa nang magpumilit itong magtabi sila. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa, nasa part na siya ng 'And so being young and dipped in a folly, I fell in love with melancholy' nang tumunog ang notification niya, her eyebrows furrowed as she checked her cellphone. Naka airplane mode ang phone niya kapag gabi dahil ayaw niya ng istorbo, kaya bakit ito tutunog? "Ano 'to?" Curiosity eats her, may nag pop up lang naman sa phone niya na parang site. "Virus ba 'to?" May nakalagay na Ignore at Accept sa ibaba ng maliit na box, hindi niya mabasa ang letters na nakasulat sa information link. Sa pag aakalang baka virus iyon dahil hindi pa siya nakakapag clear cache ay pinindot niya ang Ignore. KINAUMAGAHAN nasa flowershop niya naman siya, nag a-arrange siya ng bagong seasonal flower nang tumunog ang chime sa pinto. Ihahanda niya na sana ang napakabait niyang ngiti, ngunit nanliit ang mga mata niya nang makitang ang lalaki kahapon na binigyan siya ng isang dozenang peonies pala ang pumasok. "Ano po, bibili kana naman ng bulaklak sa akin? Tapos ibibigay mo din naman sa akin? Iiwan mo na naman akong nakatulala?" Mahaba niyang sabi habang pinag kukrus ang dalawang kamay sa dibdib. Nang makalapit ito sakanya ay nagsalita sa mababang tuno, hindi pinansin ang inis niya. "Actually, no... do you have any flowers for the dead? I need some," sa sagot nito ay napatanga siya. "At ano, ibibigay mo sa akin?" Tinaasan niya ito ng kilay na ikinatawa nito ng bahagya. "Baby no, may pagbibigyan lang ako." Her heart thudded at the sound of 'baby.' Was it playful? Or something more? She shook her head-she couldn't let herself overthink this. Kasalanan to ni Mira Hope! "Pag binigay mo ulit sa akin, lagot ka sakin! Ipapa banned kita sa flowershop ko!" Does she sound like mother nagging her son? She hope not. "Oh, is that it?" "Oo, kaya..." Her sentence was cut off by his ringtone. "Fvck!" "Opps, bawal mag mura! baka malasin itong shop ko," she sounded rude, pero wala eh ayaw na ayaw niya makarinig ng nagmumura. Lumaki siya sa pamilyang positive lang dapat ang vibes. "Noted" ngumiti pa sakanya bago sinagot ang tawag, mismo sa harapan niya! "What now?" Hindi sa gusto niyang makinig sa usapan ng iba pero ang ginawa niya ay pinakinggan niya ang pag uusap nito sa kabilang linya. Ito naman ang may kasalanan, naka loud speaker pa tapos parang cool lang na nagsasalita sa harap niya. "We need you, ASAP" "Argh, kapag talaga nag sasaya na ako, saka kayo nang iistorbo," napatingala ito at galit na pinatunog ang dila. "Whatever, T.E.J Condominium, room 341, thanks lord." Iyon ang huling sinabi ng kausap nito bago namatay ang tawag. Nagkunwari siyang hindi nakikinig sa usapan nito at ibinato ang paningin sa mga shelves. "Chismosa" He chuckles before handing her his card. Duh! Siya chismosa? eh sino ba itong nila-loud speak ang cellphone sa harapan niya? Gustong gusto niyang sabihin iyon sa binata pero hindi niya hinayaang manalo ang impulsive thoughts niya. "Sure kang hindi mo ibibigay sa akin ah?" Paninigirado niya, tumango naman ito, at iyon na naman ang pagngiti! "Sure na sure." Umalis na siya sa counter at nagpunta sa shelve para kunin ang bulaklak na gusto nitong bilhin. Nang makabalik sa counter ay wala na doon ang binata. Oh see? Ano ba talaga ang trip ng lalaking iyon? Akala ba nito natutuwa siya? ay hindi! Nag antay siya ng ilang minuto, baka may binili lang o ano. Pero hanggang sa umabot ng kalahating oras ang paghihintay niya ay hindi na ito bumalik. Asar siyang ibinalik ulit ang bulaklak sa shelve. "Ano ba ang trip ng isang iyon? Iniwan pa itong card niya sa akin." to be continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD