"Sa lahat po ng nandito, ang aking mga minamahal na Pine Vines staff, line managers, executives ng buong The Vines, and to all our guests, thank you very much, and I hope ibigay n'yo po ang support na naibahagi n'yo sa akin kay Ms. Enriquez bilang VP of Marketing dahil malaki po ang potential ng batang ito. Kay Frennie na assistant ko, matagal tagal din tayong nagkasama, salamat din sa'yo anak," sabay tingin sa baklang dati ko na rin nakasamang organizer sa Pine Vines. "Alagaan mo si Ma'am Andeng mo ha, anak. Malaki din ang tiwala ko sa'yo at umaasa akong ipagpapatuloy mo ang maganda mong serbisyo kahit wala na ako."
"Opoooo, awwww," sigaw ni Frennie sabay thumbs up, "ako po bahala sa maganda kong bagong boss. Reporting for duty, Madam," malanding sabi nito.
"Andeng, please give us a simple speech." Hiling ni Tatay James.
Sabay baling ni Mr. Aguilar sa'kin at agad namang kinuha ni Blake ang mic pra ibigay sakin habang nagpapahid ako ng luha kaya inibot ko ang mic at oras na ng aking pagtanggap sa posisyong kanyang iiwanan.
"Tatay, bakit po ganun?—kung mawawala ka din lang pwede po bang sa'yo na lang ulit itong posisyon na 'to? Kasi po alam mong hinde ko po ito pinangarap." Paunang salita ko habang lumuluha. "Simple lang naman po ang gusto ko. Alam po ninyo 'yon."
"Anak, kundi lang kami kailangan ng mga anak ko, hinde kami aalis ng Nanay mo." Pabulong na sagot ni Mr. Aguilar.
"Sige po 'Tay, basta lagi mo po ako padalan ng package ha, tapos po lagyan mo ng madaming chocolates." Sabay tawanan ng mga tao.
"Chairman Sebastian, I wish you a happy birthday po, may you have many more birthdays and I pray that God will always bless you for all the good things that you have given to us. Thank you din po sa inyong lahat para sa opportunity na ito. Mula noon hanggang ngayon, sinuportahan n'yo po ako. Tatay, salamat din po sa tiwala, mamimiss po kita ng sobra kayo po ni Nanay Luisa."
"Anak, Papa ang itawag mo sa'kin. Malapit na kitang maging legan na anak." Sigaw ni Mr. Sebastian at muli ay ikisasiya ng mga bisita.
At sa pangalawang pagkakataon ay napansin ko ang pamumutla ni Blake at pawis na pawis.
"Hon, are you okey?" Bulong ko.
Tango lng naman ang itinugon nito sabay sabing baka dahil lamang ito sa nainum niya.
"I hope po na madami akong matutunan sa lahat po sa inyo dahil aminado naman po ako na madami pa kong dapat alamin at pag-aralan sa larangang ito. Sa aking mga staff, kaibigan na itinuring kong second family dito sa Pine Vines, salamat kasi hinde ako makakarating dito kundi dahil sa tulong ninyo. Mahal ko kayong lahat." Palakpakan ang lahat. "Salamat guys, sagot kong dinner ninyo bukas." Sigaw ko sa mic na ikinatuwa ng mga staff kasabay ng palakpakan at sigawan.
"Yahoo!"... sigawan ng bawat staff. "Congrats Madam Andeng."
"Shhhh," saway ko, "call me Andrea, si Tatay James lang nagbansag n'yan."
"Blake, Hon thank you sa support." Nakangiti si Blake pagharap ko at hinalikan ako sa noo.
"Congrats hon," bulong nito.
"Umasa po kayo na gagawin ko ang lahat para sa ikakaunlad nating lahat. Let's continue to work together. Masaya ako at may chance na ako mabisita ang ibang branches, see you soon Las Isla Vines, Vines Grande, Pure Vines, White Vines, Vines Sky, Vines Verde, Happy Vines, Vines Villa at Tiny Vines in the coming days."
"It's time to partiiieeee!" sigaw ni Frennie ang host ng event for tonight. Kaya pala inalis ako sa listahan ng host sa event dahil may mas malaki palang pasabog para sakin.
Pagbaba ko ng stage ay nagkaroon kami ng chance na makapagusap ni Tatay James at Nanay Luisa.
"Nanay," sabay yakap ko sa matanda. "Kelan po ang alis nyo?"
"Sa makalawa na iha. Sinadya naming hinde ipaalam dahil alam naming iiyakan mo ito. Kaya nga lagi na kitang binibista dito para di mo kami masyado mamiss." Dugtong pa nito.
"Anak mag-iingat ha. Kamusta ba kayo ni Blake? 'Di ka ba inaaya pa lumagay sa tahimik?" Tanong ni Mr. Aguilar. "Twenty-six na sya at ikaw naman ay twenty-four. Pede ka na mag-asawa. Established naman na ang The Vines Group kaya kahit e-mail e-mail lang kaya mo imonitor lahat. If you need my help or dvises, call me." Mahabang sabi na ng Itay.
"Di pa naman po nagpopropose 'tay," sagot ko.
"Baka may kinalolokohan na namang bagong babae kaya ganon," nakaismid na tugon ni Mrs. Aguilar.
Ilang beses na din kasi kaming nagkaproblema dahil may pagka chickboy kasi si Blake. Nakokontrol lang din minsan ng amang si Mr. Sebastian. Ilang beses ko na siyang pinatawad at umaasa akong sana ay hinde na niya ulitin pa ngunit sa palagay ko ay may ginagawa naman itong milagro.
Matagal tagal din ang naging pag-uusap namin nila Tatay at Nanay at tulad ng inaasahan ay pagbaba namin sa stage ay bigla na ring nawala si Blake. Iniikot ng aking paningin ang bulwagan ngunit hinde siya maapuhap ng aking mata.
Nasaan kaya? Sa loob loob ko. Malamang kasama si Stella.
Muli na naman akong nilukuban ng kaba pero this time ay sobrang tindi na. Something is really not right. I can feel it. My hands started to tremble. Umaasa akong sana ay mali ang aking iniisip ngunit malakas ang dikta nito na may milagro talagang nangyayari.
Hinde kasi normal na bigla ng lang akong iwan sa gitna ng party lalo at birthday ng ama kasabay ng aking promotion unless may mas importante para dito na mas gusto niyang bigyang pansin. Kahit nahihiwatigan ko na ang masakit na katotohanan ay pilit kong nilalabanan ang aking isipan. Pilit kong sinasabi na mahal ako ni Blake at hinde niya na gagawing lokohin ako ulit.
Sa lalim ng aking iniisip ay hinde ko na din magawa pang magfocus sa mga kausap at balisa kong binabalik-balikan ng tingin ang mga kabuuan ng bulwagan ngunit talagang walang anino ni Blake ang makikita.