bc

The Man for Me!

book_age18+
1.1K
FOLLOW
4.8K
READ
drama
sweet
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

Si Andrea, isang dalagang Filipina, ugaling sinauna sa kasalukuyang panahon. Samakatuwid, virgin at the age of 25, a very finesse woman in this modern time. Independent dahil lumaking malayo sa pamilya na nasa ibang bansa. Successful young Vice President but broken hearted pagkatapos iwanan ng nobyong si Blake at pinagpalit sa kaibigang si Stella.

Si Anton, very hunk, gwapo at moreno. Isa ding lalaking pinalaki ng ina sa makalumang paniniwala. Mechanical Engineering graduate at nagtayo ng sariling talyer. Mahusay sa kanyang larangan. May pagkaseryoso at masungit lalo sa babae dahil sa panloloko ni Eva, his fiancee. Dating masayahin na naging sobrang sungit at misteryoso.

Nagkatagpo sa kasalukuyang panahon ngunit san kaya makakarating ang kanilang pag-ibig base sa kasabihang, "birds of the same feather, flock together".

Minsan sa buhay, hinde lahat ng gusto at pinalano ay nagkakatutoo. Madalas nga nawawalan tayo ng kumpyansa sa sarili kapag nabigo ka sa inaasahan mo.

Sa buhay pag-ibig ni Andeng, kinakaya ang sakit sa pag-iwan ng nobyo lalo pa at malayo sya sa pamilya, si Anton na kaya ang magbigay kulay sa kanyang malungkot na mundo? Sya na rin kaya ang magbabalik sigla sa buhay ni Anton?

chap-preview
Free preview
Pine Vines Hotel
"Tonight, as I celebrate my fifty third birthday and the seventeenth year anniversary of Pine Vines Hotel, Baguio, I would also like to announce the promotion of our beloved Andrea Enriquez from Manager to VP of Marketing for her 6 years of hard work and dedication to this company." Anunsyo ni Mr. Vladimir Sebastian, Chairmain and owner of The Vines Group of Hotel. Ito ay sikat at kilalang hotel chain na may sampung sampung branches sa iba't ibang parte ng Pilipinas, mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Masasabing isa itong five-star hotel na binabalik balikan ng mga lehitimong Pilipino at foreigners na nagnanais magbakasyon saan mang sulok ng bansa dahil sa maganda nitong ambiance, location, and customer service. Ang lahat kasi ng branches nito ay kilala sa magandang pangangalaga sa mga empleyado at kliyente. Napasinghap ako sa di inaasahang promotion na ito. Sobrang nakakagulat. Kasabay ng pagtayuan at palakpakan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga executives ay napatayo na rin ang dalaga. Surprise promotion ito sa kanya ngayong gabi. Ang event ay dinaluhan ng lahat ng matataas na opisyal ng The Vines Group. Una pa lang ay nagtaka na ako ng makita ko ang mga pangalan ng mga bigating tao, dahil pala sa special announcement na ito. "Ms. Enriquez and Mr. Aguilar on stage, please." Patuloy na sabi ni Mr. Chairmain. Hinanap ng mata ko si Mr. James Aguilar na nakangiting sumasalubong sa akin para alalayan ako sa pag-akyat sa stage. Kasunod nito ay inaapuhap din ng aking paningin ang aking nobyong si Blake Sebastian, successful CEO of The Vines Group, ang nag-iisang anak ng Chairman. Hinde ko alam kung namalikmata lang ba ako na makita kong galing si Blake at si Stella na magkasama sa isang madilim na parte ng function room ng hotel. I am wearing a black sleeveless long dress with beads na kumikinang kapag nasinagan ng ilaw. May slit itong hanggang tuhod at ang perpekto ang pagkakahakab nito sa aking katawan. Tinernuhan ko ito ng clover earrings, ring at watch na puti. may dala din akong silver handbag at high heeled white shoes na bumagay sa aking light make-up. Ako lamang naman ang nag-ayos sa aking sarili dahil hinde ako kumportableng magpaayos sa salon. "I would like to give the floor to Mr. Aguilar, a very talented old man who decided to retire and migrate with his family abroad. Sir, maraming salamat po sa dedication ninyo at we wish you the best of luck," sabi ni Mr. Sebastian habang ipinapasa ang mic. "Hello everyone, good evening to all our guests. To all my bosses who trusted me—thank you very much. Sir Chairman, happy birthday po. "Tunay nga namang napakagaling ng ating Chairmain, kundi nga ba eh mageexpand ba ng ganito ang Vines Group kundi din dahil sa puso niya para sa kumpanyang ito, sa pagmamahal sa mga empleyado at sa kanyang mga parokyano. And to sir Blake, our CEO, thank you din, isa siya sa mga itinuring kong anak sa industriyang ito lalong lalo na at nobyo siya ng isa ko pang anak na ubod ng ganda, ang bago ninyong VP na si Andeng." Nakangiting sabi nito habang sinasalubong ang pag-akyat ni Blake sa stage. Ako naman ay di mapigilan ang luha na agad namang pinunasan ni Blake paglapit sa akin. Masyado akong na overwhelmed at malungkot at the same time, dahil naging ama amahan ko si Mr. Aguilar sa anim na taon mula ng magsimula ako dito bilang hotel attendant. "And of course, to Ms. Enriquez, anak, pasensiya ka na at di ko sinabi ang early retirement kong ito, dahil alam kong hinde ka papayag. Alam ko ang nasa isip mo, knowing you,—sabi mo Tay James napakadaya mo at basta mo na lang ako iiwanan. "Alam n'yo po, sa totoo lang, napakahirap ng desisyong ito para sakin dahil mahal ko ang The Vines, especially itong Pine Vines Baguio, dahil dito ko ginugol ang oras ko para makaahon sa kalungkutan kasama ng aking kabiyak, at siyempre nandito ang itinuring kong anak habang nangungulila ako sa mga anak kong nasa US. Ikaw ang nagpasaya sa amin ng butihin kong asawa. 'Di ba sweetheart?" ani Mr. Aguilar sa asawang si Luisa na umiiyak na din sa kanyang upuan. Nakita kong tumango at ngumiti si Nanay Luisa. "Anak alam kong, kaya mo itong hawakan dahil kilala ko ang kapasidad mo. Napakabuti mong bata. You served every customer with true love, na sinamahan mo pa ng sipag. Anak ibubuko na kita hano," nakangiting baling nito sa akin na siya ko na lang ginantihan ng ngiti kahit patuloy pa din ang pagpatak ng aking luha. "Alam nyo po ba na hinde yan makatulog hangga't hindi napapaganda ang ayos at services sa bawat event na meron tayo. Dahil sabi mo, sa bawat occassion dapat memorable hinde lang sa celebrant kundi pati sa mga bisita nila. She is a very good organizer, event host, serbidora pa minsan, and chef all in one. Saludo ako sayo anak, kaya personal kitang pinili sa posisyong iiwanan ko. Di po ba nararapat lang na ang ipapalit ko sa posisyong iiwanan ko ay yung katulad ko din na mapagmahal sa iiwanan mong pamilya? At ikaw 'yun Andeng ko dahil mahal mo ang lahat ng staff natin dito at mahal mo ang iyong trabaho." Nag-approve sign naman ang mga bisitang nasisiyahan sa pakikinig kay Tatay James on stage. "To Sir Blake, salamat anak. Alagaan mong mabuti si Andeng ko at ninong ako sa kasal ninyo ha. Nawa'y maging maligaya kayong dalawa habangbuhay." Dagdag pang sabi nito. Si Blake naman ay namumula at parang biglang pinagpawisan kaya bigla akong kinapitan ng kaba. Dahil kaya sa nakita ko kanina? "Pare, ano ka ba, we are just one call away at 'wag kang mag-alala dahil malalagot sakin si Blake kapag niloko ang mamanugangin ko." Natatawang sabi ni Mr. Sebastion Ako naman ay tahimik lamang at patuloy na umaagos ang luha habang akbay ng kinakabahang si Blake. Ramdam ko ang tensyon sa kanyang katawan. Alam ko hinde matatapos ang gabing ito at siguradong meron akong matutuklasan, Woman's intuition cannot be ignored at minsan ko na din itong napatunayan nuon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook