Patuloy lang kwentuhan sa table at kahit masaya ako ay di mapawi nito ang pag-aalala ko. I know something is really going on.
"Excuse me po, mesdames, sirs, I will just use the comfort room po, and Chairman, I will just check on Blake po. I'll be right back." Paalam ko sa mga executives.
"Sige iha, at kanina ko pa rin siya hinde nakikita," sabi ni Chairman.
Nagmamadali akong tumayo at naglakad papunta sa Veranda, kung 'san ko una silang nakitang magkasama ni Stella, ngunit wala. Sinuyod ko ng tingin ang poolside na nakikita mula dito sa Veranda, madaming staff ang umiinum duon ngunit wala din.
Nagdesisyon akong lumabas ng function hall at bumaba sa reception, dito ay nakasalubong ko sina Eloisa at Bea, mga cleaners sa hotel.
"Girls, nakita n'yo ba si Blake?" Kaagad kong tanong sa dalawa.
"Ah Madam," nagulat ang dalawa ng makita ako. "Congrats po ha," nauutal na wika ng dalawa.
"Thank you pero walang magbabago ha, ako pa dn ito. Ma'am na lang ulit kasi nakakatanda ang Madam.
Anyway, nakita nyo ba si Blake?" Ulit kong tanong.
"Ah ehhh ano po.. Ahhh."
"Hey, what's happening? Magsabi na kayo sakin." Halata sa kilos nila na may itinatago
"Ah ma'am umakyat po." Bantulot na sagot ni Eloisa
"Nasa unit nya?"
"Ah ano Ma'am e, ahhhh," nagtitinginang pag-aatubili nung dalawa.
"Sige na tell me, kasi kanina pa din naman ako nagdududa but I have to know. It's alright girls."
"E Ma'am sa guest room po, nagpaakyat po ng food at wine."
"Kasama ba si Stella?"
"Sabi n'ya po siya lang duon pero nakakarinig po kami ng lagaslas ng tubig kaya alam po naming may naliligo."
"Pakikuha ang susi. Pakibilisan." Nakakanginig ng laman ang aking nalaman.
"Ma'am." Namumutlang sagot ng dalawa.
"Please." Naiiyak kong utos ngunit hinde tumitinag ang dalawa maaaring sa takot.
"Sige kung ayaw n'yo ako na." Nagmamadaling talikod ko at tumuloy sa reception kung nasaan ang duplicate keys.
Napansin kong tumakbo ang dalawa paakyat.
Pagkakuha ng susi ay halos takbuhin ko ang hagdan para lamang maabutan ko yung dalawa at baka sinabihan si Blake ngunit walang katao tao sa hallway.
Room 503, Visitor's Room. Mga letra at numerong mababasa sa pinto.
Panandalian muna akong nakiramdam at dahan dahang idinikit ang aking tainga sa pintuan at sa di inaasahan ay mga halinghing ang nadidinig ko sa kabilang dingding.
Fuck s**t Blake, anas ko habang dahan dahang binubuksan ng susi ang pinto at inihanda ko din ang aking cellphone para makakuha ako ng ebidensya.
Blake, what the hell, malakas kong sabi ng maabutan kong nakapatong ito at walang kumot. Kitang kita ko kung paano niya binabayo si Stella kasabay ng malalakas na ungol nila.
Oh s**t, napatalong sabi ni Blake sa pagkabigla. What are you doing here Andrea?
Napatingin ako sa alaga niyang biglang nahugot sa kanyang kerida. In fairness malaki din pala pero sa tangkad niya hinde ko masasabing naayon ito sa heaight niya. Sabi kasi nila pag matangkad daw ay mas mahaba, pero mali pala yon.
Ikaw gago ka, ano itong ginagawa mo, malakas kong sigaw.
What the f**k Blake, tarantado ka. Nabigla kaming bungad ni Chairman kasama si Tatay James. Si Nanay Luisa naman ay agad akong niyakap at inilabas ng kwarto habang malakas akong umiiyak.
Di magkamalan si Bea at Eloisa sa kung ano ang gagawin dahil sa takot. Hinde naman sila pumasok sa loob at naghintay lamang sa labas.
Anak, calm yourself. Mabuti at tinawag ng dalawang ito si James, kaya lang at nadinig ni Chairman ang sinabi nila kaya napasugod na rin kami dito. Sabi ni Nanay Luisa.
Hinde ko na maintindihan ang nangyayari sa loob ng kwarto pero alam kong nasuntok ng ama ang anak. Kasunod nito ay ang paglabas ng nagmamadaling si Blake.
You stupid wrench, you are fired. sabi ng Chairman sa natitigilan pa ring si Stella na nanatiling nakabalot sa kumot. Leave this place immediately. Ayaw kong makikita ang mukha mo sa kahit saang branch ng The Vines.
Tsaka lamang natatarantang nagbihis ito at lumabas. Well, for your information Chairman, you cannot fire me, dahil hinde ikaw ang boss ko. Matapang na sagot nito habang direktang nakatingin sa akin bago humabol kay Blake.
Aba, at ang bastos ng ....
Pare tama na, ang puso mo, wala ka ng magagawa, nangyari na awat ni Tatay James kaya hinde na naituloy ni Chairman ang sasabihin.
Iha, I'm so sorry for what Blake had done to you. Panghihingi nito ng paumanhin.
Sorry Chairman but this is it, this is our end. Ilang beses nya na po ginawa sa akin ito at huli na po ito. I'm sorry po pero this has to end. Wala napo kami papatunguhan pa.
Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako, mabilis naman akong inakay ni Nanay Luisa.
Nanay magpapahinga na po muna ako sa room ko. Tsaka ko binalingan ang dalawa. Girls, please don't let anyone know about this okey? Salamat sa pagsasabi ninyo sa akin at sa pagtawag sa kanila.
Marahan naman tumango ang dalawa at nagpatuloy na ko sa pagbaba papunta sa staff lounge kung saan kami nakatira.
Masamang masama ang loob ko sa nasaksihan. Bullshit Blake..... Sigaw ng isipan ko.