Sorry na Nay, di napo maulit. Tama naman po kayo di bagay kay madam ang PG. Sa ganda nyang yan, malamang mga lalake ang magutom kakatingin sa kanya. Shhhh talaga ikaw, ano ano sinasabi mo. Sabi ng wag kang casual. Paano ba naman, tingnan naman ang nasa paligid sayo lahat nakatingin, mapababae mapalalake. Oo nga Andeng, napaka amo naman nga kasi ng mukha mo anak. Salamat po Inay. Paglingon ko upang tingnan ang mga tao ay napansin ko si Joey na papasok sa canteen. Joey, tawag ko. Madam, nandyan ka na pla. Hinahanap kita kasi yung pambayad sa talyer ay hihingin ko. Makukuha mo na ba today? Opo, kasi nagtext na kanina, ok na daw. Andeng, maiwan muna kita sandali at kuhanin ko bayad sa kahera. Ay sige po Inay, pakisama po sa bilang itong tatlo. Naku hinde na, para sayo iyan anak. Sa

