Episode 4;
"Jig-eob-i mwoyeyo?" ( What do you do for a living? )Tanong ng isa kong kaklase habang nakangiting nakatingin sa akin.
"Naneun sogieob-eul soyuhagoissda," (I own a small business,)
Halos lahat sa kanila ay napa 'oh' na tila mga naging interesado sa akin, tumingin ako sa homeroom teacher namin pero nakangiti lang ito habang tumatango-tango, mukhang wala lang sa kanya na halos kuyugin ako ng studyante niya.
"Woah!! Dangsin-ui sa-eob-eun mueos-ibnikka? Bol su issseubnikka?" ( Woah!! What is your business? Can we see it? ) Aniya na siyang sinang ayunan ng lahat gayon din ang aming teacher.
Tumikhim ako bago kinuha ang aking cellphone at in-open papunta sa online business ko sa isang online platform bago ito iniharap sa kanila.
"Jeoneun-i onlain peullaespom-eseo Resin aegseseoliui soyujaibnida." ( I'm the owner behind the resin accessories in this online platform. ) Tipid akong ngumiti at hinayaan silang lumapit para tingnan, kahit na si sir Rae Min ay ginawa iyon.
"In a young age, you're already successful." Sambit ni Sir Rae Min, yumuko naman ako at nagpasalamat.
"Eolmana manh-eun eon-eoleul malhal su issseubnikka? Naneun dangsin-i imi uli eon-eoe neungtonghadaneun geos-eul algo issseubnida." ( How many language can you speak? I see that you're already fluent in our language. ) May katarayang sabi ng isang babaeng may mapupulang labi.
"Naneun ne gaji eon-eoleul malhal su issseubnida," ( I can speak four languge, ) matipid kong sabi.
Natapos ang ilang klase namin sa umaga at sinalubong ako ng mga tanong ng aking kaklase, ang ilan sa kanila ay mukhang naiirita na sa ilan naming mga kaklase dahil sa sama ng tingin nito sa akin.
Napatingin ako sa cellphone ko habang bitbit ang aking lunch box na ginawa pa ni Mama dahil nakitang tumatawag si Lea. Mukhang maraming pang-load ang babaeng ito at nakadalawang tawag na siya.
Lunch na din siguro nila dahil alas dose na dito habang alas onse naman sa Pilipinas.
"Jean!!! Nagcheck ako ng OS natin! Ahh!!! Ang daming orders!! OMG!!" Anito habang tumitili mukhang sobrang excited kaya napatawa na lang ako dahil hindi naman bago iyon kay Lea. (OS - online shop)
"Sinabi ko sa kaklase ko dahil nagkatanungan kanina, baka sila iyan. Pinaayos ko na din kay Mama ang location ngayon kaya baka walang kumuha diyan para sa order lalo na't overseas, siguro iyong diyan mismo sa Pilipinas ang umorder, ipaship mo na lang."
Nagusap kami tungkol sa negosyo habang papunta ako sa cafeteria nang mamataan ko kaagad ang aking mga kaklase na kumakaway at sinesenyasan ang upuan sa hilera nila.
"Lunch niyo din ba?" Tanong ko kay Lea bago naupo sa tabi ni Hyun bin, lahat sila ay may kanya-kanyang tray na mukhang galing dito, ako lang ata ang may baong lunch box dito.
"Yep, ikaw? May bago ka na bang friends diyan? May koreano ka na ba? Ireto mo 'ko!" Mahina akong tumawa.
"Nah, I don't have plans like I said. You should eat now, terror mamaya ang teacher mo." Suminghal ito.
"Heh! Ayaw mo lang magkwento! Sige na nga, eat well! Video call tayo mamaya! I miss you!" Binuksan ko ang lunch box ko at tinanggal mga nakalagay doon bago sinagot si Lea.
"Yeah, you too, Lea. I miss you. Bye." Matapos niyang ibaba ang tawag ay napatingin ako sa kaklase ko at nakitang nakatuon ang atensyon nito sa akin.
"Joesong haeyo," ( I'm sorry about that, ) Paghingi ko ng paumanhin. Ngumiti naman sila at umiling.
"Gwaenchanh-a, pillipin-eseo on chingu ya?" ( Its okay, is it your friend in Phillipines? ) Tanong ni Jung Mi.
"Ye, geunyeoneun nae bijeuniseu pateuneoibnida." ( Yes, she is my business partner. ) Napabilog ang labi ng mga ito bago tumango-tango. Mahirap sabihin ang pangalan nila, hindi ako komportable at nahihirapan akong banggitin dahil sa Filipino accent ko.
"Ulineun dangsin-ui jib-e gal gyehoeg-ibnida! gwaenchanh euseyo?" ( We're planning to go to your house! Is it okay to you? ) Tila excited na saad ni Ji Sung, kaagad na kumunot ang noo ko at napahinto sa pagaayos ng aking baon.
"Dangsin-eun uliui ban chingu-igi ttaemun-e uliga dangsingwa gakkawojigileul wonhamyeo ulineun dangsin-i eosaegham-eul neukkiji anhgileul balabnida. Uli moduneun dangsin-ui chingugadoego sip-eoyo, Aen." ( You know we want to be close to you because you are our classmate and we don't want you to feel awkward. We all want to be your friend, Aen. )
Bigla akong nahilo sa bilis nilang magsalita, hindi pa ako masyadong nakakasabay kapag mabilis magsalita dahil nagaaral pa ako ng lengguwahe nila.
Prinoseso ko pa sa utak ko ang sinabi niya bago madahang tumango, its not that bad if they want to know me right?
Ganito siguro dito, sobrang friendly sa mga transferee pero may nababasa ako na kapag bago ka ay hindi ganito iyong matatanggap mong gratitude kaya hindi ako komportable pero dahil magkakasama kami ng matagal-tagal, dapat ay ayos kami.
"Sang-gwan eobsjiman meonjeo eomma-ege malhaeya gess-eoyo." ( I don't mind but I should say it to my mother first. ) Pumalakpak sila at halatang natuwa sa sagot ko.
Nagpaalam ako kay Mama kung pwede akong magdala ng kaklase at kaagad naman itong pumayag, ni hindi siya nagtanong at isa pa sa mukhang excited.
Dati siguro ay hindi na ako magpapaalam dahil bahay namin iyon pero ngayon nakakahiya na dahil nakikitira ako.
Sobrang nakakapagod mag-aral dito, napakatagal ng oras at napakaraming subjects. Halos sampung oras ang klase at nagdidilim na nang makalabas kami. Iba ang schedule sa bawat araw at may mas mailala pa sa sampung oras na klase dahil may labing apat na oras para lang sa pagkaklase, tuwing Martes hanggang Biyernes.
"Hyeonbin-ui jib-i eodi issneunjineun aljiman jib-eul mos bon geos gat-ayo." ( I know where Hyun Bin's house but I think I didn't see your house. ) Ani Soo Hyun, sumakay kami sa bus, may ilang hindi interesadong sumama at may ilang mayroong importante gagawin.
Tiningnan ko din ang OS at tama nga ang sinabi ni Lea na napakaraming order. Sinandal ko ang gilid ng aking ulo sa bintana at sinusubukang isipin kung ilan ang necklace ko para sa resin. Pakiramdam ko kasi ay kulang ang stocks ko at kinakailangan kong bumili.
"Museun saeng-gag-eulhaseyo?" ( What are you thinking? ) Napatingin ako kay Hyun Bin dahil bigla itong tumabi sa akin.
"Amugeosdo," ( Nothing, ) tipid kong sabi at inihilig na lang ang ulo sa upuan.
Nang makarating kami sa bahay ay kaagad silang pinatuloy ni Mama, nang mapatingin naman ito sa akin ay nagkibit balikat lang ako at pumasok sa kwarto.
The room was filled by silence that made me felt that I'm home. I changed my clothes and lay down on my bed. I felt tired after the first day. Kailangan ko pa ng konting adjust sa lugar at sa pagaaral.
I lazily went off my bed before I get my laptop and went outside. Nakahilera sila sa sala habang nakaupo sa sahig at mayroong maliliit na lamesa na nasa gitna ng mga ito, tradisyonal na pagkain ng mga koreano.
"Anak, kumain na kayo. Marami akong niluto dahil sabi mo nga ay may kaklase kang dadating, iyon at sila na ang kumuha sa kusina." Anang sabi ni Mama habang may bitbit na malaking bowl, binaba ko muna ang laptop ko at inilagay sa lamesa ang bitbit nito.
"Ikaw, Ma? Sumabay ka na sa amin." Ngumiti ito at umiling.
"Sasabayan ko na mamaya si Ven, ikaw na lang muna ha?" Tumango na lang ako at naupo sa bakanteng pwesto, katabi na naman ni Hyun Bin.