Co-worker

1111 Words
Episode 8; Ipinatawag ang magulang namin dahil sa nangyari sa cafeteria, si Hyeri ay tila aping-api dahil sa namumula niyang pisngi. Kaya pala pumunta sila Soo Hyun sa classroom dahil pinatawag nga daw ang magulang namin. May pasa sa mukha ang dalawang lalaking nagaway na si Hyun Bin at iyong humaklit sa akin. "I nyeoseog! nae ttal-ege museun jis-eulhaessneunjiboseyo!" ( You brat! Look what did you do to my daughter! ) Sigaw ng nanay ni Hyeri sa akin habang nakakapit sa kanya ang anak niya na umiiyak. "Miseu,ulineun solileul jileuji anhgo igeos-e daehae iyagihal su issseubnida." ( Miss, we can talk about this without shouting. ) Mahinahon pang saad ni Mama mukhang naiirita na dahil sa kakasigaw nito. "She's right, Miss." Pagsangayon ni sir Rae Min. "Bwabwa, geunyeoga nae ttal-ege han jis!" ( Look what she did to my daughter! ) Napabuntong hininga na lang ako at umiwas ng tingin. "Eomma, jebal geuman haeyo..." (Mama, please stop.) "You! Say sorry to my daughter!" Duro nito sa akin kaya kumunot ang noo ko bago tumayo sa aking kinauupuan. "Make your daughter say her apology to me first." Pagsagot ko, kumunot pa ang mukha nito at mukhang hindi naintindihan ang sinabi ko. "Ne ttal-i na-ege meonjeo sagwahage haejwo." ( Make your daughter say her apology to me first. ) Paguulit ko sa sinabi ko. Nanlalaki ang mata nitong muling dinuro ako at nagulat ako ng hampasin ako nito sa braso kaya napangiwi ako at napa 'aray' dahil iyon ang tumama noong hinaklit ako noong lalaki. "Jean, may masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong ni Mama habang sila naman ay awat-awat ang nanay ni Hyeri. "Namamaga ata ang braso ko." Ani ko bago naupo sa upuan at itinaas ang manggas ng aking uniform at nakita ang kulay lila doon. "What happened to your arm?" Seryosong saad ni Sir Rae Min, mukhang nai-stress na sa amin. "Nothing." "Ani, geuneun Aen-eul byeog-e mil-eo neoh-eossda." ( He pushed Aen in the wall. ) Pagsabat ni Hyun Bin kaya nagtama ang tingin namin. "Yeoleobun! Naeil achim na-ege sagwa pyeonjileul jechulhago uli bang cheongsoleulhago halu dong-an sigdang-eul debseubinida." (You students! You'll submit an apology letter to me tomorrow morning, you'll do the cleaning on our room and you will help the cafeteria for a day.) Seryosong sabi ni sir Rae Min. "All of you, you can go home." Walang nakaimik sa sinabi nito ng tumingin ito sa akin. "Make sure your arm is okay." Anito bago kami iniwan doon. Walang imik kaming sumakay sa bus pauwi, nasa likuran namin ang nanay ni Hyun Bin pati na siya habang magkatabi kami ni Mama, wala pa siyang sinasabi tungkol sa nangyari pero alam kong pagsasabihan niya ako mamaya. "Masakit pa ba ang braso mo?" Madahan akong tumango. Napangiwi ako nang hawakan niya iyon. "Alam kong wala kang ginawa, hindi ka naman gumaganti pero mali ang ginawa mo kay Hyeri." Nakaiintindi akong tumango. Maaga ang uwi namin dahil Lunes, nagbabalak akong gumawa ng resin ngayon habang nagaaral. Bumaba kami sa bus at naglakad patungo sa bahay, nahuhuli sila mama at kami ni Hyun Bin ang magkasabay. Sinulyapan ko siya ng tingin at nakitang putok ang gilid ng labi nito. Napatingin ako sa cellphone ko ng magbeep iyon at nakita nag message ni Lea, tinatanong kung nakauwi na daw ako. Hindi ko muna siya sinagot at maguusap naman kami mamaya. "Hyun Bin..." mahina kong pagtawag dito nang makarating kami sa tapat ng bahay. Nakita ko ang pagtingin nito sa akin kaya hinarap ko siya at ngumiti. "Salamat." Hindi ito umimik at nakakunot lang ang noo, hindi naintindihan ang aking sinabi kaya mahina akong natawa bago tinapik ang balikat nito tsaka pumasok aa loob ng bahay. "Ma!! Hindi ako marunong kumanta. Baka mabuhol ang dila ko kapag kumanta ako ng korean!" Atungal ko habang namamaluktot sa sofa dahil naghahanda pa siya ng pagkain. "Anong meron?" "Kakanta, performance sa music! Ugh! Ma! Anong gagawin ko?!" Nabigla ako ng may kumatok sa pintuan namin kaya nahulog ako sa sahig. Saktong pagbukas ng pintuan. "Anong ginagawa mo diyan? Nandoon ang tubig sa banyo, wala diyan." Napairap na lang ako at umupong muli sa sofa. "Uh? Yoli jom gajyeowa, imo." ( I bring some dish, auntie. ) Napatingin ako kay Hyun Bin na may hawak na bowl. "Oh? Gamsahabnida." ( Thank you. ) Pagpapasalamat ni Mama bago tinanggap ang bowl. "Ajig gajima nado jeobsi julge." ( Don't go yet, I will give you a dish too.) Sinulyapan kong muli ng tingin si Hyun Bin bago pumasok sa kwarto ko at kinuha ang aking laptop bago iyon inilagay sa lamesa na katabi ng sofa at tinawagan si Lea. "Ije gwaenchanh-a?" ( Are you now okay? ) Dinig kong tanong ni Hyun Bin bago naupo sa sofa habang ako ay nasa sahig. "Ye, dangsin?" ( Yes, you? ) Malumanay kong tanong habang inaantay na sumagot si Lea. "Hmm.." "Jean!! Ano? Resbakan na ba natin? Kumain ka ba kanina? Hoy!" Napatingin ako sa laptop at nakita ang mukha ni Lea mukhang nagsusulat dahil nakasuot pa ng salamin. "Ayos lang ako, anong ginagawa mo?" Tanong ko sa dito dahil nanatili ang tingin niya sa ginagawa niya. "Assignment lang, iyong teacher naming terror, nakakainis. Ang dami, math pa oh." Anito bago itinapat sa camera ang notebook niya. "Oh? Hyun Bin! Hello!" Anang sabi nito habang kumakaway pa sa lalaki. "Hello," pagbati ni Hyun Bin pabalik. "May putok sa labi, anyare diyan?" Tanong nito ng mapatingin sa akin. "Iyong kanina nga, napaaway din siya." Makahulugan itong tumingin sa akin bago mapanuksong ngumiti. "Hyun Bin, you should learn to understand our language. I'm hundred percent sure that Aen will be happy." Napataas ang kilay ko. "You think so?" Kumunot ang noo ko sa sagot nito pero nanatili ang tingin nito sa laptop. "Of course!" "Hyun Bin, here." Napatingin ako kay mama na may hawak din na bowl kay mabilis tumayo si Hyun Bin at kinuha iyon. "Hi, tita!" "Hello, Lea! Maguusap ba kayo ni Jean sa business niyo?" "Yes po, need kasi ng katulong ni Jean para nga po doon sa business namin lalo na po nagaaral pa kami tapos malayo pa po kaya iyon." Madahan itong tumango. "Hyeonbin-eun?" ( What about Hyun Bin ?) Napatingin kami kay Hyun Bin na hawak-hawak ang bowl na may lamang ulam habang nagtatakang tumingin sa amin. "Oo nga 'no? Jean? Kapit-bahay mo lang naman, kaklase mo pa." Pagsangayon ni Lea. "Hyun bin, nae ttalgwa hamkke ilhaneun geos-e daehae eotteohge saeng-gaghaseyo?" ( Hyun Bin, what do you think on working with my daughter? ) Tanong ni Mama. "Ha? Yongseo?" ( Ha? Pardon? ) Mama explained everything to him about me needed a co-worker and in a second, he just agreed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD