The bully went mad

1306 Words
Episode 7; The delivery man pick up the parcel in the morning before going to school, I also message Lea that we have to increase the price of every resin's because of the shippment and other things. I sent a money on her account for the shipping, hindi pa kami makapag-adjust dahil nga dito pero alam kong soon, kaya na namin. Sabay kaming pumasok ni Hyun Bin dahil nasa bahay na siya matapos kong makapagayos, wala kaming usapan sa pagsabay pagpasok pero siguro intindihan na lang dahil magkaklase naman kami at may tiwala si Mama sa kanya gayon din si Lea. Nalaman ko din na pinakisuyo ako ni Mama sa kanya. Hindi naman ako tumanggi, magsasabay lang naman at advantage sa akin iyon dahil ayokong sumakay magisa sa bus. Hindi na din kasi ako makakasabay kay Tito Ven dahil maaga ang pasok niya sa opisina habang si Mama naman ay nagaaasikaso ng business nila na dito lang din sa Ansan at may itinayo silang shop. Kinausap din ako ni Mama tungkol sa pagkuha ng produkto ko at ibebenta din niya sa shop na tinatayo nila— maging reseller ko. Hindi ko pa napagiisipan dahil kulang ako sa oras sa paggawa lalo na't wala dito si Lea na tutulong sa akin. Kung papayag ako sa gusto ni Mama, I should hire one person who can help me to build the product, se-swelduhan ko na lang siguro pero kailangan pa namin iyong pagusapan ni Lea. Hindi naman palagi ay mayroong bibili at baka malugi kami. Ilang araw ang nakalipas kasama si Hyun Bin na paminsan ay kumakain kami sa pagkain labas, bukod doon ay araw-araw na din kaming sabay na pumapasok at umuuwi. "Haggeub, uli eum-ag sesyeon-eul wihae nolaeleul yeonjuhaeya habnida." ( Class, I need you to perform a song— anything for our music session. ) Natahimik ang buong klase. Hyeri confidently raised her hand like she was excited about the performance. "Seonsaengnim, eotteon eon-eoleul sayonghaeyahabnikka? Hangug-in man?" ( Sir, what language should we use? Only korean? ) Anito bago matalas na sumulyap sa akin kaya kusa na lang tumaas ang aking kilay. Bakit may pagsulyap? Hindi lang siya ang pinoproblema ko, maraming studyante sa mga pagdaan ng araw ang lagi akong binubully at kasama doon ang iba kong kaklase at isa siya doon. Hindi ko alam kung anong problema niya pero nadidinig ko na ako talaga ang pakay nito. Noong nakaraan ay nakita kong may sinasabunutan ito sa kabilang section, walang nakakapigil sa kanya dahil sabi nila ay may kapit ito sa school. "Aniyo, yangsu-in-i iss-eumyeo jojeonghaneun de sigan-i geollibnida." ( No, we have a transferee and it takes time for them to adjust. ) Sumulyap pa ng tingin sa akin si Mr. Kim kaya madahan ko itong tinanguhan. "Geuleona geugeos-eun bulgongpyeonghabnida. uliga geunyeoga sayonghal nolaeleul ihaehaji moshaessdamyeon eotteohge doelkkayo?" ( But that is unfair, what if we didn't understand the song she will use? ) Pagaalburoto pa nito at narinig kong sinangayunan siya ng iba naming kaklase na masama ang tingin sa akin. Mukhang may galit sila sa akin, hindi pa nila ako ginagalaw pero mukhang ayaw nila sa transferee. Ibang-iba sa Pilipinas, karamihan ng mga bagong lipat doon ay hindi ganito ang pagwelcome. "Seonsaengnim, geunyeoneun uli eon-eoe jeog-eunghaeyahaneun salam-ibnida!" ( Sir, she's the one who must adjust on our language! ) Atungal pa nila nang biglang tumayo si Hyun Bin. "Geunyeoegeneun bulgongpyeonghabnida." ( Its unfair for her. ) May kalamigan nitong sabi. Sumang-ayon sa kaniya ang iba kong kaklase bago sila ngumiti sa akin. "Geuleona!" ( But! ) Angal pa ni Hyeri kaya tahimik akong tumayo bago itinaas ang aking kamay. "Hangug nolaeleul buleugessseubnida." ( I'll try to sing korean, sir. ) Natahimik sila. "Are you sure?" Tipid akong ngumiti bago tumango. Ayoko sa gulo, umiiwas ako doon. Hindi magandang tingnan na marami ang magaadjust para sa akin at naiintindihan ko sila. Naramdaman ko ang pagbangga nila Hyeri sa akin habang tinutungo ko ang upuan namin sa cafeteria. Nakita din iyon nila Soo Hyun kaya masama ang tingin nila sa babae. "Wae?!" ( Why?! )Sigaw ni Hyeri kaya nakuha nito ang atensyon ng mga studyante na nasa loob din ng cafeteria. "Wae geunyeoleul ttaelineungeoya?" ( Why are you hitting her? ) Seryosong saad ni Soo Hyun. "Geulaeseo mwo?! Ha!" ( So what?! Ha! ) I playfully smirked. "Ani..naneun geunyeoui chingu-igi ttaemun-e mudneun geos-ibnida." ( No..I'm asking because I'm her friend. ) Aniya. Tahimik ko silang nilagpasan bago inilagay ang aking lunch box sa lamesa at uupo na sana ng may humila ng kwelyo ng aking uniform. "Hyeri-ga neoleul taeugoiss-eo, nyeoseog!" ( Hyeri is talking to you, brat! ) Anang sabi ng lalaking humila ng kwelyo ko bago ako ibinato sa pader kaya nagtilian ang mga studyante. "Ya! Dangsin-eun eotteohgehalago saeng-gaghabnikka?!" ( Hey! What do you think your doing?! ) Boses ni Hyun Bin, dahan-dahan akong tumayo at napasapo sa gilid ng aking ulo at nakita ang gulo sa cafeteria. Nagsusuntukan si Hyun Bin ag iyong lalaki, habang sila Soo Hyun ay kinakalaban ang mga alipores ni Hyeri. Mas matindi pa pala dito kaysa sa Pilipinas. Napailing na lang ako at inayos ang aking buhok bago naupo sa tapat ng aking, lunch box na maagang ginawa ni mama bago ko iyon binuksan. Kakainin ko na sana ng bigla iyong hawiin kaya't natapon sa sahig. Natahimik ang lahat, kahit na ang dinig kong mga sigawan sa mga nagaaway ay nawala din. Tahimik kong binaba ang aking chopstick bago tumingin kay Hyeri na ngayon ay magulo na ang buhok habang nakangisi sa akin. "Ya!!! Dan-won hagsaengdeul!" ( Hey!! Danwon students! ) Malakas na sigaw ng homeroom teacher namin, si sir Rae Min. Bago pa makaalis si Hyeri sa harapan ko ay mabilis kong isinampal sa mukha niya ang cake na kinakain ng katabi ko. "Dangsin-ui jangsoleul algo." ( Know your place. ) Mahina ngunit seryoso kong sabi bago ko kinuha ang lunch box ko at nilinis ang pagkain na ginawa ni Mama. Sinulyapan ko pa siya ng tingin at sarkastikong nginitian. "Aen." Madiing pagtawag ni Sir Rae Min, nilagpasan ko lang siya at umalis na sa cafeteria, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Lea. Nakalipas ang ilang segundo bago niya pa ito nasagot mukhang kumakain din. "Hoy! Napatawag ka?" Bungad nito sa akin, naupo lang ako sa upuan ko bago tumungo. "Lea..niaaway nila ako." Mahina kong sabi habang dinaramdam ang sakit ng tagiliran ko dahil sa pagkakahaltak sa akin. "Ano?! Sinong nagaaway sayo?! Reresbakan ko iyan?! Gago iyon ah! Hindi nga kita inaaway tapos aawayin ka diyan!" Matipid akong ngumiti bago inihilig ang ulo sa aking upuan. "Inaaway mo din kaya ako," suminghal pa ito. "Normal na sa'tin iyon 'no! May masakit ba sayo? Hindi ka naman tatawag kung hindi ka nasakatan, ayos ka lang ba?" Nagaalala nitong saad, nadinig ko pa ang pagtawag sa kanya ng mga kaklase niya na mukhang pabalik na ng classroom. "Yung tagiliran ko, hinaklit nila ako." Nagpapaawa pa ako dito kahit na masakit talaga. Nadinig ko pa ang pagmumura nito sa kabilang linya mukhang handa ng sumugod. "Gago, ipaguidance iyan! Kakausapin ko magulang niyan!" I sighed when I look a glance on my lunch box. "Nagugutom na'ko, Lea. Tinapon nila 'yung lunch box ko." Pagsusumbong ko pa dito. "Bumili ka! Papadalhan kita ng pera, magkano ba? Bilisan mo at nagugutom ka na. Kung nandyan lang ako, hindi kita papakainin lang, sasalpakan ko pa iyang bibig mo." Anito. Napatigil ako may pumasok sa classroom namin at nakita sila Soo Hyun na namumula ang mukha. "Ibaba ko na," matipid kong sabi. "Sandali! Kumain ka na ha? Tatanungin kita mamaya kung nakakain ka na ha? Banatan mo kapag sinaktan ka uli. Maguusap tayo mamaya, ciao!" Mabilis nitong saad bago pinatay ang tawag. I was indeed good to have her. Siya din kasi ang nagtatanggol sa akin noong naranasan ko mabully sa Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD