bc

Mapaglaro(R18) (Completed)

book_age18+
1.9K
FOLLOW
11.6K
READ
family
age gap
pregnant
bxg
male lead
realistic earth
betrayal
Writing Academy
affair
wild
like
intro-logo
Blurb

This contains EXPLICIT s****l SCENES, and a very sensitive theme.

Titus is her Uncle but what happened and they became a secret lover?

Would you risk everything when the truth got twisted? Para kay Roana, hindi... kaya lang mas dumami ang problema. Paano niya haharapin iyon?

chap-preview
Free preview
1
“Di ka naman ganyan, ah?” Kunot noong tanong ni Lucy habang nandoon kami sa cafeteria at ako na hindi pa rin nahihimasmasan. Sinamahan niya akong lumiban sa klasi. At saktong break ng ibang course kaya walang nakakahalata. At masakit pa rin ang ulo ko mula sa inuman kagabi. Magmamadaling araw na ako nakauwi. At siguradong hindi napansin iyon ni Tita Agnes. Ayaw ko kasing makahalata ito. Kahit sabihin pang dahil sa kanya kaya ako nagrerebelde. “Alam mo namang ngayon lang ako nakakapuslit.” Tawa ko rito na sinimangutan niya’t nagbuklat na lang ng libro. Doon ako natulala at tahimik na umiinom ng mainit na kape. Pumipintig iyong ulo ko sa sakit. Nasobrahan nga yata eh. At mamayang gabi may gig na naman kaya siguradong kikirot ng sobra-sobra ito bukas. Sana nga lang... tumigil na. Maaga ang dismissal dahil sa mga activities. Maaga rin akong umalis at iniwan si Lucy na alam kong pipigilan ako. Saka sinilip ang ibang kaibigang na galing sa ibang University. At sumama ulit makipag-inuman. Kakaiba nga lang ngayon at may mga kasamang lalaki. Sabi nila kaibigan lang daw na nakilala sa iba ring University. Halatang mga player. At hindi ko na lang pinapansin lalo na yong isa na kanina pa dikit ng dikit sa akin. Nginingitian ko lang sa tuwing nagpapalipad ng hangin. Nahihilo na rin ako ngunit kahit sabihin pang lasing ay alam ko kung ano ang nangyayari. Sino ba kasing may sabi na nakakalimot? Kakalmutin ko! “Oops, yong kamay mo.” Saway ko at tumungga pa ng isa bago tumungo sa iba pang kaibigan. Rinig ko iyong tawa nito habang nakasunod sa akin. Umiling ako at ngumisi kay Anna, na tinuro pa ang lalaking nasa likod ko. “Di naman siguro bago sa’yo ang ONS di’ba?” Diretsahang tanong nito pagkatapos na makorner ako sa isang tabi. Natawa ako at umiling saka umiwas. Tawa pa rin ito ng tawa at parang asong nauulol at sunod ng sunod sa akin. Naniningkit na rin ang mga mata ko at naglabas cellphone at nakitang maraming miscalls galing kay Tita Agnes. May tatlong texts pa na hindi ko na binigyan ng oras pang buksan. Naupo ako sa tabi ni Leslie at nakacross arm na nag-abot muli ng inumin. Tumabi rin si Andrei... nagpapalipad hangin. Sa inis ko e hindi ko ito pinansin at sinilip na lang ang text ni Tita Agnes na nagpawala sa kalasingan ko. “Oh?!” Gulat na tingala sa akin ni Leslie. “I need to go!” Natatarantang alis ko roon. Mabuti at nakuha ko pang bitbitin ang bag bago naghanap ng taxi at nagpaturo sa Medical Hospital. “Lasing ka ba?!” Sigaw ni Tita Agnes sa gitna ng hallway nang nakarating ako roon. Umiling ako at naghanap ng numero. Nagbabakasakaling baka hindi naman ganoon kalala ang nangyari kay Lola. Sana lang... “Letse! Lasing ka ba?!” Ulit pa nito. Kumunot lang ang noo ko at hindi pinansin ang paghihisterikal nito. Kung noon ang dali-dali ko lang maapektuhan. Ngayon... pakialam ko sa kanya? “Si Lola?” “Pesti kang bata ka! Kailan ka pa natutung maglasing?! Hanggang dito amoy na amoy ko iyang alak mo!” Sabunot nito sa sariling buhok. Kunot pa rin ang noo ko. “Tita, si Lola?” Ulit ko rito. Mas lalo itong namula at lumapit sa’kin. Halata ang init ng ulo at inis nang hinila nito ang buhok ko. Pumikit lang ako nang mariin. Ayaw kong umiyak. Mabuti at lango pa rin ako ng alak kaya kahit papa’no hindi ko gaanong nararamdaman ang anit. “Hindi mo kailangang malaman! Mali kong ipaalam pa sa’yo! Umuwi ka! Umayos ka ah!!” Oo ramdam ko iyong gigil niya. Tiniis ko. At nang bitawan niya ako ay tumalikod ako at umalis. Pagkarating sa bahay ay nag-impake na kaagad ako. Naghanap ng flight pauwi ng probinsya. At nagbook sa pinakamalapit na oras. Limang oras mula ngayon, aalis na ako rito. Dito sa bahay na puro kasinungalingan lang naman. Isang bagahe ang dala ko. Personal na gamit at kung ano-ano pa. Itinext ko rin si Lucy na titigil na ako sa pag-aaral. Ayaw ko na rito. Mas mabuting umuwi. Mas panatag ako roon. Pinilit ko ang sariling mahimasmasan. Nakadalawang kape yata ako bago naligo. Inamoy ko rin ang sarili. At nagpabango bago umalis. Nagpaturo ako sa airport. Chinat ko pa ang pinsan kong nandoon at magpapasundo ng madaling araw. Hindi lang ako sigurado kung nabasa ba nito. O kung hindi man. Alam ko kung saan uuwi. Alas cuatro nang bumaba ang eroplano. Nang nasa lobby na ay sinilip ko ulit ang chat. Mabuti at gising pa kaya alam kong nandiyan lang iyan sa labas. At sakto nga... si Ren-Ren. Nakatayo malapit sa isang puting adventurer. Nakapamulsa at mukhang di na naisipang magbihis. “Bakit naman biglaan?” Tanong nito kaagad habang niloload sa likod ang kaisa-isang bagaheng dala ko. Ngumiti ako at hindi ito sinagot. Pumikit ako sa passengers at narinig na lang ang buntong hininga nito. “Galit ka pa rin ba?” Bulong nito. Dumilat ako at tumitig sa kanyang nagpupull over na. Nagsituluan iyong mga luha ko habang nakatitig sa kanya. Naiiyak nga rin siyang nakatitig sa akin. Pero hindi na nagkomento. Siguro alam naman niyang kailangan kong mapag-isa. Kailangan kong mag-isip. At tanging ito lang ang nakakaalam sa nalaman ko. Wala akong mapagsabihan. Wala akong mapagtanungan. Ganoon din si Lola. Ayaw ko kasi natatakot akong baka magsisinungaling din ang mga yon. Kahit papa’no alam ni Ren-Ren ang takbo ng isipan ko. “Matulog ka muna, mukhang hindi ka pa rin okay. Ako na ang bahalang magpapaliwanag sa bahay.” Tumango ako at pinunasan ang luha bago pumikit. Kailangan ko nga iyon. Ang dami-dami kong iniisip. Pagkatapos ang malala pa ay nag-aalala pa rin ako hanggang ngayon sa kalagayan ni Lola. Siguro hindi naman ganoon kasama? Di’ba? Kasi hindi naman uunahin ni Tita Agnes iyong paghihisterikal nito kanina kesa sa buong kalagayan ni Lola. Hapon na yata ako nagising. Malambot ang kama at medyo makulimlim ang labas ng bintana. Siguro uulan. Nag-ayos lang ako sandali at sinilip ang cellphone. Maraming tawag, galing sa mga iniwan kong kaibigan. At syempre kay Lucy na nagtext pa at nagtatanong kung bakit kailangan kong tumigil gayong isang sem na lang ay magtatapos na kami. Sinabi ko na lang na nagkaproblema at kailangan kong umuwi. Mukhang naiintindihan naman nito. Pero pinipilit pa rin akong bumalik sa eskwela. Kaya lang. Desidido na kasi ako. Bukas na bukas nga ay aalis na ako rito. Doon ako sa Caria, makikitira muna kay Tito Titus. “O, okay ka lang?” Gagap ni Ren-Ren nang nagkatagpo kami sa baba ng hagdan. Ngumiti ako at binati si Manang na nagulat na nandoon ako. Nakita ko rin ang isang pinsan na napakurap habang nakatitig sa akin. Ito kasi ang mga panahon na hindi talaga pwedeng umuwi rito. Hindi pa school break kaya hindi pwede. Sabay kaming kumaing tatlo. Meryenda sa kanila samantalang almusal at pananghalian sa akin. “Biglaan naman yata, Roana... nagulat ako sa’yo.” Komento ni Tarhata habang nagpapahid ng palaman sa dalawang pirasong bread. “Ako nga rin.” Natawa na rin ako. “Okay naman daw si Lola. Medyo sumikip lang ng kaonti ang dibdib. Pero stable na at hindi naman gano’n kalala.” Balita ni Ren-Ren. Ngumiti ako at napanatag. Wag nga lang sanang maghanap ito sa akin. Ah! Hindi naman siguro. Kasi kung ipagkukumpara ko si Tita Agnes at Lola, mas strict si Tita Agnes... bawat galaw ko pinagbabawalan nito, simula pagkabata. “Aalis ka?” Nagtatakang tanong ni Tarhata nang nakwento ko sa kanyang baka huling gabi ko na ito ngayon. Aalis ako bukas na bukas din. At pupuntahan ko si Tito Titus. Medyo close kami noon kesa sa ibang mga Tita at Tito. Wala ngang nakakaalam na nasa Caria ito maliban sa akin. Nagsumbonng no’ng nakaraang buwan at sabi ay wag daw akong maingay. Sige, hindi ko ipagsasabi... pero ang kapalit dapat patirahin nito ako roon. “Sayang naman kung ganoon.” Malungkot na saad nito, “Saan mo ba balak magpunta? Hindi pa naman sembreak ah?” Nagtatakang dugtong nito. Ngumiti ako nang tipid at sinagot siyang, “Magbabakasyon lang, ano ka ba... babalik din ako kaagad.” Nakontento rin yata ito at maliban kay Ren-Ren na nagdududa sa sinabi ko. Kumibit ako at maagang nagpahinga. Sinigurado ko lang na tulog pa ang lahat bago ako umalis doon. Nagpahatid lang ako sa port at sumakay ng bangkero, at mabuti ay may maagang byahe kaya nakaalis kaagad ako bago man lang nagkaroon ng signal. Makakalaya na ako! Iyon kaagad ang dumaiti sa isipan ko. Makakalaya na ako! Ang saya-saya ko. Pagkababa sa dulong port ay nagtawag naman ako ng tricycle at nagpaturo sa isang sitio. Ito ang eksaktong sinabi sa’kin ni Tito Titus noon. Hindi lang ako sigurado kung mahahanap ko kaagad ang tirahan nito. Ang importante, nandito na ako. “Ah, excuse me po. May alam po ba kayong nakatirang Titus dito?” Kalabit ko sa isang Manang na bumibili ng tuyo sa isang maliit na tindahan. Kumislap ang mga mata nito at tinuro ang itaas na bahagi ng Sitio. Kapansin-pansin ang nag-iisang 2 storey house, malayo sa dikit-dikit at gawa sa kawayan na mga bahay. Malayo pa... kaya naghanap na naman kaagad ako ng masasakyan at pakyaw na nagpahatid doon. Malayo pa lang alam kong nandito si Tito Titus. Amoy na amoy ko siya. Iyong amoy ng mga punong ginagawang muwebles. Ganoon na ganoon. Kakapindot ko pa lang ng doorbell, dito sa gate na ilang hakbang pa ang layo sa malaki nitong bahay ay nagpakita na kaagad si Tito Titus. Hubad ang pang-itaas na damit. At may pasan-pasan na mahabang puno. May mga kasama rin ito. Kagagaling yata sa kabilang ibayo. Malapit doon sa malagong kagubatan. “Roana?!” Namimilog ang mga mata nito nang lingunin ako. Ngumiti ako at kumaway. Pawis na pawis si Tito. Mukhang galing sa trabaho. “Roana?! Niece, ikaw nga!” Ngising-ngisi ito nang binitawan ang pasan na agad na kinuha ng isa. Agad siyang lumapit sa gate at pinagbuksan ako sa adjacent. Kinuha kaagad ang bagahe ko at napatitig pa ito nang matagal sa akin. “What are you doing here? I wasn’t expecting for your presence!” Halata naman ang galak sa boses nito kahit sabihin pang hindi nito ako inaasahan. Ngumuso ako at tumitig sa isang binata na kasama pala ni Tito Titus kanina. Umiwas ito at nahihiyang napakamot pa sa pisngi. “May sasabihin ako Tito... but don’t get mad, ha? Pero doon na sa loob.” Anyaya ko. Kumunot naman ang noo nito ngunit nasunod din ang gusto ko. Naiwan ang mga kasama nito at nagpatuloy sa pagpasan ng iba pang puno. Ni hindi niya man lang nilingunan. Suplado talaga!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
473.2K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
293.7K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
866.2K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook