Brayson:
It's a secret
Just make him tell the truth
Jae:
What truth?
Brayson:
I don't know
Attend then you'll know
I tried provoking Brayson more to explain what he's saying pero hindi na s'ya nagreply. Kaya hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung sinabi n'ya. It looks like he was going to say something but he stops himself before doing so.
Announcement. What could possibly Haru's announcement na need na nandoon talaga ako? Am I somewhat involve? Saan naman? Halo ang nararamdaman ko, I feel like it's a surprise pero may nararamdaman din akong hindi maganda. What if I ask him? Sasabihin kaya n'ya? Kaso lang baka kung malaman n'ya na may alam ako, kung ano man yung dapat n'yang i-aannounce sa araw na yun ay hindi na n'ya ituloy pa.
"I don't have any idea kung ano yung sinasabi n'ya. I'm sorry girl I can't help you with that one." Sino pa nga ba ang malapit kay Brayson, at ang malaki ang posibilidad na sabihan n'ya ng sikreto? It's none other than Hestia. Pero ang malaman na wala s'yang kaalam alam sa sinasabi ng dating kasintahan ay nangangahulugan lamang na seryoso ang sikretong yun. At dahil d'yan, mas gusto kong malaman kung ano yun.
"It's just, it keeps bothering me you know?"
"Well girl, if it's bothering you then sabihin mo na kay Haru?" I sighed, that's what I'm also thinking but, he got a lot on his plate right now.
"Art is missing Hes, and your ex Brayson is also nowhere to be found. Two of his closest friends are gone right now." Kinagabihan matapos ko makatanggap ng message sa dalawa n'yang kaibigan, nalaman ko na lang na nawawala si Art, and si Brayson naman ay hindi rin alam kung nasaan. Pero dahil nalibot na halos lahat ng pwedeng puntahan ni Brayson at hindi pa s'ya macontact, isa lang ang ibig sabihin no'n, wala na s'ya sa bansa.
Hindi na rin naman daw nagulat si Haru dahil gawain naman talaga yun ni Brayson every time na may problema s'ya. Sana all I guess? Tamang punta lang sa ibang bansa kapag may problema. On the other hand, Art's disappearance is unusual. He's always the happy go lucky guy kaya ang biglaan n'yang pagkawala ay nakakaalarma.
And I think I know the reason why. Szaniah already told him everything, kung bakit bigla s'yang hindi na nagparamdam. At mukhang hindi naging maganda ang resulta nito.
Hindi ko tuloy s'ya gaanong nakausap kahapon. He's stress and he needs someone beside him right now, too bad I can't be that person for now. Idagdag pa na hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin s'ya para magpagaling.
"Well I don't care about him anymore so yeah. Anyway, nakita mo ba si Szaniah kanina? She looks like she's not herself today." Hindi pa siguro alam ni Hestia ang tungkol kay Art at kay Szaniah kaya s'ya nagtataka.
"Art happened."
"Huh? What about him? Oh is she upset because he's missing or... May nangyari between them kaya s'ya biglang nawala?" As expected from her, alam n'ya agad ang mga posibilidad.
"The latter one," bumuntong hininga ako at tumingin sa tahimik na Szaniah sa gilid. "She rejected him. No, she ghosted him then came back to reject him." I don't want to sugar coat her doings and alam din naman n'ya sa sarili n'ya na may mali s'ya do'n.
"No wonder bigla na lang s'ya nagdisappear. Imagine being the other guy on your friend's relationship, then now nareject s'ya ng taong gusto n'ya? Naiisip n'ya siguro ngayon na karma n'ya yun." Sumang-ayon naman ako sa sinabi n'ya.
Sabay kaming bumuntong hininga kaya napatingin kami sa isa't isa at nagtawanan.
"Hoy yung nga upuan igilid n'yo na tapos yung mga magbibihis, magbihis na para hindi na kayo magahol pa mamaya. Gusto pa naman no'n na agad agad magsisimula." Tumalima naman ang mga agad kamu at pinanggigilid na ang mga upuan.
Ilang minuto lang ang pagitan pagkatapos mag-ayos ng mga kaklase ko at ng pagkakagilid ng mga upuan nang pumasok na si Ma'am.
"Oh sino na agad yung sunod, pumunta na sa gitna. Magsisimula na tayo agad para makadami ng matatapos." Kinabahan ako bigla at baka abutin ako. Sana lang ay sumobra sa oras ang mga kaklase ko dahil kung hindi, at inabot ako, wala na bagsak na ako.
Hindi ko dinala ang damit ko ngayon since I was confident naman na hindi ako maaabutan plus distracted talaga ako kaya nawala din sa isip ko ang posibilidad. Bukod doon hindi ko pa masyadong napractice ang script na" ginawa ko.
Jae ano bang ginagawa mo? Magseryoso ka nga
Mahina akong nangako sa sarili na kapag hindi ako naabutan ngayon ay aayusin ko talaga at ippractice mamaya pag-uwi ng bahay.
"Ibarra nasaan ka na ba mahal ko?"
I'm not surprised when almost all of my girl classmate chose Maria Clara to portray. I believed na inakala nilang s'ya ang madaling isabuhay kumpara sa ibang mga character kaya s'ya ang pinili nila. Hindi nila napaghandaan na ang emosyon ang tamang i-ensayo sa pagiging Maria Clara kaya karamihan sa mga kaklase ko ay nakita ko ang kawalan o kulang sa emosyon. Kaya ang ending, nagiging bland ang buong pagtatanghal at nagmimistulang umaarte lang sila dahil yun ang dapat, hindi dahil yun ang kinakailangan.
Looks like hindi lang pala ako ang nakakapansin noon sapagkat narinig ko ang mahihinang komento ng iba kong kaklase.
"Wala akong maramdamang emosyon sa kanya"
"Oo gagi sayang, ang ganda na sana nagkatalo lang talaga doon sa emosyon"
Patingin tingin din ako sa aming guro para makita ang reaksyon n'ya. Hindi naman mahirap basahin si Ma'am dahil halata sa kanya kapag gustong gusto n'ya yung nakikita o nakukulangan s'ya.
Nilibot ko ulit ang paningin naman sa mga kaklase para mag-obserba nang mapadpad ito sa pwesto ni Gael. Hindi ko alam na nakatingin na pala s'ya sa akin kaya napakurapkurap ako nang saktong tumama ang paningin ko sa kanya. Matagal ang naging pagtitigan namin, walang gustong pumutol. Pumangulambaba ako at ginilid ang ulo, doon s'ya napakurap at umiwas ng tingin.
What's with you hmm? Kahit na hindi na ako masyadong nalapit sa kanya since I think hindi na tama because I like someone else na, napapansin ko pa rin ang patingin tingin n'ya sa akin at ang mga awkward na pakikipag-usap n'ya. I'm familiar with this gesture of him. Ganito s'ya sa aking nung mga panahon na... gusto namin ang isa't isa.
Sana hindi, sana mali ako ng hula. Kung tama ako, bakit ngayon lang? Nahuli na s'ya, wala na akong nararamdaman pa. At kilala ko ang sarili ko, kapag wala na wala na talaga, imposible nang bumalik pa lalo na kung may iba na.
Natigil ang pag-iisip ko sa kanya nang magpalakpakan na ang mga kaklase ko. Pupunta na sana ang susunod nang pigilan ito ni Ma'am kaya tahimik na napayes ako.
"Okay sila na lang muna ngayong araw. Bukas walang magdadala ng damit, itutuloy natin ang monologue sa susunod na araw dahil magkakaroon ako ng observation kaya inaasahan ko ang kooperasyon n'yong lahat, yun lang salamat kumain na kayo." Sa pag-alis ni Ma'am, rinig ang masasayang tinig ng mga kaklase ko at s'yempre kasama na ako doon.
"Jae tara."
"Huh?"
Hinila ako ni Hestia papunta sa upuan ni Szaniah.
"Szaniah."
Nag-angat s'ya ng tingin sa amin ata agad iniwas nang makasalubong namin ang kanyang mga mata. Namamaga ito at medyo namumula, umiyak s'ya.
Kinuha ni Hestia ang upuan sa gilid at umupo sa tabi n'ya. Sinensyasan naman n'ya ako na gawin din kaya umupo din ako sa tabi.
"Tell us what happened."
"No, no, kumain na lang kayo please. Okay lang naman ako." Umirap naman si Hestia at pinilit n'yang iharap ang mukha ni Szaniah sa amin. Napakamot kamot naman ako ng ulo sa harsh na paraan n'ya.
"We're your friends, and we're the one who put you in that situation kaya sabihin mo kung anong nangyari," utos n'ya.
Bubuka pa lang ang bibig ni Szaniah nang nauna pang tumulo ang mga luha nito kaya agad s'yang niyakap ni Hestia. Lumapit pa kami sa kanya nang kaunti para maiwas sa mga mata ng mga kaklase namin na siguradong mang-uusisa.
"H-hindi ko naman s-sinasadya na masaktan s-s'ya," panimula n'ya. Sa pag-iyak n'ya, hindi s'ya tuloy makapagsalita nang maayos dahil nauuwi ito sa hikbi.
"Shhh shhh umiyak ka muna, tapusin mo muna ang mga luha mo para maayos ka naming makausap." Tinahan tahan s'ya ni Hestia samantalang ako naman ay nagtitingin tingin sa paligid para masigurong walang ibang makakapansin ng nangyayari dito. The last thing we want for Szaniah ay ang pag-usapan s'ya.
Pagkatapos n'yang umiyak doon na n'ya tinuloy ang pagkukwento.
"Masakit kasi naiintindihan naman n'ya kung ano yung sinasabi ko at ina-assure pa ako na okay lang, kasi hindi yun okay! I lead him on then suddenly poof! I was gone for days." I was shocked to hear na mahinahon lang ang naging tugon ni Art, knowing him, magtatanong s'ya nang magtatanong hanggang sa makuha ang gusto n'yang sagot.
"We even agree to be just friends! Tapos kinagabihan nagulat na lang ako nang malaman na nawawala s'ya. Lahat ng chats ko sa kanya ay hindi delivered, siniguro n'ya talagang walang makakacontact sa kanya, lalo na ako." Yumuko s'ya at bumuntong hininga.
"Base sa mga sinabi mo, 50/50 ang chance na dahil sayo ang pagkawala n'ya. It's either okay lang talaga sa kanya yung nangyari sa inyo at may iba pa s'yang problema, or sinabi n'ya lang na naiintindinhan ka n'ya pero hindi talaga." Tinapik tapik n'ya ang likod ni Szaniah.
"I suggest na wag mo muna isipin yun, dahil hindi nga tayo sigurado sa totoong dahilan. And Haru is looking for him 'di ba?" Tumingin sa akin si Hestia kaya tumango tango ako. "Ngayon, ang intindihin mo ay ang monologue natin, saka na s'ya. He'll be okay I assure you," dagdag pa n'ya.
"Bakit wala kayong sinasabi sa akin? Bakit hindi n'yo ako sinasabihan na nagkamali ako?" tanong n'ya sa amin.
"Hindi na naman dadagdagan pa ang sama ng loob mo saka, ang pagkakamali mo lang naman ay ang hindi mo pagsabi sa kanya agad but that's understandable." Nginitian ko s'ya at hinawakan ang kamay upang pisilin para maparating na okay lang ang lahat.
"And duh! Kami ang kaibigan mo dito, pake ba namin sa kanya JOKE HAHAHAHAH." Napailing iling na lang ako sa kalokohan ni Hestia.
"Salamat guys." Tumayo kami at niyakap s'ya nang mahigpit.
Magiging okay lang ang lahat.
Nakakunot ang noo ko pagka-uwi nang makita ang maraming message galing kay Haru. Hindi na kasi ako nag-online pa kanina dahil naging busy ako obserbahan ang mga kaklase at iniisip ko rin ang kaibigan si Szaniah.
"Oh! Wag ka munang magcellphone d'yan, kumain ka muna." Tatanggi pa sana ako pero pinanlakihan na ako ng mata ni mama kaya no choice na ako kung hindi ibaba muna ang phone at kumain.
Hindi ako makakain nang maayos dahil iniisip ko kung anong dahilan ba't ganoon karami ang message ni Haru. And I can't feel any good news about those messages. Since I can't eat properly, konti lang ang nakain ko na hindi naman napansin ni mama dahil ang mata n'ya ay nasa telebisyon.
Hinugasan ko muna ang mga pinagkainan namin para hindi na ako abalahin pa ni mama mamaya, at nag-ayos na rin ako ng sarili bago ko hinawakan ang phone.
Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagkatapos ko makita ang mga message n'ya. Matutuwa ba ako? Mababahala? Malulungkot? Mukhang malabo na matuwa ako kung ganitong kaba ang nararamdaman ko.
Paano mo naman kasi malalaman Jae kung hindi mo bubuksan?
"Here goes nothing," bulong ko sa sarili. Binuksan ko na ang phone at hinintay ko munang pumasok lahat bago ko pinindot ang pangalan n'ya.
Haru:
Babe?
Babe I need you
Alam kong nasa school ka now but I'm hoping na makita mo 'to
We found him, we found Art
And he's not okay baby
He did something bad
He's in comatose
He's not yet waking up
Babe what if I lose him?