"May balak ka bang ipaalam kay Szaniah about sa nangyari kay Art?" tanong ni Hestia.
"Wala, alam mo namang sinisisi n'ya na ang sarili n'ya sa pagkawala nito, tapos ngayon malalaman n'ya na binalak ng lalaki na magpakamatay? Walang maganda na maitutulong yun sa kanya." Sumang-ayon naman s'ya sa akin at hindi na nagsalita pa.
Kagabi ay hindi ko inaasahan ang mababalitaang naganap. Art was found unconscious at nalamang na-overdose ito sa gamot kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya nagigising. Haru was so worried na siniguro n'yang magkalapit sila ng kwarto para mabantayan n'ya ang kaibigan. At hanggang ngayon ay hindi pa rin macontact si Brayson para sana mapaalam ang nangyari.
Of course it's alarming, gaya nga ng sabi ko, he's always all smiles at ang malaman na ganito ang kalagayan n'ya ngayon ay nakapanghihina. And now it's confirmed, Szaniah has nothing to do with this. Art has a bigger problems and getting rejected isn't enough for him to do such horrendous act, not that I'm invalidating his feelings but how could you harm yourself because of someone you didn't even met yet? It doesn't make sense at all.
"How about your man? How is he holding up? I mean he's alone right now."
"I don't know, I want to go to him naman but I can't. Malayo s'ya at imposible na mapuntahan ko s'ya nang hindi nalalaman ng mga magulang ko." Isa pa 'to, kahit na gusto ko s'yang samahan ngayon dahil kailangan n'ya ng karamay, hindi ko magawa.
He knew naman that I have strict parents, he can't even send me gifts na gusto n'yang matanggap ko kasi pinipigilan ko. The flowers on Valentine's day is one thing, but receiving something frequently will raise questions I couldn't even answer. Hindi ko kayang isugal ang kung anong meron kami para sa mga materyal na bagay na maaaring makaputol sa koneksyon ko sa kanya sa oras na kami ay mahuli.
"What if sumama ka sa akin sa check-up ko? Wala ako kasama gano'n? Alangan namang hindi pa pumayag si tita n'yan?" Minsan nawawala sa isip ko ang karamdaman ni Hestia kasi kung titignan mo lang naman s'ya, wala kang mapapansin na kakaiba, hindi sasagi isip mo na nahihirapan na pala s'ya.
"I don't want to risk it girl saka it's hospital, my mother wouldn't let me go there. She believes na madaling makakuha ng mga sakit sakit doon." Ayan ang sabi ng nanay ko nang minsan kong sabihin ang pangarap na magtrabaho sa medical field. Hindi raw ba ako natatakot sa mga sakit na maaari kong malanghap doon?
"Ganyan din sabi sa akin ng mommy ko, no choice lang talaga kami since need ko yung check-up." We both sigh as a sign of hopelessness.
"Anong nangyari kay Art?" Sabay kaming lumingon at nagulat nang makita si Szaniah na nakatayo malapit sa amin. She's looking at us confusingly, and mad.
"Szaniah.."
"What happened to him? Bakit wala kang balak ipaalam sa akin Jae? Don't you dare lie to me." I looked at Hestia for help and she just nod at me. Mariin akong pumikit at binuka na ang bibig para sabihin.
"He's in the hospital, unconscious..." I started, walang nagbago sa reaksyon n'ya. "He tried to end his life by overdosing," pagpapatuloy ko.
"At bakit wala kang balak sabihin sa akin yan?"
"Because you might blame yourself okay? We don't want you to think na it's your fault-" pinutol n'ya ang sasabihin ko.
"Is it my fault?" tanong n'ya.
"Of course not!" sagot naman ni Hestia, na ngayon lang nagsalita galing sa pananahimik n'ya.
"Hindi naman pala eh. There you guys said it, anong mahirap d'yan? Itatago n'yo pa." Tinalikuran n'ya kami at naglakad.
Nagtataka naman akong napatitig ma lang sa likuran n'ya habang papalayo s'ya sa amin.
Something's off, what's wrong with her?
"Wait, yun na yon? Walang iyakan? Or kahit anong drama? She's acting weird Jae." Mukhang pareho pa ata kami ng iniisip ni Hestia.
"Maybe she's in denial..." mahinang sambit ko.
We don't know what's going on with her mind but one thing is for sure, it's not good.
"Guys announcement! Eyes up here!" Naagaw ng presidente naming si Aneesa ang aming atensyon nang pumunta s'ya sa harapan.
"It looks like we don't have any class for today, it's not yet confirmed pero narinig ko na magkakaroon daw ng meeting lahat ng teachers." Huh? Meeting lang naman, eh bakit n'ya parang sinasabi na lahat wala?
"Bakit? May meeting ba na tumatagal nang ilang oras?"
"I honestly don't know pero ang sabi sabi may inaayos ata silang internal problems ng school kaya magiging busy ang mga teachers pagkatapos ng meeting." I might be lying kung sasabihin ko na hindi ako natutuwang walang klase, kasi natutuwa talaga ako.
I don't think I have the capacity to concentrate today, especially with the happenings around us.
Binuksan ko ang phone only to see na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagrereply si Haru sa messages ko kanina.
Jae:
Good morning! Pls start your day with a smile hmm? I'm worried about youuuu. Everything will be alright don't worry okay?
At dahil d'yan, hindi ko na alam ang mga nangyayari sa hospital. Maayos na ba s'ya at medyo malapit nang i-discharge? Gumising na ba si Art? Nakita na ba nila si Brayson?
Andaming tanong ang patuloy na umiikot sa utak ko, at ang makakasagot lamang nito ay s'ya at wala ng iba pa, dahil s'ya ang kaibigan.
Then my mind wanders back to the conversation I had with Brayson. Hindi ko na 'to masyadong naisip dahil nga sa situation ngayon. Haru is rich rich, and if tama ako ng hinala, I think his family is old rich.... And he has foreign blood which is Japanese.
Saan ba patungo 'tong pag-iisip na 'to Raelyn Jae?
But, alam ko na same as the Chinese people, Japan also has this same tradition to them which is the...
"Jae don't go there. Stop thinking things! Kakabasa basa mo yan ng mga fictional novels eh!" Pagkakausap ko sa sarili ko.
"Hala s'ya naboang na, kinakausap na ang sarili."
Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagkakasabi ko. Nilingon ko ang kaklaseng nakarinig at binigyan ng awkward na ngiti.
Tama nga ang sinabi sa amin ng Presidenteng si Aneesa, wala kaming teacher na pumasok at isang estudyante lang ang pumunta para sabihin nga na walang magiging klase ngayon dahil busy ang mga guro namin.
"Oh! Bethany, truth or dare?"
At para maibsan ang pagkaburyong namin kaya'ta naisipan nilang maglaro na lang muna, at sumali naman ako.
"Dare," nahihiyang sagot ng babae. Umakto namang nag-iisip si Luke nang ibibigay na dare.
"Yakapin mo yung taong gusto mo." Kitang kita namin kung paano namula mula si Bethany sa narinig. Mabagal s'yang tumayo at lahat kami ay nagulat nang niyakap n'ya ang taong nagbigay mismo sa kanya ng dare.
"Hoy ano yan ba't may yakap na nagaganap!"
"Hala! s'ya yung gusto n'ya?"
"Yieeeeeehhh pustahan magugulat na lang tayo n'yan sila na."
Iba't ibang komento ang naririnig sa bibig ng aming mga kaklase dahil sa nakita. Bumalik na sa pwesto si Bethany pero ang lalaki ay nakatulala pa rin at hindi makapaniwala.
"T-tuloy na natin 'to," nauutal n'yang sambit na s'yang dahila para kantyawan s'ya ng aming mga kaklase. Nagpatuloy ang pag-ikot ng ballpen at halos maubos na kaming mga kaklase.
And finally, sa akin na nakatutok.
"Ayan! Ito yung kanina ko pa hinihintay eh! Akala mo makakalusot ka 'no?" Napakamot na lang ako sa ulo.
"Truth ako." Inunahan ko na s'ya kahit hindi n'ya pa tinatanong ang tanong sa akin.
"Okay okay. Alam naman ng lahat kung anong naging meron kayo ni Gael 'di ba?"
Oh no, I don't like where this is going.
"Nagulat kami nang bigla na lang kayong hindi nagpapansinan tapos noong nag-usap naman na kayo, parang iba na," pagpapatuloy pa n'ya.
Tama naman s'ya, alam kong napansin ng lahat yung nangyari noon. Malamang, kalat na kalat ba naman yung tungkol sa amin kaya yung mga mata nila ay nakatutok sa kung ano mang mangyayari.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, hindi ko na rin itatanong kung anong nangyari sa inyo noon dahil hindi naman ako chismosa." Natawa ang mga kaklase namin na hindi ko napansin na nakapalibot na pala. Kanina kasi kaunti lang kaming mga naglalaro, mukhang nakuha nito ang interes ng iba.
"Andami mong sinasabi teh! Itanong mo lang agad para matapos na!"
"Kung ano ano pa pinagsasasabi eh"
"Guys chill! Itatanong ko na nga, masyado kayong mga mainipin." Tumingin s'ya sa akin tapos tumingin kay Gael na nananahimik sa gilid. Nagtagal ang tingin ko sa lalaki kaya nang mag-angat s'ya ng tingin ay nagkatitigan kami saglit, at nang ngumiti s'ya ay iniwas ko naman ang paningin.
"Raelyn, gusto mo pa ba si Gael? or may gusto ka pa ba?" Napakurap kurap ako sa tanong. Inasahan ko naman na yan ang itatanong pero bakit parang nagulat pa rin ako?
"Ay wala na ata, nakita ko yung lalaki na kausap n'ya online eh!"
"Hala oo nga, ang pogi no'n sana all!"
"Pagsagutin n'yo ang tinatanong, manahimik kayo d'yan." Tinitigan ko isa isa ang mga kaklase hanggang sa mahinto ito ulit sa mga mata ni Gael na naghihintay din ng sagot.
Huminga ako nang malalim at pikit matang sumagot.
"Hindi na." At sa unang beses ay nakita ko, kung paano nawala ang maliit na ngiti sa labi n'ya.