"Oh awkward..." Agad na hinampas ng katabi si Luke nang bigla s'yang magsalita pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. Hindi ko na tinapunan pa nang tingin ulit si Gael dahil makikita ko lang ang reaksyon n'ya. Ayoko malito at isipin pa kung anong ibig sabihin no'n.
"Okay next na next!" Tumayo ako at bumalik na lang sa upuan ko. I'm done for today. Akala ko naman makakapaglibang ako kahit saglit mula sa mga bumabagabag sa isip ko, pero di ko naman inaasahan na magiging ganito agad ang kinalabasan.
"Oh hindi ka na sasali?" Umiling na lang ako sa kaklase at binuksan na lang ulit ang cellphone.
Nang makitang online si Haru ay agad kong chineck kung may message na ba galing sa kanya, at hindi naman ako nagkamali.
Haru:
Babe I'm sorry natagalan
Nagising na s'ya
"OMG!" Napatayo ako sa nabasa na agad namang sinundan ng mga mata ng mga kaklase ko kaya nahihiya akong umupo ulit nang maayos.
Jae:
Oh my God, that's good! How is he? Nagsalita na ba s'ya about sa nangyari? Or nagpapahinga? Sorry andami kong tanong
Imbes na sagutin ang tanong ay iba ang nireply n'ya.
Haru:
Babe I'm scared
What if you'll do it din?
I only have you, Art, and Brayson
I can't lose you
What the hell is he talking about? Anong gagawin? Suicide? No. Aaminin kong I did self harm several times, but never kong naisip na tuluyan nang tapusin ang lahat. May nakikita pa rin akong hope kahit papaano.
Jae:
Of course not!
Haru:
S'yempre hindi ko rin namang hahayaan na gawin mo yun, not in my watch baby
I can't help when my lips broke into smile upon reading his message. Even with this kind of situation, hindi n'ya pa rin nakakalimutan na pangitiin ako at iparamdam sa akin na importante ako.
Jae:
So.. ano nga nangyari? Did he say something?
Haru:
Nagkasabay sabay lang problema n'ya, plus yung rejection na natanggap n'ya kay Szaniah
Hindi ko nagugustuhan ang mga nababasa ko. Bakit parang pinaparating n'ya na nakadagdag pa so Szaniah sa nangyari? Or baka masyado lang ako nag-iisip?
Jae:
Are you saying that...
Haru:
Babe no, kung ano man ang iniisip mo, hindi yun ang gusto kong sabihin. Mali lang ako nang pagkakasabi, I'm sorryyyyyyy
Hindi pa rin ako kumbinsido sa sagot n'ya. Jae what the hell? Sinabi naman n'ya na hindi ganoon, bakit nagdududa ka pa rin?
Haru:
Btw babe, may sasabihin pala ako sa'yo pero next next day pa siguro
Jae:
Bakit hindi pa ngayon?
Haru:
I gotta fix something first okay? Wait, talk to you later pagkauwi mo ha? Alam kong nasa klase ka ngayon. Basta wag mo na lang muna isipin yung sinabi ko
Huh? Wala akong makuha sa mga sinasabi n'ya. Para bang bigla ko nakalimutang magbasa. Ano bang sinasabi n'ya? I just replied okay and said na baka hindi rin n'ya ako makausap mamaya dahil magppractice na ako para sa monologue kinabukasan, then I hid my phone inside my bag.
Pagkauwi ko ay nagmadali akong nag-ayos at naglinis para wala akong gagawin mamaya, at puro pagpapractice na lang ng monologue ang aasikasuhin ko. My mother notice my sudden change of actions and been teasing me nonstop. Ngayon lang naman kasi ako maaga nag-ayos kaya nagugulat s'ya.
Nang matapos ay sinimulan ko nang basahin ang gawang script habang nakikinig sa kanta. Sa iba siguro ay hindi ito applicable since madisdistract sila but for me, mas nakakapagfocus ako when listening to music.
"La reina de la guardia sibil," I whisper to myself as I add more lines to the script. Dahil nga nakaset ang libro back in the colonization of Spanish Era, kaya hindi dapat mawala ang mga salitang espanyol.
"Isama ko ba yung sa sayaw na part?" Naisip ko na magiging pampatagal din yun sa oras, and kumanta si Hestia, so I guess isama ko na lang? Kahit na hindi yung gaanong maayos kumpara sa kanya. But at least mas magkakaroon ng buhay ang monologue at baka mapatawa ko pa sila... Siguro?
Wala naman ako balak kabisaduhin ang script, tinatandaan ko lang ang mga key words at kung paano ang magiging flow. Kapag kasi minemorize ko, malaki ang tyansa na makalimutan ko ang sasabihin sa kalagitnaan ng pagtatanghal. Pero kung inaral ko lang naman at tinandaan ang mga importanteng pangyayari, I would be able to pull this off, isama mo na naturally ako nakakapag-isip agad ng mga sasabihin kapag dumating sa point na may nakalimutan ako, or nawala ako habang nasa harap.
Jae:
Girl, help mo ako sa make-up bukas ah? Alam mo naman, wala akong alam sa mga ganyan.
Hestia:
Ay sige lang teh! Buti sinabi mo, dadalhin ko bukas yung mga gamit ko. Agahan mo na lang din pumasok dahil baka mamaya bigla agad magstart tapos hindi pa ako tapos magmake-up sayo.
Jae:
Thank you!
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil isa din yan sa iniisip ko. No one said naman na required na magmake-up pero s'yempre, iba pa rin kapag nakaayos. Papatayin ko na sana ang phone dahil babalik na ako sa pagbabasa nang nakareceive ako ng chat kay Haru.
Haru:
Hey baby? are you busy?
Jae:
Actually yes, may monologue kami bukas eh, kasama na ako sa magpeperform.
Haru:
Ay oo nga pala. Usap na lang tayo kapag matutulog ka na ah? Love u. Oh and by the way, nagpakita na si Brayson, dumaan s'ya kanina. I thought you should know para uhm masabi mo sa kaibigan mo.
Oh? Sa wakas naman ay nagpakita na s'ya. Pero bakit ko sasabihin kay Hestia? I mean, tapos naman na sila, there's no need na. Instead of replying, nagreact na lang ako ng heart at pumunta sa conversation namin ni Szaniah.
Jae:
Ngayon ko lang pala naalala, Art regained his consciousness.
Szaniah:
Okay, good for him
Wtf? So ipagpapatuloy n'ya talaga ang pagpapanggap until now?
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. I don't have time today para alamin kung bakit s'ya ganyan. Halata namang tinatago lang n'ya ang tunay na nararamdaman. Ang tanong lang is kung bakit? Kaibigan naman n'ya kami.
Naka-ilang hikab na ako ngayong gabi pero wala pa rin akong balak matulog hangga't hindi pa ako nasasatisfy sa gagawin ko bukas. But that's a sign na pala, because I just found myself waking up and my neck is aching dahil sa maling pwesto ko.
"Ginigisingin sana kita kagabi pero hindi ka talaga papatalo, kaya hinayaan na lamg kita. Ano? masakit noh? I-massage massage mo lang yan, mawawala din yan." Napahawak ako sa leeg at halos mapapikit ako sa sakit. Oh gosh, sa lahat pa naman ng araw na pwedeng maranasan ko 'to, bakit ngayon pa kung kailan may importante akong gagawin?
"Kumain ka na d'yan ah," paalala ni mama na s'yang tinanguan ko lang.
"Oh shoot!" Hinanap ko ang phone at nakitang wala na 'tong laman kaya sinaksak ko agad. Nakalimutan kong magmessage kay Haru kagabi dahil sa sobrang antok.
Nang mabuksan ay agad kong binuksan ang internet connection. The phone is a little laggy since kakabukas pa lang at hindi pa masyadong nagloload ang system. Idagdag mo pa na lumang model ito ng smartphone.
Haru:
Are you asleep na?
I told you to message me if you're going to sleep na eh
Nakatulog ka siguro
Sleepwell princess
I miss you
Ngayon ko lang narealize, hindi na pala kami gaanong nakakapag-usap ng tuloy tuloy dahil sa mga nangyari. And yet, he's still here, not forgetting to update me.
Jae:
OMG I'm so sorryyyyy I fell asleep
Masakit nga neck ko eh huhuhuhu
And I miss you too
Haru:
Hi babe! Good morning! Today is your monologue right? Good luck hmm? Ididischarge na pala ako today. Do your thing, galingan mo, and we'll talk afterwards, okay ba sayo?
Ngayon pala s'ya ididscharge? I thought mga next week pa.
Jae
Oh! sayang hindi kita nagawang puntahan d'yaaaaan huhuhuhu sigeee talk to you later
Hinayaan ko na magcharge ang phone at baka mamaya ay sumabog pa ito sa mukha ko, just kidding lmao
Kanina pa hinahanap ng mata ko si Hestia simula nang dumating ako sa room pero kahit saan ako tumingin ay hindi ko s'ya makita. Anong oras na at lahat ng mga kaklase ko na magtatanghal ngayon ay nagsisimula na mag-ayos. Nakabihis na rin ako at nakapagbasa basa para make-up na lang ang intindihin but she's nowhere to be found.
If normal na klase lang ngayong araw, late na late na s'ya.
I was about to lose hope at pupunta na sana kay Alya para sa kanya na lang magpalagay ng kolorete dahil alam kong lagi s'yang may dala nang may babaeng hinihingal na pumasok sa loob ng room.
"OH GOD BUTI NAMAN UMABOT PA AKO!" Pawis na pawis na pinuntahan ako ni Hestia at umupo sa upuan sa gilid ko.
"Hoy bakit ngayon ka lang bakit ka naman tumakbo? Paano kung may mangyari sayo?" inis kong saad. Nag-aalala ako sa kondisyon n'ya, isama mo pa parang mahihimatay na s'ya any moment from now.
"Silly, mamaya na natin yan pag-usapan. Itali mo na ang buhok mo at sisimulan na kitang ayusan." Gusto ko pa sanang umangal pero tama s'ya, ilang minuto na lang at aakyat na si Ma'am.
Wala akong ibang ginawa at pumikit na lang habang sinisimulan n'yang bigyang buhay ang mukha ko. Humingi na rin s'ya ng tulong kay Alya para mabilis s'yang matapos.
"Paakyat na raw si Ma'am!" Doon ako nagmulat ng mata at nakitang aligaga ang mga kaklase ko na nagsipagbalik sa upuan nila. Habang sina Alya at Hestia naman ay parang walang narinig at nagpatuloy sa ginagawa nila.
"Beh last na, ngumiti ka." Sinunod ko naman si Alya at awkward na ngumiti.
"Ayan tapos na." Agad kong kinuha ang salamin at tinignan ang sarili. Umawang ang bibig ko sa nakita. Light lang ang make-up pero nagbago talaga ang itsura ko. Na-enhance ang mga parte na dapat i-enhance, at naitago ang mga dapat itago.
The moment our teacher step inside our room, she immediately starts the monologue.
Pasimple kong inobserbahan ulit ang mga nagtanghal. Ang batch na ito ay halos lahat ay magagaling na naging dahilan para mas kabahan ako.
"Teh paano ba gagawin mo? May script ka? Patingin nga." Binigay ko kay Hestia ang ginawa ko at naghintay sa magiging reaksyon n'ya.
"Hmm bago 'to sa paningin ko girl at mukhang maninibago din sila. Idaan mo sa magaling na pag-execute sigurado mataas na grades mo!" Imbes na makaramdam ng relief ay lalo lang nadagdagan ang kaba ko. Galingan ko sa pag-execute? Eh doon nga ako alanganin? Oh gosh, paano na ako nito.
"No. 15? Sino yunh 15?" Ito na ang kinakatakot ko. Nanginginig ang tuhod ko sa pagtayo.
Kaya mo yan Jae. 10 minutes lang, pagkatapos ng 10 minutes wala ka nang iisipin pa.
Pumunta na ako sa may pintuan at naghanda. Nang tumunog ang alarm ay s'yang pagtalim ng mata mo.
Naglakad lakad ako at isa isa silang tinignan. Binuksan ko ang pamaypay na hawak at pinaypayan ang sarili.
"Marunong ba kayong sumayaw?" Tinaasan ko ng kilay ang isang kaklase, "ikaw? marunong ka ba sumayaw?" Gusto kong matawa nang umiwas s'ya ng tingin pero naalala ko na on character pala dapat.
"Gayahin n'yo akong sumayaw, madali lang naman... Isa, dalawa, tatlo," umikot ako at nagpakilala, "Ako si Donya Consolacion, La Reina de la guardia sibil."
Nagpatuloy ako sa pag-arte sa harap hanggang sa dumating sa pinaka highlight ng monologue.
"Sumayaw ka! Hindi ka ba marunong Sisa?! Gayahin mo ako! Isa, dalawa, tatlo!" Gumiling giling ako na nakatanggap ng tawa sa mga kaklase ko.
"Baile! Baile!"
Hindi ko pinapakita pero hiyang hiya na talaga ako sa mga pinaggagagawa ko. Tumunog na ang alarm, isang hudyat na tapos na ang oras na binigay. Bigla na lang akong nablangko, dahil hindi ko alam kung paano ito tatapusin.
Isip Jae, isip!
"Isa, dalawa, tatlo! Ako ay si Donya Consolacion, ang pinakamaganda at magaling na Donya. Baile! Baile!" Inulit ko lamang ang ginawa ko sa simula at hindi ko pa alam kung nagawa ko ito ng tama o halata na saglit akong nawala.
Pagkayuko ko ng ulo ay malakas na palakpakan ang nanaig sa loob ng classroom.
"Ang galing mo gagi! Marami ka kayang hindi nasunod dun sa script na ginawa mo!" Tama s'ya, hindi ko na nasunod ang kung anong nasa script at nag go with the flow na lang ako. Kung ano ang maisip ay yun na.
"Dito na muna magtatapos ang monologue natin, yung mga susunod na numero, maghanda na kayo bukas." Pagkaalis ni ma'am ay ang pagpunta ng kaklase kong si Kiera sa harap ko.
"Girl! Nakita ko grades mo line of 9! Hindi ko lang nakita kung ano eksakto pero line of 9! At parang nasa 95+ ata yun omg ang galing mo!" Napatakip ako sa bibig at tumingin kay Hestia. Sabay kaming nagtatatalon talon sa nalaman.
Sigurado nang mataas ang grades ko, makakahinga na ako nang maluwag sa subject na 'to.
"Guys, umiiyak si Szaniah."