Kabanata 2

2194 Words
"Gumising ka dyan tanghali na," tinakpan ko ang dalawang tenga para ihanda sa paparating na mga sermon ni mama. Inaantok pa ako but my eyes automatically search for my phone. The brightness welcomed my eyes na naging dahilan ng pagpikit ko, pinunasan ko pa ang konting luha na tumulo bago ko binuksan ulit ang phone. GC: Demons Hestia: So ayun tuloy ako, need ko lang ng makakasama na magbabantay kung sakaling manghina ako. Talk to you later guys love y'all! Maeve: Get well soon! Prim: Enjoy your night Hes! Ingat ka! Chat head ng GC ang agad na bumungad pagkaconnect ko sa internet. Napangiti ako nang nalaman kong makakapunta pa rin sya but at the same time nag-aalala dahil sa kondisyon nya ngayon. Well, Brayson won't let anything bad happen to her. Nagtype lang ako ng message sa kanya saying na wag syang ganung magpapagod. I sighed as I feel the ugly feeling in my chest again. Jealousy. Pinilig ko na lang ang ulo ko at pinatay ang phone. Kailangan ko nang kumilos at simulan ang araw bago pa ako puntahan ni mama. Pagkatapos kong maghilamos, agad na akong kumain ng agahan na halos tanghalian na rin dahil anong oras na, para makapalinis na ako at makatapos ng maaga. Balak kong tapusin na lang ngayong araw lahat ng mga school works ko para wala na akong gagawin at para na rin madistract ang sarili. "Jae, aalis pala ako mamimili ako ng groceries, sasama ka ba?" Kung sa ibang pagkakataon siguro baka sumama na ako dahil wala naman akong gagawin pero ngayon tumanggi ako. "Dito na lang ako ma, manonood na lang ako." "Sige basta ayusin mo mga kalat dyan ah? Pagdating ko dapat maayos na yan lahat," pagpapa-alala nya na syang tinanguan ko lang. Wala na syang idinugtong pa at nagsimula nang pumunta sa banyo para maligo. Binuksan ko ang TV at nagpatuloy na sa pag kain habang nanonood. Kunot noo kong sinipat ng maiigi ang babaeng bida sa pinapanood ko. She wears a red bodycon off shoulder dress that hugged the shape of her body. The dress really compliment her plus the curly hair that completed her elegant look. Napakurap kurap akong napatingin sa suot kong oversized shirt at short bago bumalik uli ang paningin ko sa babae. Kitang kita ang pinagkaiba naming dalawa, dahil ba mas matanda sya o hindi lang talaga ako marunong mag-ayos? Sabi nila I got the curves in the right places, hindi lang talaga ganun kapansin dahil hindi naman ako mahilig magsuot ng mga fitted na damit, hindi kasi ako komportable. "You kinda look like a rug Jae," pabirong pang-iinsulto ko sa suot. Dumako naman ang paningin ko sa kanyang mukha. In her heart-shaped face, she has those pair of deep-set blue hooded eyes, a narrow nose, naturally flushed cheeks, and a thin lips. She's really beautiful. Agad kong hinanap ang salamin at tinitigan ang sarili. I have a circular-shaped face. My eyes are softly rounded, slightly protruding and it has a muted brown color. I tilted my face and saw that my small nose looks like a button that's why it kinda looks rounded and lastly, I got puffy cheeks and an almost pale chapped lips. If I learn to do make-up, I can probably do something with it like a little contour to add some dimension to my face. Bigla akong natigilan, when did I get interested in make-up and why am I comparing myself to someone that is years older than me? I mean of course she's prettier than me, she's matured and she also know how to make to take good care of herself. Ilang taon na ba sya? 25? Or late 30's? While me? I'm still a teenager na hanggang ngayon undecided pa rin sa mga magiging plano ko for the future. Heck I don't even think about the future. Ang importante sa akin ay ang kasalukuyan dahil wala namang hinaharap kung walang kasalukuyan at ang nakaraan naman ay matagal nang tapos, hindi na mababago pa yun. Napailing na na lang ako dahil nagiging malalim na naman ang mga iniisip ko. Bago pa kung saan mapunta ang pag-oobserba ko sa sarili, sinimulan ko na lang maglinis. Nilagay ko ang ibang nakakalat na damit sa labahan, naghanap rin ako ng sako na mapaglalagyan ng mga basura na nasa kusina at ang iba pang mga bagay na hindi na kailangan pa. Inayos ko rin ang pagkalasalansan ng mga damit sa closet, pagkatapos kong maayos ang lahat, winalis ko na ang mga duming nagkalat galing sa mga inayos ko. Mga 30 minuto lang siguro ang tinagal ko sa paglilinis, hindi naman kasi ganoong kalaki ang bahay namin, sakto lang para sa aming tatlo nina mama at papa. When I feel satisfied with everything, I rest for like 10 minutes then headed to the bathroom so I can take a bath and wash all the dirt that lingers on me. After freshening up, I looked for my phone and checked if I got a message. As usual, gc na naman ang nasa unahan ng chat list. I looked at the time and it's already 2 na pala siguro nasa MOA na sya. GC: Hestia: Enlo guys update! We're here na! BTW ang awkward, kasama namin mga friends ni Brays, dapat kasi kayo yung nandito eh. 18% na lang ako malas. Earl: Sabay sabay tayong mag sana all Jae: Sana lahat Hestia: Kinakabahan nga ako kasi baka mamaya makita sa security check na may sakit ako :((( Prim: You can do it Hes! Sana all! Hindi na sya nagreply pang muli, tinitipid siguro ang battery ng phone. Sa kabila noon, hindi naman natigil sa pag-uusap ang mga kaibigan namin, nag-uusap sila sa kung gaano kaswerte si Hes na makanood lalo na dahil ang pwesto ng tickets na binili ni Brayson ay malapit mismo sa stage. Naghanap ako ng librong mababasa dahil wala na naman akong maisip gawin, ang kaninang plano na tapusin ang mga school works ay hindi na natuloy kasi tinamaan na ako ng katamaran lalo na nung nakita ko na halos puro galing sa math pala ang mga gagawin. Nagsimula na akong magbasa at gaya ng dati, nagkaroon na naman ako ng sariling mundo kung saan kahit anong mangyari sa paligid ko, hindi ako maiistorbo. Reading distracts me and it is my only way out from the real word, temporarily. Minsan sinasamahan ko pa toh ng pakikinig sa kanta, mostly Taylor Swift's songs. Lagi pa ngang nasasakto sa mga break-up scene yung mga kanta ni Taylor that's why mas nafefeel ko yung story at nagkakaroon ako ng malawak na overview sa binabasa. Hindi pa sana ako matitigil sa pagbabasa kung hindi lang nagpop up ang chat head ng gc. GC: Hestia: 2% na lang ako hindi pa nagsisimulaaaaaa kill me! Caleb: Tas chat pa nang chat kundi ba naman isa't kalahating obob Hestia: Manahimik ka 'di kita kinakausap. Bye na nga AAAAAAHHHHH excited aq shet ayoko pa mamatay! Gawin ko ulit 'to sa susunod! Dean: Yung puso mo tanga, huminahon ka nga Natawa na lang ako and at the same time nabahala. Mahina ang puso ni Hes at masyadong overwhelming sa kanya ang mga nangyayari baka bigla syang atakehin dahil sa sobrang emosyon, wag naman sana. Sa kabila ng kondisyon nya, hindi sya napigilan sa mga gawaing makakasama sa kanya, kasama ko pa nga sya sa mga sayaw. Sa tuwing sumasayaw kami, hindi mo mahahalata ang pagod sa kanya at syempre ayaw nya rin ipahalata. Kaming magkakaibigan lang ang nakakaalam sa sakit na meron sya, ayaw nya na may mga mag-usisa sa buhay nya at hindi nya ganung kagisto ang mga ugali ng kaklase namin. Sila kasi yung mga tipo na araw araw magtatanong kung okay ka lang and such, ayaw ni Hes nang ganun, ayaw nyang kinakaawaan sya. I screenshot the conversation and sent it to Szaniah, she's also a fan and isa din dapat sya sa kasama but unfortunately hindi rin sya pinayagan. Szaniah calling... "Hello?" "OMG!!!! NAIINGGIT AKO BAT GANUUUUUUN HUHUHU GUSTO KO RIN PUMUNTA!" Sa lakas ng boses nya, nakangiwi kong nilayo ang phone sa tenga ko. Parang natanggal ata mga baby hairs sa loob ng tenga ko ah. Hinintay ko muna syang kumalma bago ibalik sa tenga ko ang cellphone. "Lakas ng boses mo teh, niyanig mo at buong pagkatao ko bwisit ka" "Ay HAHAHAH sorryyyyyy hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko, grabe naman kasi! Ang swerte swerte nya! And dagdag mo pa yung ginawa ni Brayson! Biruin mo yun? Libre nya tickets ng mga kaibigan ni Hes para lang mapapayag sya? Aaaahhhh kinikilig ako!," Napangiti ako dahil tama sya, hindi nga ako makapaniwala noong nagchat si Brayson para sabihing bumili sya ng tickets for her and her friends. "Sadly, wala ni isa sa mga kaibigan natin ang nakasama nya," bigo kong sagot. "Hala oo nga noh? Awkward nun puro mga hindi nya kakilala ang mga kasama," singhap nya. "Okay na yun, kasama naman nya si Brayson, sige na teh ibababa ko na. May sasabihin ka pa ba?," tanong ko. Hindi naman kasi ako mahilig makipag-usap sa cellphone. Kapag nga may tumatawag kaming kamag-anak binibigay ko agad ang phone kay mama para sya na ang kumausap. Ang awkward kasi, hindi ko alam paano makikipag-usap, ano bang dapat ko sabihin, ano ba ang dapat pag-usapan. Kaya as much as possible umiiwas talaga ako sa mga phone calls, kahit pa kaibigan ko yan. "Wala na teh! Tumawag lang ako para magpahayag ng inggit huhuhu soon kasama na rin tayo dyan! Sige bye! Wuvuuu." "Sana nga, sige byeee lovelots!" natatawa kong paalam. Napatingin ako sa orasan at nakitang quarter to 4 na, may oras pa ako para matulog. Humihikab akong pumunta sa sofa at inayos ang throw pillow na hihigaan at sa paglapat ng katawan ko, I started to drift off to sleep. "Hey, wake up sleepyhead," I hugged my pillows tightly. "Just a minute please," I mumbled. He chuckles then starts caressing my hair, making me smile a little. Ang sarap sa pakiramdam ng kamay nyang humahagod sa aking buhok. I know that this is just a dream at mamaya maya lang ay magigising na ako but I couldn't care less. I just want to be here, to forget everything and just to be with this beautiful stranger. Nagmulat ako ng mata at ang unang bumungad sa akin ay ang kanyang labi. I really can't see his face due to the light that coming from the outside but I know that he's handsome as hell. "When can I see you?" I asked. He didn't answer, instead he just smiled as he held my hands and brought them to his lips. Heat spread through my cheeks at hindi ko na din napigilan ang pagngiti. Him and his sweet gestures. I can't get enough of him. "Your story is about to start Jae, wake up now baby," naguguluhang napatingin ako sa kanya. "What are you saying?" He started to fade in front of me. No. This can't be happening. I don't want to wake up yet. Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay pero tumagos lang ito sa kanya. "You can't leave me!" I yell at him. "Just wake up," marahan nyang bulong na inilingan ko lang. No— "Jae! Yung cellphone mo kanina pa tunog nang tunog! Ang ingay nanonood ako," ang sigaw ni mama ang nagpamulat sa mata ko. Ang kaninang panaginip ay hindi ko na maalala pero ang bigat sa pakiramdam ay nararamdaman ko pa rin. "What the hell?" bulong ko. "Ano ba Jae? Sabing patigilin mo sa pagtunog ang cellphone mo eh, hindi ko maintindihan ang pinapanood ko at saka kumain ka ba bago ka natulog ha? At bakit dyan ka natulog? Hindi na kita ginising pa kasi ang himbing na ng tulog mo, wag mo na uulitin yan ah" saway ulit sa kin ni mama. Napabangon ako dahil sa sinabi ni mama. Kagabi? Eh kanina lang naman ako natulog? Napatingin ako sa oras at nakitang ala sais na ng umaga. "Dumiretso ako ng tulog?" tanong ko sa sarili. Ang pagtunog ng cellphone ay patuloy pa rin, kunot noo akong napatingin dito. Ano bang problema ng mga 'to Hestia mentioned you in a message. Natabunan na ang mensahe ni Hes kung saan nya ako minention kaya I started to scroll my phone para mapunta sa taas ng conversation. GC: Hestia: PAOS NA PAOS AKO! GRABE ANG SAYA SAYA KO! KASO HINDI NGA LANG AKO NAKAPAGPICTURE DAHIL NAMATAY NA ANG PHONE, ANG MALAS TALAGA ANYWAY AAAAAHHHHHH Marami pa syang naging message pero hindi ko pa rin makita kung saan nya ako minention kaya binasa ko na lang isa isa, hanggang sa napadako ang tingin ko sa isang mensahe nyang nagpakunot ng noo ko. Hestia: Girl @Raelyn Jae bet ka ni kuya Haru. Nag-usap kasi kami habang naglalakad tapos ayun binenta kita heheh labyu! Crista: Sino yun? Gwapo? HAHAHAH Hestia: Oo tas mayaman pero hindi ikaw ang bet, si Jae ang nagustuhan HAHAHAH Hindi ko na binasa pa ang iba pa nilang mensahe at ang mata'y tumutok lang sa sinabi ni Hes. Sinong Haru? And wtf binenta??? Ano na namang pinag gagawa nito at dinamay pa ako? Napa facepalm na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD