"Jae, paki-ayos muna ng mga pinamili ko tapos maligo ka na rin magsisimba pa tayo," rinig kong utos ni mama habang nakakunot pa rin ang noo kong nakatingin sa phone.
GC:
Jae:
Pinagsasasabi mo dyan teh?
Hestia:
Sabi nya kasi kung may friend daw ba ako na marereto sa kanya since he's single and ready to mingle daw, kaya ikaw ang binanggit ko ehe
Magrereply pa sana ako nang biglang may kumurot sa tagiliran ko.
"Aray naman ma!" Napahawak ako sa bahaging kinurot nya at hinimas himas para maibsan ang konting sakit.
"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko ayusin mo muna ang mga pinamili ko, puro ka cellphone," gigil na turan nya.
"Saglit lang po kasi," katuwiran ko.
"Sus! Puro ka saglit, hindi naman ako nagagalit kung magcellphone ka buong araw basta lang ba tapos na ang mga gawain mo saka may pupuntahan pa nga tayo!" pangaral nya. Lihim akong napairap dahil alam ko naman na kahit pa tapos na ako, may ipapagawa at ipapagawa pa rin sya.
I can really do all the things she wanted me to do, if only she can just leave me alone. I mean, mas ginaganahan kasi akong gumawa kung walang nakatingin at walang magmamando sa akin. But everytime I tried to do something, bigla na lang nyang iuutos kaya nawawalan ako ng gana like I could've done that mom kung hindi mo lang sana sinabi ba sa akin.
Hindi na lang ako umimik at binaba na ang cellphone dahil kung hindi, baka buong araw na naman akong sesermunan. Napatingin ako sa orasan at nakitang 6:45 pa lamang ng umaga at ang simba ay 8:30. Napailing na lang ako at nagsimulang mag-ayos ng mga pinamili. Habang nag-aayos, bumalik sa isip ko ang sinabi ni Hestia. Ano kayang naisip nya at sa lahat ng pwede nyang banggitin na pangalan ay ako pa? I mean yeah I'm her best friend so it's kinda automatic na ako agad ang unang lumabas sa bibig nya but she knows naman na reto is not my thing. And, it's not like I'm looking for someone right now lalo na at may gusto akong iba pero hindi kong maitatanggi na napukaw nito ang atensyon ko.
Nang natapos ako sa pag-arrange ng mga groceries sa lalagyanan, hindi na ako nag-abala pang magbukas ng cellphone at dumiretso na lang para maligo dahil alam kong matatagalan kung magcecellphone pa ako at baka mahuli pa kami sa misa.
Naliligo ako nang kumatok si mama sa pintuan ng banyo, "Bilisan mo na dyan at sumunod ka na lang, mauuna na ako dahil mawawalan tayo ng upuan kung hihintayin pa kita. Sabi kasing magmadali, matagal ka pa namang naliligo tss sige na sunod ka na lang." Hindi nya na ako hinintay pang tumugon, narinig ko na lang ang pagtunog ng gate na nangangahulugang umalis na sya. Napaismid na lang ako at pinagpatuloy ang pagligo.
Around 8:15 when I got to the church. Pansin ang dami ng tao dahil puno na ang upuan sa loob at marami na ang nakatayo sa labas. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa pagpasok. Hindi rin naman nagtagal at agad na nahanap ng mata ko si mama na nasa bandang harapan. I excused myself as I walked toward to where my mother is seated, nabangga pa nga ako ng mga batang naglalaro sa gitna na agad din namang sinaway ng mga matatatandang naroon.
"Ang tagal mo," sita ni mama pagka-upong pagka-upo ko.
"Hindi pa naman nagsisimula ma," sagot ko.
"Mas mabuting maaga lagi, tignan mo oh andami daming tao," tumango tango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang pari at nagsimula na ang misa.
Ever since I was a child, lumaki na akong madasalin. Pinalaki kasi talaga akong may takot sa D'yos. Tuwing buwan ng mayo, dinadala ako ni mama sa chapel para magrosaryo kasama ang mga batang ka-edad ko. Doon din kami nagkakaroon ng bible study at tinuturuan sa mga dasal na dapat naming gawin. Well at first, dahil bata pa nga, hindi ako ganoon ka interesado sa mga tinuturo at imbes na makinig, dinadaldal ko lang ang katabi ko. Kaya ang nangyari noon, napunta sa akin ang pokus at atensyon nila na patinuin ako which is nagawa naman nila kalaunan. Ako pa nga ang laging nangunguna sa mga quiz na hinahanda nila sa amin.
"First love. Lahat ng tao ay nakakaranas ng unang pag-ibig at kadalasan nararanasan ito sa murang edad. Pero bago ang lahat, ano nga ba ang first love at paano mo nasasabing sa taong ito mo na naranasan yun?"
Napalingon ako sa harap matapos banggitin ng pari ang mga katagang nakakuha ng atensyon ko galing sa pagbabalik tanaw kani-kanina lang.
"Alam naman nating lahat na ang responsable sa emosyong ito ay si God, sya ang rason kung bakit tayo nagmamahal. Kung hindi dahil sa kanya sa tingin nyo ba mararanasan nyo pa ang love? Hindi. Dahil God's love is the root and the reason why people love each other kaya originally, He is our first love. Lagi nyo sanang tatandaan yan."
Saglit akong nagmasid sa mga taong nasa loob at lahat sila nakatuon ang atensyon sa harapan, nagkaroon ng katahimikan. Kahit ang mga batang kanina'y nag-iingay ay nakakamanghang naka-upo lang din kasama ng kanilang mga magulang.
"Jae, huwag ka ngang lingon nang lingon," mahinang saway sa akin ni mama. Binalik ko ang tingin sa harapan at nakinig muli.
"Ngayon, balik tayo sa tanong ko kanina. Ano ang first love at paano mo masasabing naranasan mo ito sa isang tao? Ito yung love na tinatawag ding reckless love dahil una nga ito at hindi mo pa gamay ang mga nangyayari at mangyayari. Kumbaga, wala kang mapagkumparahan kasi nga ito yung una mo kaya ang nangyayari hindi mo nalalaman kung tama pa ba lahat ng ginagawa mo dahil walang ibang nasa isip mo kung hindi ang pag-ibig mo sa taong iyon."
Gusto kong matawa. I don't think I will be like that. Magpapakatanga ka for someone just because you love him or her? Hindi ka ba nag-iisip?
Parang nabasa ata ng pari ang mga nasa isip ko dahil sa mga sumunod na sinabi nya.
"Alam ko ang mga nasa isip nyo ngayon, na ang tanga naman pero hindi mo masisisi ang isang tao hindi ba? Nagiging tanga ka for someone you love and sometimes, hindi mo na nalalaman pa na katangahan na pala ang ginagawa mo. Sa first love, mas malala yan kasi nagiging bingi ka, nagiging bulag, para sa taong mahal mo."
Huminga sya ng malalim at isa isa kaming tinitigan.
"At paano mo malalaman kung ang taong yun ang first love mo? Madali lang, kapag itong taong ito ang unang nagparamdam sayo ng isang pakiramdam na hindi mo pa naranasan kahit na kanino, dun pa lang, alam mo nang sya na."
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, marami na akong nagustuhan pero wala pang nakapagparamdam sa akin ng kakaiba. Pare-pareho lang ang naramdaman ko sa bawat isa. I had feelings for them but not enough to say na it's love. I thought of Gael, sya ang medyo naiba sa kanila siguro kasi kaibigan ko sya? And hanggang ngayon magkaibigan pa rin kami? Hindi kagaya ng mga nauna kong nagustuhan na biglang poof na lang.
Marami pang sinabi ang pari kagaya ng pagkakakonekta nito sa relihiyong usapin, pero isang statement ang tumatak sa isip ko at ito ang;
"Wala itong kasiguraduhan pero isa ang pinakatotoo dito. Ang first love ay isang leksyon lamang sa isang tao, para sa susunod mong pag-ibig, alam mo na ang mga bagay bagay. Yung pangungusap na 'first love never dies' is not applicable for everyone, pero ang mga taong nakatuluyan ang kanilang mga unang pag-ibig? Napakaswerte nila. And for those na hindi naman? Just wait for God's timing, sya ang nakakaalam kung sino ang makakabuti sayo."
Medyo hindi ko na napagtuunan pa ng pansin ang mga sumunod na nangyari dahil sa huling sinabi ng pari. I felt guilty dahil saka lang ako natauhan nang natapos na ang misa at inaaya na ako ni mama na umuwi.
God's timing.
Paano naman kaya dyan? Paano mo malalaman kung yun na ba ang Kanyang itinadhana para sayo? Meron bang sign na magsasabing 'Hey child this is your partner that I gave for you!' ?
I just shaked my head to stop the deep thoughts that is starting to flow inside my brain. Hindi pa ito ang oras para mag-isip tungkol sa mga ganoong bagay.
"Mauna ka na sa bahay, bibili muna ako ng mga rekados na gagamitin sa lulutuin kong ulam." Tinalikuran nya na ako pagkabigay ng susi. Siguradong matatagalan pa si mama makabalik dahil makikipagkwentuhan pa sya.
Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob. Nilapag ko sa may gilid ang susi at pumunta sa damitan para maghanap ng pambahay na susuotin. Pagkatapos kong magbihis, nagwalis walis na ako at nagligpit ligpit para wala nang mapupuna pa si mama pagkarating. Nang makuntento ako, umupo na ako at binuksan ang cellphone.
CLUB
Blaire:
Bukas ng umaga ang interview nyo for club positions. Kahit member na kayo, kailangan nyo pa ring ma-interview para malaman kung karapat dapat bang iiwan sa inyo ang club.
Gael:
Anong oras ate?
Blaire:
I-eexcuse na lang namin kayo, pero I think buong araw yun. Wala naman siguro kayong masyadong gagawin ano?
Aiden:
Wala naman ata ate
Blaire:
Then it's settled, tomorrow pagkapasok nyo dumiretso muna kayo sa classroom nyo at ako na bahalang mag-excuse.
Mukhang hindi na naman ata kami makakapasok bukas ah? Inisip ko kung may gagawin ba kaming importante at baka nakaligtaan lang ni Aiden na meron pala. Naalala ko, naghahanda pala kami sa papalapit na exams kaya puro review lang ang mangyayari.
Dahil wala naman nang importante pang mga mensahe kaya napagpasyahan ko na lang na gumawa ng mga takdang aralin. Nakita kong halos lahat pala ay bukas ang pasahan at siguradong magmamadali na naman ako nito kung hindi ko agad naisipang icheck. Hindi kasi ako yung tipo talaga ng estudyante na gumagawa agad, mas gusto ko kasing mapressure ng kaunti dahil doon mas gumagana ang utak ko. It's not really ideal for everyone but for me? It's okay, and yun na rin ang paraan ko para ma enhance ang sarili.
Dahil hindi ako sanay na gumagawa ng tahimik, binuksan ko ang speaker and I connect it to my cellphone. Mamimili pa sana ako ng kanta but I decided to just shuffle it. Nilakasan ko ang volume hanggang sa masatisfy ako sa lakas.
Saktong tapos na ako nang nakabalik si mama. Kumain kami at kagaya ng paulit ulit na routine, inayos ko ang mga gamit sa backpack dahil lunes na naman kinabukasan at kailangang pumasok. Wala naman akong masyado nang ginawa dahil tapos na ako sa lahat ng mga gawain, nanood lang ako ng mga paborito kong series. Hindi ko na namalayany inabutan na pala ako ng gabi sa panonood, wala naman akong narinig na utos kay mama dahil katabi ko syang nanonood din.
"Anong oras na, last na yan ah? Matutulog na ako, i-lock mo na yung gate at baka makalimutan mo pa," tumango lang ako habang ang mata ay nakatutok sa pinapanood.
"Last na yan Jae ah?" tanong nya pa ulit.
"Opo ma, matulog ka na," nagmamadali kong sagot dahil ayokong mawala ang konsentrasyon sa pinapanood. Nakita ko peripheral vision ang pag-iling nya bago umalis. Ilang minuto lang din ang nakalipas at natapos na rin ang episode na pinapanood, balak ko pa sanang manood pa pero baka maabutan pa ako ni papa. Ibang usapan na kapag si papa ang nagsermon sa akin.
Kinabukasan, ang maingay na si Hestia ang bumungad sa akin pagkapasok ko pa lang sa classroom. Nagsimula syang magkwento sa mga nangyari. Ang mga kaibigan naman namin ay unti unting pumalibot paikot sa kanya para makinig.
"Yung mga kaibigan ni Brayson, masasarap silang kasama. Nawala yung awkwardness sa pagitan namin lalo na nung nagpakilala yung dalawa nyang close friend, sina Haru at Atticus." Napalingon ako sa kanya nang nabanggit nya ang pamilyar na pangalan.
Tumingin din sya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
"Hayes Russell Toshima, that's his full name biatch."
"Hindi ko naman tinatanong," sagot ko. Tumawa lang sya at inilahad ang kamay. Nagtataka naman akong napatingin doon. Nginuso nya ang cellphone ko na wala sa sariling binigay sa kanya. Nagsisi ako nang nakita ko kung ano ang ginawa nya pagkatapos nyang ibalik sa akin ang phone.
Jae:
Nacucurious ako sino si Haru?
Brayson:
HAHAHAH I'll tell you later when I'm done with my work.
Inis akong napatingin sa kanya na tinawanan nya lang bago bumaling sa mga kaibigan namin at tinuloy ang kwento.
Dahil tinamaan na rin talaga ako ng kuryosidad kaya I typed his name on the search box.
'Hayes Russell Toshima'
No results found.