Kabanata 4

2357 Words
No results found. Kumunot ang noo ko sa lumabas pagkatapos isearch ang pangalan nya. Bakit walang lumabas? Kahit post na related sa pangalan ay wala. "Wala namang lumabas na account eh," mahinang bulong ko na hindi pala nakalagpas sa pandinig ni Hestia. "Sinearch mo? HAHAHAH sabi ko na nga ba interesado ka eh. Patingin nga!" Nilahad nya ule ang kanyang kamay kaya ibinigay ko ang cellphone. I noticed her brows creased as soon as her eyes dropped to the screen. She started typing something kaya pumunta ako sa tabi nya para makita. Baka kasi mamaya kung ano ano na naman pinagtatype nya eh. 'Hayes Toshima' Maraming lumabas pero mukhang wala dun ang hinahanap namin dahil nilagpasan nya lang ito at nagscroll scroll. Bago pa nya maisipang magtype ulit, kinuha ko na ang phone sa kanya. "Tama na nga teh, mukhang wala naman eh." Umiling sya sa akin, "baka iba ang name nya? Tanungin mo kaya si Brays?" I turned off the data connection and slid it inside my pocket. "No thanks, nakakahiya kaya! I mean we're not even close noh." "Pero—" Naputol ang dapat na sasabihin nya nang may tumawag sa pangalan ko. "Aiden, Gael, Alya at Jae! Pinapatawag kayo sa labas!" "Anong meron? Ieexcuse kayo? Sama ako please!" I looked back at Hestia and she looks at me with her eyes pleading. Balak na naman nyang maki-tag along sa amin. Kapag isa sa amin ang pinapatawag lalo na kapag tungkol sa club, nakasayan na naming samahan ang isa't isa. "Wait lang," sagot ko at nagsimulang maglakad palabas ng room. Ate Blaire together with our co-members ang bumungad sa amin pagkalabas. "Hindi na ako magpapaligoy pa, hindi tuloy ang interview ngayon dahil may mga importante kaming gagawin. " Muntik ko nang makalimutan na meron nga pala dapat interview ngayon for the club positions. "I scheduled it tomorrow, same sa oras natin ngayon kaya para hindi na namin kayo akyatin pa dito, kayo na mismo ang mag-excuse sa sarili nyo kasama ng mga iba pang sasali." Binigyan nya kami ng excuse letter na may mga pangalan namin na syang gagamitin namin bukas. "Okay na ba? May tanong pa ba kayo?" Napatingin kami kay Aiden na nag-aaktong nag-iisip pa ng sasabihin. "Ate bat ang liit mo?" "Blaire oh! Payag ka ginaganyan ganyan ka lang? Dapat hindi na pinapasali yan eh," panggagaton ni kuya Briggs. Lahat kami ay nagsimulang magpigil ng tawa at hindi pa nakatulong ang seryosong tono ng pagkakatanong ni Aiden. Siraulo talaga. Ang pagbatok ni ate Blaire ang nagpalabas sa pinipigilan naming tawa. "Huwag kang magpapakita sa akin bukas ah? Akala mo papayagan kitang sumali?" "Ate joke lang naman ehh, hindi ka mabiro," nakangusong saad ni Aiden. "Heh! Tandaan nyo mga sinabi ko ah, pumasok na nga kayo!" Inismiran nya kami at naglakad na paalis. "Totoo namang maliit sya eh" "Pabida ka talaga kahit kailan, kulang ka ba sa pansin? Tsk. " Nauna nang pumasok si Alya kasama si Gael. Tinitigan ko muna si Aiden bago umiling at nagpasyang iwan sya. "Ano? Ieexcuse kayo?" "Hindi, naurong eh. Bukas na lang daw." I fixed the pleats of my skirt as I sit on my chair. "Sayang naman, boring pa naman here." Tumango tango lang ako habang nagsisimulang maglaro ang kamay sa hawak kong ballpen. "Ay by the way, nagreply na ba sayo si Brayson?" Halos umikot ang mata ko sa tanong nya. Wala talaga 'tong magawa at ako ang pinagdidiskitahan. Imbes na sagutin ang tanong nya, inilipat ko lang sa kanya ang topic. "Paano na pala kayo? Comeback na ba?" pang-aasar ko. Sumama ang mukha nya pagkabanggit ko sa pagbabalikan nilang dalawa. "Mamatay na lang ako," ani nya na sinabayan pa nya ng kunwaring paggilit sa leeg. Tinawanan ko lang sya at hindi na nagsalita pa. "Good afternoon class, hawak ko ngayon ang mga papel nyo sa mga quizzes at activity na ginawa natin nung mga nagdaang araw." Ang mga kaklase ko ay natatarantang nagsipag balikan sa kani-kanilang mga upuan at kasama na doon si Hestia since hindi naman talaga kami originally seatmates. Isa isang nagbigay si Ma'am ng mga kumpol ng papel sa mga napili nyang estudyante. Ang mga estudyanteng napili ang magbibigay ng mga papel sa iba pa. "Dahil nga wala naman na tayong gaanong gagawin, ayusin nyo na lang ang mga portfolio nyo ngayong araw at papirmahan sa mga magulang nyo. Deadline bukas." "Psst nakakumpleto ka ba ng mga activities?" Napalingon ako sa katabi kong si Eissna na mukhang namomroblema base sa ekspresyon ng mukha nya. "Ah oo, bakit? May kulang ka ba? Sabihan mo na lang si Ma'am para makapagcomply ka." Napakamot sya sa ulo at tumayo para siguro pumunta sa harapan. "Samahan mo ako dali," hindi nya na hinintay pa ang aking sagot at basta nya na lang hinila ang kamay ko patayo. Dahil nga sa bigayan ng mga papel kaya halos lahat ay busy sa pag-aayos ng kanilang mga portfolio. Mayroon pang nasa gitna mismo nag-aayos kaya kinailangan pa naming mag-excuse para lamg makadaan. "Oh anong problema ng dalawa kong madaldal na estudyante?" Awkward na ngiti ang ibinigay namin kay Ma'am. Kami kasing dalawa ni Eissna ang laging nahuhuling nag-uusap kapag oras ng klase kaya hindi na kami nakalimutan pa ng guro. Meroon pa ngang time na nagkukwento ako sa isang kahihiyan na nangyari sa akin. I didn't notice that my classmates already stopped talking. Nagulat na lang ako nang nagsalita sa gilid namin si Ma'am at sinabi ang mga katagang: "Oh tapos? Anong nangyari?" Halos gusto ko na lang magpalamon sa lupa lalo na nang nagsimulang magsitiwanan ang lahat ng mga kaklase namin. "Itatanong ko lang po kung pwede pa po ba akong magtake sa mga kulang ko p-po?" Medyo nautal ang katabi ko habang nagsasalita. Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang, alam ko kasi kung bakit medyo kabado sya. Si Eissna ang tipo ng tao na nagpapalpitate na pero patuloy pa rin sa pag-inom ng kape. Ako naman, walang hilig doon. I prefer hot chocolate than coffee saka hindi kasi ako hinahayaan na uminom ng any caffeine drinks kaya nakasanayan ko na rin. "Ano ano ba ang mga kulang mo? Pakilista na lang tapos bigay mo sa akin. Pero bag binigay ko na sayo dapat same day or kinabukasan tapos mo na ah?" Tumango si Eissna at hinila ako ulit paalis. "Nagdala ka pa talaga ng kasama ah," naiiling na puna ni Ma'am. "Emotional support daw po Ma'am," natatawang sagot ko. "Halika na," higit sa akin ni Eissna. Pagka-upo namin, ang kaninang lamesa na walang laman ay napuno na ng mga papel. Kinuha ko na ang portfolio at sinimulang ayusin ang mga pagkakasalansan. Dumaan ang mga oras at puro mga papel lang ang inatupag namin dahil, pati ang iba pa naming subject ay portfolio lang din ang pinagawa. "Raelyn Jaeeeee! Kain na tayo dali," anyaya ni Hestia. Wala pa sana akong balak bumaba dahil hindi pa ako tapos pero kung tatapusin ko naman ito, baka hindi na ako makakain. Napagpasyahan ko na lang na ilagay muna sa case folder bag ang mga portfolio para hindi lipadin ng hangin. "Tara na," umangkla ako sa kaliwang braso nya at nagsimula na kaming bumaba papuntang canteen. "Ano bang bibilhin mo? Ako na bahalang bumili." Iginala ko naman ang paningin sa mga pagkain. "Siopao na lang saka juice," inabot ko sa kanya ang bayad na tinanggihan nya lang. "Wow himala ata nanlilibre ka ah? May lagnat ka siguro," manghang usal ko. "Ngayon lang toh teh at good mood ako kaya maghanap ka na ng mauupuan natin bago pa magbago ang isip ko." Tinalikuran nya ako at pumunta na sa mga pagkain. Nag-ikot ikot ako para maghanap ng mauupuan pero mukhang puno na lahat. Dumako ang paningin ko sa grupong nakapabilog sa isang lamesa. Andun si Gael kasama ng barkada nina Szaniah. Alam kong may nagbago sa pagitan namin ni Gael, hindi na sya madalas sumama sa amin at laging nasa kabilang grupo na. Pwede sigurong dahil sa akin, sya na ang nag-adjust, sya na ang umiwas. Iniwas ko na lang ang paningin at hinintay si Hestia. "Sabi ko maghanap ka ng mauupuan natin eh," ani nya dala ang mga pagkain namin. "Puno na lahat, sa room na lang tayo kumain," yaya ko sa kanya. "Err ano ba yan, dapat kasi buksan na nila yung kabilang part nito eh para hindi tayo nagsisiksikan dito. Kainis. " Ang tinutukoy nya ay ang isa pang parte ng canteen na nasa katabi g building nito, hindi pa kasi binubuksan yun dahil bagong gawa pa lang. "Let's go," kinuha ko sa kanya ang pagkain ko at naunang lumakad papunta sa building namin. "Hintayin mo naman ako!" Nilakihan nya ang lakad para makasabay sa akin. "Tapos ka na ba sa mga portfolio? Sabay tayong magpasa." Inisip ko kung ilan pa ba ang gagawin ko. Tapos na ako sa major subjects ko, lalagyan na lang ng mga table of contents. Minor na lang ang natira which is yung mga ibibigay pa lang after ng break namin. "Minors na lang," tugon ko. "Ay weh? Sana all, may major pa ako eh. Basta sabay tayo ah?" I nodded my head as a response. Pumasok na kami at umupo sa upuan na nasa row ko since may mga nakaupo dun sa kanya. Dahil nga break pa namin, kaya halos lahat ng mga kaklase namin ay nasa labas at kaunti lang kaming natira sa loob. May mga kumakain, meron din namang mga gumagawa at kasama na si Eissna dun. "Patingin nga ako ng mga activity mo Jae. Hindi ko alam kung ano ang mga kulang ko eh." Tinuro ko lang ang case file folder na nasa baba. "Ayusin mo lang teh ah? Medyo ayos na lahat ng mga nandyan," bilin ko na tinanguan nya lang. Ang kaninang naputol na kwento nya tungkol sa concert ay kanyang ipinagpatuloy habang kumakain kami. "Tahimik lang kaya ako alam mo ba? Syempre ang mga kasama ko ba naman eh unang beses ko pa lang nakita." Kumagat ako sa siopao at tumingin sa kanya. "Pero noong kumakain na kami, ang dadaldal nila! Dun na nila ako sinimulang kausapin, nagpakilala sila isa't isa tapos tanong dito tanong doon." Pansin ko ang pagpasok ng mga kaklase namin kaya napatingin ako sa orasan at nakitang tapos na pala ang break namin. Alam naman naming laging late pumapasok ang next teacher namin kaya hindi pa umalis sa tabi ko si Hestia at nagtuloy tuloy sa pagkwento. Nakikinig lang ako at paminsan minsan nagbibigay komento. "All in all masaya talaga sya tapos nagkaroon pa ako ng mga bagong kakilala. Wala nga lang talagang naging pictures sa phone ko kasi namatay." Nagkaroon ng panandaliang panghihinayang sa boses nya na napalitan ng excitement sa hindi ko malamang dahilan. "Sabi ni Brays, next time daw ulit tapos sama na talaga kayo!" Naalala ko ang shared post ni Brayson kung saan kami nagcomment na nireplyan nya ng 'next time make sure kasama na kayo'. "Nakita ko nga teh, grabe sya ah sigurado ka na bang wala kang balak makipagbalikan?" Natahimik sya sa tanong ko at ngumiti na lang. Hindi rin nagtagal ay nagkaroon na kami ng teacher nagbigay lang din ng mga aayusin naming activity. Hindi nga ako nagkamali dahil ganun na rin ang mga binigay ng mga sumunod pa naming guro, at dahil doon maaga kaming pinauwi. "Jae, bili tayo mango graham shake? Wala pa naman si kuya, " ani ni Cheyenne, kasama ko sa service. Napatingin ako sa pitaka at nakitang may extra pa akong pera. I also craved for something cold kaya pumayag na ako at naglakad na kami papunta sa stall ng shake. Medyo natagalan kami dahil sa dami ng mga estudyanteng bumibili rin that's why when we went to the parking space, our service is already there waiting for us. Naghintay kami ng ilang minuto para sa iba pang kasama bago kami nakaalis. 30 minutos ang tagal ng byahe namin galing sa school pauwi and vice versa, maliban na lang kung traffic or may ginagawang daan. Bago pa ako makarating sa bahay, sinisigurado kong ubos na ang kung ano mang kinakain ko dahil ayaw ni mama na bumibili ako sa mga pagkain sa labas ng school. "Magpahinga ka tas magshower ka bago matulog ah? Amoy araw ka," bungad ni mama pagkapasok ko ng pintuan. Nagmano ako sa kanya at nagpalit na ng damit. "Anong ginawa nyo sa school ngayon?" Tinanggal ko ang pagkakatirintas ng buhok at hinayaan lang na nakalugay. "Wala naman ma, nag-ayos lang kami ng mga ipapasa," sagot ko. Nilagay ko sa hanger ang gamit na uniform at sinampay para hindi makusot. "Sige kumain ka na dyan, may ulam dyan kung ayaw mo naman, magluto ka na lang." Lumabas na sya at pumunta sa may terrace. Si papa ay mamaya pa ang dating, minsan sabay kami minsan hindi depende kung anong oras sya matatapos. Habang si mama naman ay nandito lang sa bahay, nagbabantay sa maliit naming tindahan, pandagdag na rin sa pambayad sa mga gastusin. Balak kong mamaya na kumain dahil hindi pa naman ako gutom kaya naghugas na lang muna ako ng mga pinagkainan na nasa lababo. Sinasabayan ko ang kanta sa speaker nang biglang humina ang volume meaning may message na pumasok. Hindi ko pala nasilent ang phone kaya malalaman kung may nagnotify or nagmessage. Pinunasan ko ang kamay at kinuha ang phone. GC: Prim: SANA ALL @Raelyn Jae Hernandez sent an image Caleb: Ay wow Hestia: Hindi pa rin pala nya binabalik Crista: How to be you po Mabagal ang wifi ngayon kaya hindi ko pa nakikita ng maayos ang sinend ni Prim. Tinapos ko muna ang paghuhugas bago binalikan ang phone. Napaawang ang bibig ko sa nakita. Screen shot ito sa story ni Brayson at ang nasa loob nito ay isang screen shot din ng conversation. At ang kausap nya dito na kung hindi ako nagkakamali ay ang lalaking nirereto sa akin ni Hestia. Brayson: HOY GAGO IBALIK MO KOTSE KO GAGO KA Hayeshit: GAGO KA RIN NUMBER MUNA NI RAELYN HAHAHHAHA YUNG NN KO GAGO KA PALITAN MO Nakita kong nakamention ako sa story pero pagpunta ko sa profile ni Brayson, deleted na yung story. Mahinang napabulong na lang ako. "What the fudge?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD